Chapter 24

3129 คำ
Yvette's Kila INALALAYAN pa ako nina mama sa pagpasok sa loob. Kaya ko naman na, ayos na ako. "Ma, Pa, magpapahinga na po ako. Goodnight." sabi ko at humalik sa kanilang pisngi Tiningnan lang nila ako ng may pag aalala, kaya pinilit kong ngumiti sa harap nila. Pagkapasok sa kwarto ay doon ko na pinakawalan ang mga luhang kanina pa gustong tumakas. Bakit ba para akong pinaglalaruan ng tadhana? Bakit kailangan pang makita ng nga tao sa paligid ang puntong iyon ng buhay ko? Una, sina Ranz at ngayon naman ay sina Jix. Bakit kailangang mangyari pa iyon sa harapan nila? Yung takot, nawawala din yun pag kumalma na ako. Pero yung mga mata nila na tinitingnan ako ng may awa, yun ang hindi ko matatanggap. Bakit kasi pinaglalaruan ako ng tadhana? Bakit kailangan pa nilang malaman at makita yun? Habang niyayakap ko ang aking mga tuhod ay muling nanumbalik sa akin ang nangyari. Bakit niya ginawa yun? Niyakap niya ba talaga ako? Oo. Naramdaman ko ang mainit at mahigpit niyang yakap. Naaawa na rin ba siya sa akin? I hate it! Ayokong kaawaan nila ako. Dahil sa pagod sa maghapon at pati na pag iyak ay nilalamon ako ng antok. Hindi na ako nagtangka pang bumangon para ayusin ang sarili ko. Gusto ko ng ipahinga ang napapagod kong isip at katawan. Nagising akong may kumakalam na sikmura, hindi na nga pala ako nakakain ng dinner kagabi. Tanghali na rin pala, bumangon na ako at dumiretso sa cr para maligo. Nanlalagkit na yata ang buhok dahil nakatulugan ko na kagabi. Habang nagsa-shower ay muling lumitaw sa isipan ko ang nangyari kagabi. Lagi na lang nandoon si Jix sa mga oras ng kahinaan ko. Pakiramdam ko tuloy ay ang dami dami niya ng nalalaman patungkol sa 'kin. Nagpakawala ako ng isang buntong hininga. Tapos na yun Kila, don't be bother by it, sabi ko sa isip ko. Kung may kinaiinisan akong ugali ko, meron din naman akong ikinatutuwa. At yun ay ang kaya kong palakasin at paghilumin ang sarili ko. After kong magbreak down, ay iche-cheer up ko naman ang sarili ko. Ayokong magpakain sa negativity, at mas lalong ayoko na ako mismo ang magagalit sa sarili ko ng dahil sa mga pinagdadaanan ko. Sinasaktan na nga ako ng tadhana at ng mga pangyayari, papahirapan ko pa ang sarili ko? Hell no. I'll do everything para maging malakas at matatag. Ako yata si Akila Cayne. Pagkatapos kung magtuyo ng buhok ay bumaba na ako, sobrang kumakalam na kasi ang tiyan ko. "Hi Ma." nakangiting bati ko Ngumiti naman siya pabalik ngunit mababakas parin ang pag aalala sa kanyang mga mata. "Maupo kana. Kumain na tayo ng lunch." sabi niya na sinunod ko naman, "Nagustuhan ba ni Max ang regalo mo?" "Opo. Tuwang tuwa nga po e." Tumango naman siya at saka ngumiti. Matapos kumain ay nagpahinga muna ako sandali at saka naman ako naglibang sa pool. Bakit kaya talaga ginawa ni Jix yun? Did he pity me? Tsk, of all people siya itong walang K na kaawaan ako. He can't even fix himself tapos magpi-pity pa siya sa 'kin. Parang naiinis na naman tuloy ako sa kaniya. Di hamak naman na mas worst siya sa 'kin, dahil siya pinahihirapan niya ang kaniyang sarili. Itinutulak niya palayo ang mga taong nagmamalasakit sa kaniya. I pity him. I should pity him, not the other side. Umahon na ako sa pool at nagdecide na munang manood ng movie. Plano ko kasing mag skate pag hindi na gaanong mainit ang araw. Gusto kong maging abala sa mga nagpapasaya sa 'kin para walang puwang ang negative vibes. Lalo at gusto ko na ring makalimutan ang nangyari. Mag aalas kwatro