Yakap
Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na din kami sa Montereal residence. Pagkababa sa sasakyan ay iniwan lang ako nito na para bang hindi niya ako bwinisit maghapon.
Wow ang galeng!
Naglakad na ako patungong pavillion, doon kasi idadaos ang party. Sa labas pa lang ay tanaw ko na ang mga lobong may iba't ibang hugis at kulay, at siyempre karamihan sa mga bisita ay mga bata. Pagkapasok sa loob ay nasilayan ko rin ang madami pang disenyo na hango sa barbie na paborito ni Max. Natanaw ko na rin si mama kaya lumapit na ako sa kinaroroonan niya.
"Ma, bakit n'yo naman po ako iniwan?" nanunulis ang nguso ko
Imbes na sumagot ay nginitian ako nito at tiningnan mula ulo hanggang paa. "Napaka-ganda ng anak ko."
Napangiti tuloy ako. "Ma, hinaan n'yo naman boses n"yo. Nakakahiya." Napahagikhik pa kami.
Maya maya pa ay nag umpisa ng magsalita ang host ng party.
"Let us all welcome our birthday celebrant together with her family, Jin Maxene Montereal."
Pagsisimula nito, natuon naman ang mata namin sa munting entablado. Pagbukas nun ay nakita ko na agad si Max, nakasuot ng kulay Pink na gown at nakasuot pa siya ng wig katulad nung kay barbie. Napaka-cute na bata kaya naman di ko sinayang ang oras para kunan siya ng madaming litrato. Agad ko namang nakita sa gilid niya si bwisit na naka- rolled up white sleeves. Pag dating talaga kay Max nawawala ang hiya niya, naalala ko pa nung birthday ni tita Jana ni hindi ko man lang siya nasilayan buong event.
Nakaupo na sa gitnang entablado si Max, agad itong kumaway nung makita ako. Parang napaka-espesyal ko tuloy. Nagsimula na nga ang event, mula sa 7 treasures na sinundan ng 7 candles kung saan pang pito ako. Nakalinya na kaming pito roon hawak hawak ang kandila. Nakita ko ang pagkislap ng mata nito noong makitang ako na ang magsasalita.
"Hi baby barbie doll?" umpisa ko, "Happiest 7'th birthday sa 'yo baby, I just want you to know na napaka-ganda mo, grabe mukha ka talagang barbie."
Mukhang kinilig naman ito sa sinabi ko.
"Happy birthday ulit Max, ate is always here for you. Iloveyou baby barbie doll." sabi ko pa
Matapos nun ay umakyat pa kami sa stage para sa picture at hindi pa nagpaawat si Max at niyakap ako. Nahihiya tuloy ako sa mga kasama ko, bakit ba kasi ako gustong gusto ng batang 'to? Sobrang kabaliktaran ng bwisit niyang kapatid.
Matapos ang 7 candles ay ang 7 roses naman, mukhang mga relatives lang nila ang ilang batang magsasayaw kay Max. Sa tingin ko ay puro babae sila sa klase kaya naman naalala ko yung Kaizer na mini-mention niya noon. Weird. Wala namang batang lalaki dito na halos kasing edad niya.
Napahinto lang ako sa iniisip ko noong si J—bwisit na yung magsasayaw kay Max, ito kasi ang last dance niya. Hindi ko alam, pero nangingiti akong pagmasdan ang magkapatid. Jix can literally do anything for his sister. Napaka-swerte ni Max.
Noong matapos ang 7 roses ay nagbigay naman ng message sina tito, tita at syempre maging si Jix.
"Happy birthday Max. Always remember that kuya will protect and love you forever."
Di ko mapigilang ma-touch sa maikling sinabi nito. Sana all talaga may kuyang katulad niya. Ay may kuya nga rin pala ako na half bwisit at half mabait.
Pakiramdam ko ay nababawasan na ang inis ko sa kaniya sa mga ginawa niya ngayong araw. Ginawa niya lang yun para maging masaya si Max, he swallowed his pride para lang masigurong makararating ako. Pero pupunta naman talaga ako, siya lang itong makulit. Tsk!