na noong nayari ako sa panonood ko, pero mukhang hindi na rin matutuloy ang plano kong mag skate dahil umuulan pala. Itinuloy ko na lang ang panunuod ng movie at hinintay na mag gabi. **** Maaga akong nagising kinabukasan, ni hindi pa nga tumutunog ang alarm ko. Maaga rin kasi akong nakatulog kagabi kaya ganun. Ginawa ko na ang morning routine ko at bumaba para sa breakfast. At sa unang pagkakataon ay nauna akong maupo kay papa sa dining table. "Aga mo ah." bati ni mama "Naunahan ko pa nga po ang alarm clock ko." nakangiting tugon ko Ngumiti naman ito at nagpatuloy sa paghahanda ng aming breakfast. Pagkarating ni papa ay nagsimula na nga kaming kumain na tatlo. At matapos yun ay nagpaalam na kami kay mama. Pagkababa ko sa harap ng gate 2 ng AMU ay nagpakawala pa ako ng isang buntong hininga. No bad vibes, no negative vibes. At ang isa pang no, no more interaction with that bwi—Jix. Hinding hindi na talaga ako maiinvolve pa sa kahit anong issues niya. As in, never! Kung kinakailangan ko siyang iwasan, gagawin ko. "Akila Cayne!" Napalingon ako sa tumawag sa 'kin. Si Hyun pala na nakasakay sa kotse ni Kurt, hinintay ko na silang makalabas ng parking area para sabay sabay na kaming pupunta sa room. "Good morning." nakangiting bati ko sa kanila "Good mood?" Nagtaas pa ng kilay si Kurt. "Yep. Kaya wag kayong panira okay?" Natatawa naman silang sumang ayon. Pumagitna pa ako sa dalawa at humawak sa kanilang braso. Pinagtitinginan tuloy ako ng ibang mga babaeng estudyante. Mainggit kayo. Agad kaming umupo ng paikot pagdating sa room. Nagtanong pa sila kung kumusta raw yung party at siyempre sinabi kong nag enjoy ako. Iyon naman talaga ang totoo, kung hindi lang nagpabida ang bwisit na blackout na iyon. Ilang minuto lang ay nagdatingan na rin ang iba pa naming kaibigan na gaya ng dalawa ay nagtanong din tungkol sa party. Wala na akong planong banggitin pa yung mga huling nangyari noong sabado, sapat ng alam nila na nag enjoy ako nung araw na yun. "Kaya naman pala nanalo sa pageant kahit 1st timer kasi malakas ang koneksiyon." parinig ng kararating pa lang na si Yvette Ano ba? Gusto ko ng goodvibes diba. Hindi ko siya pinansin sa halip ay nagtuloy ako sa pakikipag kulitan sa mga kaibigan ko. "Wow! 7th candle sa bunsong anak ng mga Montereal. Kaya pala ganun na lang ka-kompiyansang mananalo siya." Di ko na napigilang tumayo at harapin ang bruhildang babae na 'to. "My God, Yvette di mo ba puwedeng ipagpamamayang tanghali yang inarte mo? Naninira ka ng good vibes e." Napa smirk lang siya. "Bakit? Nasira ko ba ang pag eenjoy mo sa pagiging Ms. AMU?" Ako naman ang nag smirk. "Alam mo, sa lahat ng di affected ikaw lang ang nagrereact. Saka kung may reklamo ka, edi dun ka sa judges magreklamo. Wag sakin, okay?" "Bakit pa ako magtatanong kung nakita ko na ang sagot sa picture na 'to." Iniharap niya pa sa 'kin ang picture kung saan nakayakap sa 'kin si Max after ko magbigay ng mensahe. "Medyo chismosa ka rin 'no? Pero lamang parin ang pagiging kwentong barbero mo. So what kung nandoon ako sa party? Alam mo ba ang buong kwento? Kung ako sa 'yo, kaysa maghalungkat ka sa buhay ko at mag imbento ng kung anu-ano. Maghanap ka na lang ng lalaking magmamahal sa 'yo, malay mo kaklase lang pala natin siya." litanya ko at pasimpleng bumaling kay Kian na masama na ang tingin sa 'kin "What the hell are you talking about? Wag mong ibahin ang usapan." "Ayoko nang makipag away sa 'yo Yvette. Kasi para tayong pre-schooler na nag