Nagbigay din ng message ang lolo at lola nina Max, ngayon ko lang sila nakita, dahil sa pagkakaalam ko ay sa states sila nakatira. Noong matapos ang pagbibigay ng mensahe ay sinindihan naman ang 3 layers cake ni Max na barbie inspired din. Inumpisahan na ng host ang pagkanta ng 'happy birthday' na sinundan naman namin.
"Make a wish Max." sabi pa nung host.
Pumikit naman ito at saka hinipan ang mga kandila sa cake.
Matapos yun ay nagchange outfit naman si Max para sa prod niya kasama ang ilang mga kaklase. Nagsayaw sila sa saliw ng kantang How you like that ng Blackpink. Nakakatuwa silang panoorin, lalo na si Max na todo sa paghataw kahit di naman kalambutan ang katawan. Ha ha, iyon ang totoo. Pagkatapos ng prod ay binigyan naman ng pagkakataon si Max na kumain bago magpatuloy sa kanilang pa-games.
"Ateee!"
Napalingon agad ako sa tumawag sa 'kin. Si Max na nakasuot na ng kulay pulang dress at tumatakbo papunta sa 'kin.
"Max." sabi ko at iniunat ang bisig ko
Dali dali naman itong nagpaunlak ng yakap. Ewan ko ba at parang lagi niya akong namimiss.
"Ate, kala ko di kana pupunta e." nagpout pa ito
"Bakit naman di pupunta si ate? Eh alam mo namang love na love kita."
Naupo na siya sa tabi ko at doon na rin kumain.
"Alam mo ba Kila, ala una palang nagtatanong na yan kung nandito ka na raw ba." kwento ni tita
Napangiti naman ako. Kaya siguro ganun na lang ang effort ni J—bwisit na masiguradong makakapunta ako.
"Ay Max, may regalo nga pala ako."
Agad namang kumislap ang mga mata ng bata. Nilabas ko na sa paper bag ang kahon na may lamang penny board.
"Wow! Ate ano po laman nito?"
"Secret. Mamaya mo na buksan, para surprise. Hmm" Pinisil ko pa ang kaniyang pisngi.
Tumango tango naman ito at nagpatuloy na sa pagkain.
Nag umpisa ng muli ang party ng mga bata, magic tricks, bring me at siyempre ang hampas palayok. Madami pang naging pa-games sa mga bata, mukhang aliw na aliw nga si Max.
Noong maubos na ang mga pa-games ay pumwesto naman sila sa harap ng tv na naka-set up para sa movie marathon. Iilan na lang din sila dahil ang iba ay nagpaalam ng umuwi.
"Baby, I think we should go na. Tapos na rin naman ang party." bulong sa 'kin ni mama
"Sige po magpapaalam lang ako ako kay Ma–"
"Ate!" speaking of, "Ate, tara nuod tayo." aya nito at hinawakan ang kamay ko
Napatingin naman ako kay mama at mukhang na-gets niya agad yun.
"Uuwi kana po? Ate, wag muna please. Pleaseee." Niyuyugyog pa nito ang kamay ko.
"Sige na Kila, pagbigyan mo na si birthday girl. Sasabihan ko na lang ang Tita mo na ipahatid ka, hmm" sabi pa ni mama
Aangal pa sana ako pero agad na itong nagtungo kina tita. Bakit ba ang hilig niya akong abandonahin? Hindi naman sa ayaw kong makasama si Max, sadyang ah wala. Wala pala akong dahilan.
"Tara na ate?" masayang tanong ni Max
Ngumiti na lang ako at nagpatianod sa paghila niya. Magkapatid talaga sila ni bwisit, parehong nasusunod kung ano ang naisin at pareho rin na panay ang hila sa 'kin. Pag ang balikat ko talaga nakalas. Tsk
Pinalis ko muna ang mga iniisip ko at sinikap na magfocus sa panood ng movie na Minions: The Rise of Gru. Okay naman sana lalo at mahilig akong magmovie marathon, kaya lang napanuod ko na kasi to e. Huhu
"Ate napanood mo na ba yan?" tanong ni Max
Agad naman akong umiling. "Not yet, baby." pagsisinungaling ko na ikinatuwa naman niya
Habang abala sa panunuod ay nagvibrate naman ang cellphone sa purse ko.
"Wait lang Max ah." paalam ko at lumayo muna
"Hello?"
"Hey. Uhm still at the party?" tanong ni Ranz
"Uhm yeah. Pero pauwi na din. Why?"
"Nothing. Just checking on you. Sige na baka nakaaabala na 'ko. Enjoy and mag ingat ka."
"Got it. Bye. Thanky"
Bumalik na ako sa tabi ni Max at mabuti naman dahil malapit ng matapos ang movie. Spoil ko kaya ang mga batang 'to? Bad idea Kila.
"Ate, after this movie buksan naman natin ang mga gifts ko." bulong nito sa 'kin
Para naman akong nanigas sa pagkakaupo ko. "Eh Max, okay lang ba na nandun ako? Diba dapat kayo nina mommy mo ang mag open nun?" nag aalangan na tanong ko
Parang bigla akong naging part ng family.
Agad itong nagpout sa 'kin. "Please. Last request ko na po talaga ito. Pleaseee" Ikinikiskis niya pa ang mga palad niya.
Pasalamat ka talaga at cute kang bata ka.
"Uhm o-okay pero magpaalam muna tayo kay mommy mo ha?" sabi ko pa pero mukhang di niya na pinansin yun nung marinig ang word na okay
Noong matapos ang movie ay nagpaalam na rin ang mga classmates ni Max. Sadyang ako na lang talaga ang bisitang naiwan. Nakakailang.
"Mommy gusto ko po nandun si ate sa pag open ng mga gifts ko. Okay lang po ba?" tanong niya sa in
Napatingin naman sa 'kin ang mag asawa. "Ofcourse baby. Pero si ate ba tinanong mo? Magfa-five na oh, need niya na umuwi."
Agad lumungkot ang mukha ni Max.
"Tita, hayaan n‘yo na po. Birthday naman po ni Max, pagbigyan na po natin." sabi ko at agad nanumbalik ang sigla sa mukha ng bata
"Naku salamat hija, halika na pasok na tayo sa bahay." anyaya pa ni tita na pinaunlakan ko naman
Nakahawak pa sa mga kamay ko si Max, mukhang hindi talaga ako makakatakas ah. Pagdating sa loob ay naabutan namin sa living room ang grandparents nina Max, at maging yung bwisit ay nandoon rin. Mukhang nagulat pa ito sa presensya ko.
"Mom, Dad si Kila nga po pala, anak po siya ng childhood bestfriend kong si Alexa." pagpapakilala sa 'kin ni tita
"Good evening po Mr and Mrs Montereal." pormal na bati ko
"No ate. Call them, granny and grandpa." pagtatama pa sakin ni Max
Nahihiya na talaga ako.
"Ito kasing si Max ay halos ayaw na pauwiin si Kila. She is so fond with her." natatawang paliwanag ni Tito
"I can see naman why Max like her very much. She's beautiful." sabi nung lola ni Max at lumapit pa sakin, "I thought she's Matthew's girlfriend."
Mas lalo lang tumindi ang ang hiyang nararamdaman ko. Pero ano? Girlfriend? Yuck. Kainin na lang sana ako ng lupa.
"Soon, granny." nakangising sabi pa ni Max
Nagtawanan naman sila. Anong nakakatawa?
"Ate let's go?" aya sa 'kin ni Max
Agad naman akong sumang ayon dahil gusto ko na talagang umalis sa sitwasyon na yun. Umakyat na kami sa kwarto niya kung saan nakalagay ang sandamakmak na regalo.
"Max, sure ka ioopen na natin to kahit wala ang mommy mo? Hindi ba dapat makita nila kung kanina galing yung mga gifts."
Abala ito sa paghalungkat sa mga gifts niya na parang may hinahanap.
"Don't worry ate, I'll just open 7 gifts from 7 special people for my 7th birthday." paliwanag pa nito
May nalalaman pa siyang ganoon ah.
Nakita ko ang nakahilerang regalo, tiningnan ko agad yun. Ang regalo mula sa grandparents niya, kina tito at tita, kay bwisit at yung sa amin ni mama.
"Kasama kami sa 7 special special people?" bahagyang natatawa na tanong ko
Tumango tango naman ito. Aww. Na-touch na naman ang puso ko.
Una naming binuksan yung sa lolo niya, na iPad ang laman, yung sa lola niya naman ay laruang make up kit na mukhang tunay. Sunod ay regalo ni mama na Light Up tracing pad. Sunod ay yung regalo naman ng parents niya ang kaniyang binuksan, mga laruang barbie ang laman nun na talaga namang kinaaliwan ni Max.
"What's next? Yours or kuya?" tanong nito hawak ang regalo namin ni Jix
"Last mo na yung akin baby." sabi ko at kumindat pa
Inumpisahan niya ng buksan ang gift ng kuya niya. Medyo naguluhan pa ako noong tumambad na ang nasa loob ng kahon.
Portrait?
Tama dalawang portrait ang laman nun, ang weird 'no? Bata ang may birthday tapos portrait ang gift.
"Ate, look oh." masayang sabi ni Max
Agad ko namang tiningnan ang hawak niya na agad nagpalaki sa mga mata ko.
"Wow!" bulalas ko
Ang isang portrait ay silang dalawa ni bwisit, habang yung isa naman ay kaming dalawa ni Max. Mukhang candid shots pa iyon, dahil hindi pa naman kami nagpipicture ni Max.
"Who took this photo Max?"
Saglit namang nag isip ang bata. "Ewan ko po, but it was captured in mom's bday, diba po?" tanong niyang pabalik
Tumango naman ako, marahil yung photographer ang kumuha. Duh! Not a big deal tho. Pero ano kayang nararamdaman ni J—bwisit habang dino-drawing niya ko? Siguro nilagyan niya ng sungay ang unang subok niya. Tsk
"Ate. Ioopen ko na po ang gift mo ah." sabi nito na bakas na ang excitement
Magugustuhan niya kaya? Nakangiti pa ito habang pinupunit ang gift wrap. Nangunot pa ang noo niya nung makita ang kahon ng penny board.
"Skateboard?!"
"That's penny board Max. Nagustuhan mo ba?" tanong ko habang binubuksan niya ang kahon
"I love it ate."
Nung mailabas na ang board ay mas lalong naghugis puso ang mata nito, saka yumakap sa 'kin. "Thank you po ate." bulong niya
Hinaplos ko naman ang kaniyang buhok. "Your welcome Max."
Mabuti naman at nagustuhan niya ang regalo ko.
****
Jix
MULI akong napasuntok sa kama ko noong maalala kung ano ang mga pinag gagawa ko ngayong araw. I just said sorry and thank you to her, kinausap ko yung mga kaibigan niya, at higit sa lahat sumama ako sa outing nila. Damn it! Paano ko nagawa yun?
"As far as I know, her mom trust me more than you, guys."
Wow! Really Jix? Did you just called them 'guys'? What a disgusting day.
Alam kong sobra sobra rin ang inis sa akin ng babaeng pakialamera pero wala akong magagawa, kailangan kong masigurado na makararating siya sa birthday ni Max. Kaya kahit nakauwi na ito ay naghintay parin ako sa labas. Hindi ko naman inaasahan ang paglabas ng mommy niya at nagtungo sa direksyon ko.
"Jix hijo, hindi ko inaasahan na ikaw ang naghatid kay Kila. Halika pumasok ka muna. Naghahanda pa si Kila." anyaya nito na may malapad na ngiti
Hindi naman ako nakasagot agad, ayokong pumasok pero ayoko ring malaman niya na gusto ko lang masigurado na makapupunta ang anak niya sa party.
"Come on hijo, wag ka ng mahiya." sabi pa niya at hinawakan na ako sa braso sabay akay sakin papasok
Wala na akong nagawa kundi ang magpatianod. Halos sampung minuto na din akong naghihintay doon sa loob, mabuti na lang at may ibang pinagkaka abalahan si tita Jana.
"Uhm Matt, pwede bang ikaw na lang ang maghintay kay Kila? Sabay na kayong magpunta sa party." sabi pa nito sa 'kin, "Hayaan mo, pababa na rin iyon. Ibinilin na kita kay manang, pag may kailangan ka tawagin mo lang sila, ha? Sige ha hijo."
Ni hindi man lang niya ako binigyan ng pagkakataong makapagsalita, sa tingin ko ay sinasadya niyang gawin iyon.
Mahigit trenta minutos na ako rito, kanina pa ako laging naghihintay. Damn it! Sa pagkaka alam ko mas kailangan ako sa party kaysa sa babaeng 'to.
"Ma tingnan niyo nga kung ayos lang ang itsura ko?"
Narinig kong sigaw mula sa hagdanan. Finally!
Mukhang nabigla ito nung makita ang presensya ko, napatitig naman ako dito. Psh...
"Let's go. Hurry up." utos ko
Sumunod naman siya kahit nangungulit pa kung nasan ang mommy niya, na hindi ko naman binigyan ng kasagutan. Why bother asking? Isn't obvious?
Damn! I can't believe na nagawa ko ang mga bagay na yun. I really want to make my sister happy on her special day. Iyon lang talaga yun.
Hindi ko rin maunawaan si Max kung bakit niya gustong gusto ang babaeng iyon.
"Kuya!"
Narinig ko ang pagtawag niya sa labas ng kwarto ko. Nakauwi na kaya si pakialamera? Tumayo na ako para pagbuksan si Max. And there I saw that girl standing beside my sister.
"Kuya, picturan mo kami." Nagpout pa ito.
Aalma pa sana ako pero hinila niya na ako papasok sa kwarto niya. Nakita kong nakabukas na ang ilang regalo dun. Wait? Don't tell me–
"Nagustuhan ko yung portrait na gawa mo."
Napapikit na lang ako sa sinabi ni pakialamera sa likod ko. Mukhang nakita niya na nga talaga. So what?
May nakita rin akong penny board doon na mukhang alam ko na kung sino ang nagbigay.
"Kuya where's your camera?" salubong ang kilay na tanong niya
I can't believe this little girl, matapos niya akong hilain dito hahanapan niya ako ng camera.
"I'll get it." sabi ko na lang
Pagbalik ko ay naka-pwesto na sila sa kama hawak ang portrait nilang dalawa.
"Galingan mo kuya ah, pareho kaming princess ngayon ni ate." bilin pa ni Max
Di na ako sumagot at kinunan ko na lang sila ng litrato. Mukhang natutuwa rin ang babaeng pakialamera na naging photographer nila ako. I can't believe I am doing this in front of her.
Nag iba iba pa sila ng posisyon pero parang hindi sa kanila sapat ang bilang ng mga kuha ko. Mga babae talaga.
"Kuya, kayo naman ni ate." sabi ni Max at inagaw sa 'kin ang camera
Hinila pa ako nito sa tabi nung babae. "Birthday ko po ngayon, bawal mag no sa 'kin." sabi pa nito at ngumiti
Inayos pa kami nito. Jix, birthday niyan ngayon. Picture lang to, bulong ko sa isip ko.
"Closer pa po."
Hindi naman ako gumalaw kaya si pakialamera ang dumikit sa 'kin.
"Okay, 1..2..3.." Kunot noong bumaling samin si Max matapos niyang tingnan ang kuha. "Are you mad at each other? Smile ate, kuya." Nanunulis pa ang nguso niya.
"Ulit po ah. Smile kayo! 1..2..3.." Pinilit ko na lang ngumiti para matapos na.
"Ang cute." Natatawang sabi ni Max at iniharap sa 'min ang camera na di ko naman tinapunan ng tingin
Bakit parang nagtatawanan silang dalawa? Ako ba pinagtatawanan nila? Makikita ko rin yan mamaya.
"Pwede na ba akong umalis?"
Tumango namam si Max at hinarap na yung babae.
I am about to walk outside nung bigla na lang nagdilim ang paligid. Blackout? Tsk!
"Kuya!" sigaw ni Max
Dali dali akong lumapit dito. Hindi ko dala ang cellphone ko kaya wala talaga akong pang ilaw.
"Nandito si kuya Max." sabi ko at inalalayan ko siyang maupo sa kama.
"Ate?"
Ano bang ginagawa niya at bigla siyang nanahimik?
"S-Sam a-ayoko na."
Huh? Sinong kausap niya?
"Ate, ano pong sinasabi n'yo?"
"Lumayo ka sakin! Sam.. Sam tama na please."
Napayakap na sa 'kin si Max.
Ano ba kasing nangyayari sa babaeng 'to.
"Max, where's your phone?" tanong ko
"Sa side table kuya."
Agad naman akong nangapa sa dilim patungo sa side table niya. Mabuti at mabilis kong nahawakan ang phone. Binuksan ko agad ang flashlight nun at dun ko nakitang nakatayo parin pala yung pakialamera sa kaninang kinatatayuan niya. What the hell is going on?
"Hey!" inis na sabi ko at hinawakan ang wrist niya
Agad kong naramdaman ang panginginig nun. s**t! What's going on?!
"... S-Sam tama na.. P-Pakiusap"
Itinutok ko pa ang ilaw sa mukha nito, nakita ko nang mga mata niyang nakapako lang sa isang direksyon. Para bang hindi niya ako nakikita o hindi ako nag eexist sa kaniyang harapan.
"Ate, are you okay?" bakas na ang pag aalala sa boses ni Max
"Ano bang nangyayari sa 'yo?"
Hinawakan ko siya sa braso pero parang wala talaga siya sa katinuan, paulit ulit ang kaniyang sinasabi. Para bang nagmamakaawa siya para sa kaniyang buhay.
"Max, hold this." utos ko at iniabot ang fone
Hinawakan ko sa magkabilang balikat si Akila. "Can you hear me? Ano bang nangyayari?!"
Tila di niya ako naririnig kahit halos pasigaw na ang boses ko.
Nararamdaman ko parin ang panginginig niya at nakikita ko ang labis na takot sa kaniyang mukha.
"...Sam.. please wag mo 'tong gawin.. Maawa ka..."
Pagkasabi niya nun ay bumagsak na ang mga luha niya. Tuloy parin siya sa pagmamakaawa dun sa Sam habang umiiyak. Hindi ko na rin alam ang gagawin ko, gulong gulo na maging ang utak ko. Labis parin ang panginginig at pag iyak nito na kahit ako ay naapektuhan na.
"Please Akila, pakinggan mo yung boses ko." Wala pa ring naging epekto iyon.
Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay niyakap ko lang ito ng mahigpit habang hinahagod ang kaniyang likuran. I want to make her feel safe.
Maya maya ay biglang nagbukas ang pinto. "Kila hija!" si mom na bakas ang pag aalala sa boses
Dali dali itong lumapit sa 'min.
"Tahan na Kila, everything will be fine." aniya at hinagod rin ang likod nito
Nanatili kami sa ganoong sitwasyon, gustohin ko mang kumalas sa pagkakayakap dito ay ayaw namang gawin iyon ng katawan ko.
Mabuti na lamang at nagbalik na ang liwanag sa paligid.
Dahan dahang tumigil sa pag iyak si Kila, ngunit ang panginginig at paghikbi niya ay nanatili.
"Jix?" mahinang sambit nito noong tumingala sa akin
Nanlaki ang mata ko at saka mabilis na binitawan siya na muntik pang matumba. My bad! Mabuti na lang at nahawakan siya ni mommy. Nakatitig parin siya sa akin.
"Hija, are you okay?"
Mukhang doon pa lang niya narealize ang presensya ng iba.
Hinarap nito si mom. "O-Opo tita. Sorry po."
"Kila, there's nothing to apologize. Are you really fine?"
Muli itong tumango at pilit na ngumiti.
Hinarap naman nito si Max. "Sorry ah, si ate kasi takot sa dilim." Nagpakita pa ito ng ngiti. "Natakot ba kita?"
Tumango naman si Max.
"Sorry baby, wag kang mag alala okay lang si ate, okay?" Niyakap pa niya si Maxene. "Tita, gusto ko na po sanang umuwi."
"Sigurado ka ba hija?"
Tumango ulit siya. Inalalayan pa siya ni mommy dahil mukhang nanlalambot parin ang mga tuhod niya. Napadako ang mata ko sa mga kamay nito na hanggang ngayon ay nanginginig parin. She's not fine yet.
Hindi ko na namamalayan na nakasunod parin pala ako hanggang sa pagbaba nila. Mukhang nagkaroon na ng sariling isip ang katawan ko dahil sa nangyari.
"Son, tawagin mo nga si manong . Sasama ako sa paghatid kay Kila." utos ni mommy
"Tita, ayos na po ako. Wag na po kayong mag alala pa, alam ko po napagod kayo ngayong araw. Ayos lang po talaga ako." pagkontra niya
Ilang beses ko na ba siyang narinig magsabing ayos lang siya kahit hindi naman? She's always acting tough and fine.
"O-Okay kung yun ang gusto mo. Matt,
yung inuutos ko." baling sa 'kin ni mom
"I'll drive her home." Huh? Ano na namang sinabi ko.
"Okay?" naguguluhang sagot ni mommy
Mukhang wala namang balak umalma si Akila. Iniwan ko na sila roon at inilabas sa garahe ang kotse ko. Nakita ko pang yinakap nito si Max bago maglakad patungo sa sasakyan at saka sumakay sa backseat.
Habang nasa biyahe ay di ko mapigilan na tingnan siya sa rear mirror. Nahuli ko naman itong nagpupunas ng kaniyang mga mata. Umiiyak na namam ba siya?
Tumighim ako para makuha ang atensyon niya. "A-Are you really fine?" Di ko na napigilang magtanong.
"Sorry..." mahinang sambit nito
Ano ba? Bakit ba siya nagso-sorry? It makes feel more bad to her.
"Tsk! Just stop crying. Hindi bagay."
Damn it! Is that the best comforting words that I have?
"You should be happy, yun naman ang gusto mo diba?"
Muli akong napasulyap dito pero nasa bintana na ang atensiyon niya. Kinalma ko na lang ang sarili ko, hindi ito ang tamang oras para singhalan siya.
"It is no fun."
Hindi na ito sumagot pa kaya nagfocus na lang din ako sa pagmamaneho. Malayo pa lang ay tanaw ko na ang parents niyang naghihintay sa labas. Pagkababa nito ay agad siyang niyakap ng mommy niya.
"Salamat hijo." sabi pa sakin ni tito
Bahagya na lang akong ngumiti at muli ng pumasok sa kotse bago magmaneho pauwi.
Pagkarating ko sa bahay ay agad akong sinalubong ng mga tanong nina mom and dad.
"She's really fine." sabi ko at mukhang nakahinga naman sila ng maluwag
"Did she have a traumatic experience?"
Napabaling naman kami sa tanong ni granny. Tumango tango naman si mommy.
"She looks so jolly and sweet, nakakaawa naman." grandpa added
"Son, nakita mo naman siguro yung kanina. Kaya sana, iexclude mo na si Kila sa mga sinusungitan mo, hmm." baling sa 'kin ni mom
Ano ba kasi talagang pinagdadaanan niya? Damn! Kinakain ako ng kuryosidad.
"Sige na, pupuntahan ko lang si Max." dagdag pa nito
Naiwan naman akong nagpipigil ng sarili na magtanong. Stop it Jix! Hindi dahil nasaksihan mo yun, ay pwede ka ng makialam. And I really should stop calling her pakialamera kasi ang totoo, ako talaga ang totoong mahilig makialam.
Hindi ko na mapigilan ang sarili kong makialam.