aaway dahil sa iisang kendi. Sabihin mo nga, may matindi ba akong ginawa sa 'yo para magalit ka sa 'kin? Kasi kung meron, edi fine mag away tayo sige. Pero sa pagkaka-alala ko wala naman diba? Kaya isipin o sabihin mo kung anong gusto mo, dahil papatulan lang kita pag may nasabi ka na sa 'kin na malalim na dahilan kung bakit ka nagagalit sa 'kin. Okay?" mahabang litanya ko pa at ngumiti ng may pang aasar saka mo siya tinalikuran "Wow! Umiiwas na sa gulo. Good girl." sabi ni Rye at ginulo pa ang buhok ko "Siyempre ayoko ng awayin ang future ni Prince." bulong ko at naghagikhikan naman kami Maliban kay Kian na magkasalubong ang kilay. Bukod sa paninira ni Yvette ng mood ko nung umagang iyon ay wala na naman ng naging problema sa maghapon. Hindi ko rin namataan si Jix sa maghapon kaya masasabi kong, good day parin ito. Nandito ako sa kwarto ko at abala sa paggawa ng research. Sa kamalas malasan kasi ay dalawa pa sa mga spoiled brat ang kagrupo ko. Hindi naman sa hindi sila tumutulong, sadyang mas gusto ko lang na mag isa kong gagawin ang part ko sa research. "Hija, di ka pa ba tapos? Handa na ang dinner." sabi ni Nay Andi sa labas ng kwarto ko "Susunod na po." Sinigurado ko na munang naisave ko ang mga ginawa ko bago isara ang laptop. "Malapit na pala ang birthday mo Kila." sabi ni papa habang kumakain kami "Naku, matutuloy kaya ang pa-kotse nina Mom sa 'yo?" dagdag pa ni mama "Matutuloy yun Ma, hindi ako bibiguin nina mami at dadi." kompiyansang sabi ko "Basta matutuloy din ang party ha! 19th roses and 19th candles." Tumabang naman ang mukha ko dahil sa sinabi ni mama. "Kailangan pa po ba talaga yun? Di naman na debut yun e." "Kaya nga kailangan yun, dahil hindi ka nagcelebrate ng debut. At isa pa, ano naman kung 19th birthday ang magiging debut mo? Eh unique ka kaya." sabi pa ni mama na halata namang binu-bola lang ako "Hmp! Bahala po kayo, kayo naman po ang gagastos eh." pabirong sabi ko na lang "Anong kami? Ang mami at dadi mo kaya." natatawang saad ni papa Nagtawanan pa kami at nagpatuloy na sa pagkain. Matagal pa kaya ang birthday ko, excited lang sila e. Kinaumagahan pagpasok ko sa AMU ay agad kong napansin na tila may pinagbubulungan na naman ang chismosang estudyante. Ano na naman kaya ang issue? I mean sino na naman ang magiging apple of the eye? Si Jix kaya ulit? O baka naman ako? Pero hindi naman nila ako tinitingnan e. "Totoo kaya to? Kung ganoon, ang kapal pala ng mukha niya na maging bully." Narinig kong sabi ng isang estudyante, nakita ko rin na tila may hawak siyang papel. Out of curiousity ay hinarang ko sila at kinuha ang papel na hawak ng isang babae. Nanlaki ang mga mata ko noong makita ang black and white na litrato ni Yvette. "High school bully, Yvette De Villa is an illegitimate daughter of Mr. Lyndonn De Villa. How dare you bully US, when you are just a unwanted child. SHAME ON YOU!" Totoo kayo 'to? Anak sa labas si Yvette? Pero ano naman? Hays! Don't mind it Kila. Nagpatuloy na ako sa paglalakad, halos lahat ng madaanan ko ay may hawak na papel na patungkol kay Yvette. Bakit ba ganito sa school na 'to? Konting issue kailangan ipakalat agad. Pagbukas ko ng pinto ng room ay sinalubong ako ng tingin ng mga kaklase ko. This is unusual tho. "It was you, right?!" singhal ni Yvette habang hawak hawak ang poster. Teka ako ba ang tinatanong niya? Lumingon pa ako sa gilid ko pero ako lang ang nandoon. "Sumagot ka?! Ikaw ang may gawa nito tama?" Naiiyak na siya. "Puwede ba, bakit naman ako mag aaksaya ng panahon sa 'yo? At isa pa, sa dami ng binully mo malamang isa sa kanila ang may gawa niyan. Wag ako ang paghinalaan mo, dahil di mo naman ako na-bully 'no." mahinahong paliwanag ko "Pero ikaw lang ang nakaaway ko kahapon kaya sigurado akong ikaw ang may gawa nito." giit niya pa Bakit ba ayaw niyang maniwala? Huminga ako ng malalim, ayoko ng madagdagan pa ang nararamdaman niyang bigat. Kalma lang Kila. "Yvette, kahit pa nga kagabi o kanina tayo nag away hindi ko gagawin 'yan, dahil hindi nga ako interesado sa buhay mo. At bakit ko naman kailangan magpakalat ng ganiyan, eh pwede naman kitang sabunutan. Diba? Alam na alam mo 'yan." pilit na pagpapaintindi ko pa rito Mukhang kahit papaano naman ay nakukumbinse ko na siya. "Malalagot sa 'kin ang sinumang may gawa nito!" singhal pa niya at inihagis ang mga papel saka lumabas ng classroom Paglingon ay nakita ko namang nandoon na ang mga kaibigan ko. Nakita ko ang pagkabalisa sa mukha ni Kian, marahil ay nag aalala sa kalagayan ni Yvette. "Ang kapal ng mukha mambully e sampid lang naman pala siya sa pamilya nila." sabi ni Erin "Bilog talaga ang mundo." natatawang segunda pa ni Mia Hindi ko na lang sila pinansin at nagpatuloy na sa upuan ko. Hindi ko rin naman sila masisi sa naging reaksyon nila. Buong umaga na hindi pumasok sa room si Yvette dahil sa issue na iyon. Ngunit ang mas malala pa ay mayroon pa palang kasunod ang mga intriga na yun dahil mayroon pang kadugtong na post sa freedom wall ng AMU. "Wow! Ang illegitimate child na bully ng high school ay isa rin palang malaking sinungaling. Try to check her IG photos, wanna know why? Is it because photoshop lahat ng travel and bonggang birthday party niya kuno. Sabagay sino nga naman ang magmamahal sa isang unwanted child? BIG LIAR! Madali naman sanang tanggapin ang pagiging illetimate child mo, pero the fact na naging isa ka pang bully? Ang kapal ng mukha mo! Ngayon mararanasan mo na kung ano ang nararamdaman namin habang binubully mo kami. KARMA IS SWEETLY SERVED." Kalakip pa nun ang mga photoshop photo daw ni Yvette. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng awa sa kaniya. Gaya nga ng sabi ko kay Kian, may malalim na dahilan sa bawat masamang ugali ng isang tao. At ngayon alam na namin kung bakit ganoon si Yvette. Kulang siya ng atensiyon at pagmamahal, and that was the most case of bullies. "Wala kang gagawin?" baling ko kay Kian Seryosong seryoso ang mukha niya, nakakapanibagong makita siyang ganoon. "Anong magagawa ko? Masisi ko ba yung mga estudyanteng nagagalit sa kaniya?" sabi nito at saka tumayo Iniwan nito kami sa cafeteria, he can't hide it. Alam kong naaawa din siya kay Yvette. "Ikaw may plano ka na naman bang makialam?" tanong sakin ni Rye, "Let her learn a lesson. Hayaan mong maramdaman ni Yvette ang ginagawa niya sa mga binully niya noon." Grabe makapag sermon parang ang dating ay sobrang pakialamera ko. "I know. Para naman ang pakialamera ko kung makasermon ka." Inirapan ko pa siya na napa-peace sign naman. "Wait lang ah, cr lang ako." Paalam ko at tumayo pero agad dinakma ni Ranz ang kamay ko. "Di kami naniniwalang CR ang pupuntahan mo." sabi pa ni Miel Agad ko silang tinaasan ng kilay. "Ah okay. Dito na lang ako iihi sa harap n'yo." Akma ko pang iaangat ang skirt ko. "Oo na! Wala kang gagawin na kalokohan ha." bilin pa ni Ranz Inirapan ko pa sila at saka umalis na. Naiihi naman kasi talaga ako. Naglalakad na ako patungo sa building ng grade 11, yun kasi ang pinakamalapit na comfort room. Pero bago pa man makatungtong sa building ay may natanaw ako doon sa espasyo sa pagitan ng building ng grade 11 at BSBA, yung pinagdalhan sa 'kin nung mga college. Si Yvette? bulong ko sa sarili ko. Mayroon siyang kasamang apat na babae na sa uniporme ay mga college na. Teka? Pamilyar ang babae na yun ah? The same girl na kumausap sa akin noon. Unti unti akong nilamon ng curiousity kaya di ko napigilang mas lumapit pa upang marinig ang pag uusap nila. "Bwisit ka talaga! Akala mo ba ikaw lang ang nasa kahihiyan? Pati rin ako Yvette! Bakit kasi hinayaan mong may makaalam tungkol sa pagiging anak sa labas mo?! Tatanga-tanga ka talaga." Nakayuko lang si Yvette habang sinasabihan siya ng ganoon nung babaeng college. "Ate, hindi ko talaga alam kung sino ang nagpakalat nun. Sorry.. Ate.." Napasinghap pa ako noong marinig ang sinabi nito. Naiintidihan ko na kung bakit ako kinausap ng babae na yun noon. Kapatid siya ni Yvette or should I say legitimate child ng dddy niya. "Saka ate, ako naman ang mas nahihirapan dito." Tumawa pa yung babae. "Bully ka diba? Bakit umaarte kang aping api riyan eh karma mo lang naman yan. Tss. Clean this mess, or much better lumipat ka na ng University." "Ayokong lumipat ate. Hihingi ako ng tulong kay daddy para maa–" Hindi na nakatapos sa pagsasalita si Yvette matapos siyang gawaran ng sampal ng kapatid. "Sampid ka na nga, bibigyan mo pa ng problema ang DADDY KO." Napayuko lang ito hawak ang pisngi niya. I can't believe na di man lang siya gumanti sa sampal na yun. Ano ba? Nasaan na ang Yvette na bruhilda? "Kung sinampal mo sana siyang pabalik kaysa umiyak ka riyan. Tsk, asan na ang bruhang Yvette na kilala ko?" Lahat sila ay napalingon sa biglang pagsulpot ko. Oo na pakialamera na nga ako. Hindi ko mapigilan e. "A-Akila?" bakas ang gulat sa mga mata nito Tiningnan ko lang siya at ngumiti. Isang ngiti na nagsasabing 'kakampi mo ako'. "Why are meddling with our business? Hindi ba't tinanggihan mo naman ang alok ko?" tanong sakin nung ate ni Yvette "Ayoko kasi ng may sinasampal sa harap ko. Lalo na kung hindi gumaganti, parang nangangati tuloy ang palad ko." Kunwari ay kinamot ko pa ang palad ko. Nagtawaman naman yung magkakaibigan. "Pinagtatanggol mo ang babaeng kaaway mo?" "Pinagtatanggol? I don't think so. Tinatamad kasi akong makipag away e. Kaya iaalis ko na lang siya rito." buryong na sabi ko at hinawakan sa kamay si Yvette para hilain paalis Ngunit mabilis ding dinakma ng isang babae ang kabilang kamay ko. Agad kong hinahawakan ng mahigpit ang kamay na yun at iniikot ko sa kaniyang likuran. Ito yung ginagawa ko kay Yvette noon ah. Napasigaw ito dahil sa ginawa ko. "Ayy sorry. Kusa kasing nagrereact ang katawan ko. Ikaw naman kasi wag ka nambibigla." sarkastikong sabi ko at itinulak ito sa mga kaibigan niya "Fvck!" anas ng kapatid ni Yvette Nginitian ko ito at saka inirapan ko ng pagkaganda ganda. Inialis ko na sa lugar na yun si Yvette. Ayoko rin naman talagang makipag sakitan sa mga babaeng yun. Ayoko na ng away. "Bakit mo ginawa yun?" tanong niya at marahas na binawi ang kaniyang kamay "Siyempre. Ako lang dapat ang sasampal sa 'yo." Ngumisi pa ako. "Wag kang umasa na magpapasalamat ako sa 'yo." Umirap pa ito at iniwanan na ako. Di naman ako nag eexpect e. Ahh s**t yung pantog ko. Tumakbo na ako patungo sa CR. Sa sobrang pagka-pakialamera ko pati yung pag ihi nakalimutan ko na. Ugh!
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม