Hideout
Tatlong araw na ang nakalilipas simula nung issue kay Yvette. At sa halip na mag fade away ay tila mas lalo pa itong gumagrabe, para bang may kung sino ang gatong ng gatong kaya hindi namamatay ang apoy. Wow! Lalim nun ah.
Bago pumasok sa AMU ay dumaan muna ako sa coffe shop sa labas para bumili ng hot chocolate. Sumunod na ako sa mga nakapilang estudyante doon. Timing pa dahil mga kaibigan ni Yvette ang sinusundan ko.
"Did you convince her?" tanong ni Maureen
"Di pa sumasagot e. Bruha talaga, takasan ba naman itong issue. Sayang effort natin. Tsk!" Maarteng sagot ni Vernice.
Oo nga pala tatlong araw na ring hindi pumapasok si Yvette dahil sa issue na yun. Pero anong effort ang tinutukoy ng mga bruhildang 'to?
"Ayan na nagreply na. Papasok na raw siya. Ohemgee! Naniwala talaga siyang nag fade na yung issue. Nauto rin kitang witch ka." Parang kinikilig pa sa tuwa si Natalia tapos ay nag tawanan sila.
Mukhang alam ko na ang nangyayari dito. Napailing na lang ko, I'm so sick of people like them. Mga traydor.
"Okay, wait. I'll text Sheena para mahanda na ang ating surpresa kay Yvette. Naeexcite na ako." sabi pa ni Vernice at kinuha ang phone niya
Nanlaki ang mga mata nito noong makitang nasa likuran nila ako. "U-uhm Kila kanina ka pa diyan?" Mukha siyang nakakita ng multo.
"Nope."
Nagpalitan lang sila ng mga tingin at nanatiling tahimik hanggang sa makapag order at umalis. Hays. Para akong magkaka-nausea sa mga taong katulad nila. Bakit pa nila kailangan mag exist? Mga piece of disgusting s**t!
Paglabas ko ng coffee shop ay natanaw ko naman ang pagbaba sa kotse ni Yvette. Hindi maganda ang kutob ko, lalo na surpresang tinutukoy ng mga pekeng kaibigan niya. Sinusundan ko lang siya at nung malapit na ito sa building ng grade 12 ay nakita ko ang mga estudyante sa 2nd floor, may hawak silang balde at mukhang may inaabangan. s**t ito na yun!
"Yvette tigil!" sigaw ko pero huli na
Napapikit na lang ako nung ibuhos nung isang estudyante ang laman nung balde kay Yvette. Narinig ko ang sigawan nila. At sa pagbukas ko ng mga mata ay sobrang hindi ko inaasahan ang nakita ko. Si Kian, iniharang niya ang likod niya para hindi mabuhos kay Yvette yung kulay dilaw na ewan. Wow! Para akong nanunuod ng live kdrama ah. Napahawak pa ako sa bibig ko dahil baka may makakitang nagingiti ko dahil sa kilig. Napaka-iconic!
"Fvck! What the fvck is this?! Gross! Disgusting! Yuck! Kadiri!" Nagsisi-sigaw si Kian habang inaamoy amoy pa ang sarili. "Ang baho! Ew! Yuck! Bwisit." bulalas pa nito habang tumatakbo papuntang CR
Napasapo na lang ako sa noo ko, ayun na e moment na yun. Kaya lang umandar pa ang pagiging maarte niya. Jusko naman Prince, ni hindi mo man lang tinanong kung okay lang si Yvette. Hays. Iconic na sana e, tsk!
Bumalik ang tingin ko kay Yvette na mukhang shock parin sa nangyari. Nilapitan siya ng tatlong bruha at kunwari ay pinupunas punasan pa ang mga tumilamsik na ewan sa kaniya. Naglakad ako patungo sa kanila habang nag-e-slow clap.
"Wow! Fake friends awardee of the year!" malakas na sabi ko
Nakita ko ang paglunok ng tatlo habang mukhang nalilito naman si Yvette.
"Ito pala ang surpresa n'yo para sa pagbabalik ng 'bestfriend' n'yo." sarkastikong dagdag ko
Parang naging bato naman yung tatlo. "Anong sinasabi mo?" tanong ni Yvette
Kumunot ang noo ko. "Hmm, di mo parin gets? Okay explain ko, pumasok ka dahil sabi nila wala na yung issue right? Pero anong sumalubong sa 'yo? Shower."
Napa-awang ang bibig niya dahil sa sinabi ko. Binalingan niya ang mga plastik na kaibigan. "Girls, may alam ba kayo rito?"
"Girls tinatanong kayo oh, sagot. Oh baka gusto n'yo yung recordings na lang ng usapan n'yo ang iparinig ko." Wala naman talaga akong recordings, pero sure akong may isang tanga sa tatlong to.
"Fine! Tutal ayaw na rin naman naming makisama sa isang illegitimate child. Yes, Yvette kami nga ang naglabas ng issue. Happy?" Sabi ko na nga ba at may isang tanga. At alam kong si Maureen yun.
"Shut up, stupid!" bulyaw ni Vernice dito. Akmang hihilain na nito ang dalawa paalis pero humarang si Yvette.
"How can you guys do this to me? Kaibigan ko kayo..."
"Kaibigan?!" Natawa pa si Vernice, "Ang magkakaibigan, pantay pantay. Walang lider, at walang tigasunod. Kaya sabihin mo? Kailan ka naging pantay sa amin? Kailan ka naging kaibigan sa 'min?"
Tuluyan ng napaiyak si Yvette. Grabe kanina lang romance ang pinapanuod ko, ngayon drama na. Hindi na sumagot pa si Yvette at nagpatuloy na lang sa pag iyak habang ang tatlo ay tuluyan nang lumisan. Nakita ko namang lalapitan siya ng iba pang mga estudyante kaya inunahan ko na sila.
"Babaliin ko ang kahit kaninong kamay na dumampi sa kaniya!" pagbabanta ko na nagpaatras sa kanila
Hinawakan ko na sa wrist si Yvette at inilayo sa mga estudyanteng may masama pa yatang balak sa sa kaniya.
Habang hila hila ko ito ay may bigla namang sumulpot at hinila rin ako. Ano na namang problema ng bwisit na 'to? Hinihila niya ako habang hila ko naman si Yvette. s**t! Comedy naman ba 'to ngayon? Nakakainis naman, sabi ko di ko na siya lalapitan pa pero ito naman at siya ang lumalapit sa 'kin. Bwisit! Paano ko ba tatakasan ang sitwasyong ito?
Huminto siya sa paghila sa 'kin sa lugar na walang mga estudyante. Nagulat pa siya noong makitang kasama parin namin si Yvette. Tanga kasi e, hila nang hila.
"Are you a hero or what?!" singhal niya
"Or." sarkastikong sagot ko
Nakita ko ang pagngalit ng kaniyang panga. Joke lang naman e. "Ano na naman ba? Ako na naman nakita mo?" buryong na tanong ko
"Lahat na lang ba ng issues dito panghihimasukan mo?"
Ayan na naman siya. Ako lang ba ang pakialamera dito? Siya din naman.
"Eh bakit din ba kasi lahat na lang ng pinapasok kung gulo nandoon ka para ilayo ako? Feeling savior ka din tapos magagalit ka sa 'kin." Nagpamewang pa ako para maipakita sa kaniyang mas may punto ako. Siya ang mahilig mangialam hindi ako.
"Dahil ang dami mo ng kaaway. Lahat na lang binabangga mo. You're not a superhero, so stop acting like one!" singhal niya pa
Hindi ko alam kung concern ba siya o ano? Ano naman sa kaniya kung madami akong kaaway. Kakainis! May maidahilan lang talaga para awayin ako.
"Panghihimasukan ko kung anong gusto ko, aawayin ko kahit sino pa yan. Because I can't stand watching na may tinatarantado sa harapan ko. That is who I am Jix, kaya kung ayaw mong makita yun. Pumikit ka na lang ha."
Nakita ko ang pagtiim bagang at pagkuyom ng kaniyang kamao. Napakapit pa nga sa 'kin si Yvette, siguro ay natakot. Pero ako, di ako magpapatinag.
"At alam mo kung ano pang problema? Ang bulok na sistema ng AMU, can't you see? Sobrang lala na ng bullying dito. Wag mo sabihing di ka aware, e ikaw mismo nakaranas nun. Tapos ang bagal bagal pang umaksiyon, masisira muna ang buhay ng biktima bago malinis ang issue. That's the reality Jix, bulok ang sistema ng eskwelahan mo."
"Akila." si Yvette na tila sinasaway ako
Hindi ko rin alam kung paano ko nasabi lahat ng iyon, pero nasabi ko na. Hindi ko na mababawi pa. Mukhang isa na namang gulo ang napasukan ko.
Napaiwas ng tingin si Jix at pinakawalan niya rin ang nakakuyom na kamao. "Maybe you're right. This University is fvcked up." Nakayukong sabi niya tapos ay tumalikod na sa amin at naglakad paalis.
Napasabunot na lang ako sa sarili kong buhok at muli kong hinarap si Yvette. Hinila ko ulit siya at dinala sa coffee shop sa labas ng AMU. Umorder ako ng dalawang smoothie, dahil pakiramdam ko ay sobrang nag iinit ang tuktok ko.
"You okay?" tanong ko
"Yeah. You're not." tugon niya. Di naman ako nagtatanong. "Paano mo nasabi kay Jix ang mga bagay na yun? You're crazy."
Wow! Nag uusap kami ng pormal 'no? Are we friends?
"Malay ko. Eh sa kusang lumabas yun sa bibig ko. Teka nga, ikaw ang may issue rito. Bakit ako ang topic?" Inirapan ko pa siya.
"Bakit mo ba ginagawa sa 'kin 'to? Dapat isa ka sa mga nagsasaya sa mga nangyayari sa 'kin."
Napa-make face ako at bahagyang natawa. "Wala. Pakialamera lang talaga ako at mahilig manghimasok sa issue ng iba." sagot ko at mukhang napatawa ko naman siya dun
Grabe, bati na yata kami ng future ni Kian.
"So anong plano mo?" tanong ko
Nagpakawala siya ng buntong hininga. "Lilipat ng school," simpleng tugon niya, "Yung siraan at husgahan ako ng iba kaya ko pang tiisin, pero yung traydorin ako ng mga kaibigan ko... It hurts. Siguro nga hindi ako naging mabuting kaibigan sa kanila, pero sila lang ang meron ako. Sila sana ang dahilan kung bakit ako mananatili dito sa AMU."
Nakita ko ang paglungkot ng mukha niya. I know how it feels being betrayed. Sobrang sakit nun.
"Hey! Stop looking at me with those pitiful eyes." Umirap pa ito.
Natawa naman ako, parang nakikita ko tuloy ang sarili ko sa kaniya. Kahit papaano ay may pagkakatulad din pala kami ng bruhang 'to.
"Basta wag ka ng mambully, sabi ko sa 'yo maghanap ka na lang ng lalaking mamahalin mo."
Naningkit naman ang mga mata niya.
"May nais ka bang ipakahulugan? O may tinutukoy ka?"
Tumawa lang ako, bahala kang mag isip diyan. Hindi ko inaasahan na mag uusap kami ng ganito ng bruha na 'to. Life is really full of surprises.
"Ay, pakisabi pala kay Mercado salamat ah. Hindi ko alam kung bakit niya ginawa yun pero thankful parin ako."
Hindi yata nanunuod ng romantic drama ang babaeng 'to at mukhang wala siyang kaide-ideya.
Kunwari akong nag isip sa sinabi niya. "Ayoko nga. Ikaw na ang magpasalamat sa kaniya, ikaw naman ang tinulungan e."
Tumulis naman ang nguso niya pero hindi umalma.
"Nacu-curious talaga ako, ano bang meron sa inyo ni Jix? Bakit concern na concern siya sayo?"
Napatingin ako sa kaniya. Muntik pa akong masamid sa iniinom ko. "Concern?! Kailan? Saan? Paano?" kunot noong tanong ko
Concern ba yun? Eh way niya lang yun para awayin ako. Tsk!
Bahagyang natawa si Yvette. "Hindi ka siguro nanunuod ng romantic drama no? Kaya wala kang kaide-ideya?"
Tuluyan na nga akong nasamid sa iniinom ko. Iyon yung sinabi ko sa kaniya sa isip ko ah? Weird.
"Ano ba yan?!" inis na singhal niya natalsikan yata ng laway ko. Bruha parin talaga.
"Hindi yun concern, sadyang lahat lang talaga ng ginagawa ko ay mali sa paningin niya. Way niya lang yun para awayin ako." Umirap pa ako sa hindi kumbinsidong bruha o manghuhula sa harap ko.
"Okay, pero parang mas malala naman yung sinabi mo sa kaniya. I think, nasaktan siya dun." sabi pa nito
Hindi ko alam na may ganitong side rin pala si Yvette, akala ko puro sama ng loob sa mundo lang ang meron siya.
Nagbuntong hininga ako. "Edi magso-sorry." sabi ko at nagcross arms
"You two really looks like a couple na may lq." Tumawa pa siya.
Unbelievable! Nahibang na yata siya dahil sa mga nangyari, feeling niya yata ay ako na ang bago niyang kaibigan na puwede niyang tukso tuksohin. Tsk!
"Nagcutting classes kana. Mabuti pa pumasok kana, aabot ka pa naman sa PR."
Napatayo naman akong bigla. Holy cow! Oo nga 'no? Estudyante nga pala ako. s**t! Pa-smoothie smoothie pa ako rito with matching chikahan. Kinuha ko ang phone ko at nakitang tadtad na ng calls at text galing sa mga kaibigan ko. Hala, ano bang nangyari sa utak ko? Nagreply ako kay Ranz. "Im with Yvette. Pasok ako maya."
"Bakit naman ngayon mo lang pinaalala?!" inis na baling ko sa bruha
"Excuse me, ikaw ang humila sa 'kin dito at umorder ng smoothie."
"Oo nga. Akin na bayaran mo yan, bruha ka talaga." Inilahad ko pa ang palad ko.
"Oh ayan. Para 90 pesos e, keep the change." Padabog niya pang inilagay sa kamay ko ang isang daan.
"Talagang di kita susuklian. Ba-bye bruha!" Nag irapan pa kami bago ako umalis sa coffee shop. Okay, di parin kami bati. Pero s**t, tatlong oras na akong late
Noong makapasok sa AMU ay nagdadalawang isip pa ako kung papasok ba ako sa P.R o sa afternoon class na lang. Sabagay wala naman ng Yvette na magpaparinig sa 'kin kung ngayon na ako papasok. Tama! Nag umpisa na akong maglakad patungo... sa grass field. Nag cutting na rin naman ako edi susulitin ko na. Sana lang walang makakita sa 'kin na teachers ko kundi lagot ako. Lilinga linga pa ako nung dumaan sa building namin, nakahinga lang ako ng maluwag nung nasa field na ako. Walang katao tao, pwede akong sumigaw dito ng Dao Ming Si.
Sumalampak na ako at sumandal sa puno. Mygad! Dalawang oras akong mag isang tutunganga dito. Inikot ko pa ang paningin ko, kahit si Jix ay wala din sa puno niya. Hays!
Tumulala na lang ako sa kawalan at nag imagine ng kung anu ano. Hanggang sa muli kong naalala ang mga sinabi ko kanina kay Jix, tama nga kaya si Yvette na concern sa 'kin ang bwisit na yun? Nasaktan ko ba talaga ang feelings niya? Pero ganun din naman siya sa 'kin. Pero sobrang below the belt naman kasi ng mga sinabi ko. Napahilamos na lang ako sa mukha ko sabay sabunot sa buhok ko. Wala kasing filter 'tong bibig ko e. Nasan na kaya yun? Kinakain na naman ako ng konsensiya ko kaya kailangan ko talagang mag sorry. Hahanapin ko siya. Ugh! Sabi ko di na ako maiinvolve e, pero ito na naman. Bakit kasi kailangan niya pang makialam?
Tumayo na ako at isa lang ang naiisip kong puntahan. Yung secret garden... Sana nandoon siya. Sana...
Nabuhayan ako ng dugo nung makitang nakabukas ang padlock. Bahagya akong sumilip and Viola, nandoon nga ang lonelyman. Pero paano ko kaya siya haharapin? Hindi naman puwedeng pumasok ako ng basta basta at baka hindi na ako makalabas ng buhay. Ahh alam ko na...
"Arayyyy! Arayyyy! Tulong...ang sakit ng tiyan ko... Aray!" Nakahiga pa ako sa d**o at kunwari ay namimilipit sa sakit ng tiyan.
Mukhang effective naman dahil lumabas agad siya.
Mula sa nag aalalang mukha ay napalitan yun ng blangkong ekspresyon. Ngumiti ako at saka bumangon na, nakita ko ang inis sa mukha niya. Papagpagin ko sana ang uniform ko pero bigla niya akong hinila papasok sa garden. Puwede ko na rin siguro itong libingan, may flower na e.
"What?" masungit niyang tanong
Tumighim muna ako. "U-Uhm kasi diba, di ko naman sadya yung sinabi ko kanina. S-Sorry... Di naman bulok ang sistema ng AMU..medyo lang." ngumiti pa ako ng peke habang tinatansiya kung sasakalin niya ba ako o ano
Nagbuntong hininga siya. "No. AMU is fvcked up." parang may halong galit yung pagkakasabi niya nun
Napatingin ako sa kaniya na may halong pagtatanong at pagtataka. "Pag aari mo kaya 'to baka nakakalimutan mo."
Nag iwas siya ng tingin "You can leave now." mahinahong sabi niya
"Ayoko nga. Ibig kong sabihin mamaya na. Hinihintay ko kasing matapos yung 2 hours na subject para makabalik nako sa room."
"I don't care. Leave!" utos pa niya at iminustra ang pinto palabas
Imbes na sundin ko siya ay umupo ako sa bench at kumapit dun ng mahigpit.
"What are you doing?!" Nagtaas na naman siya ng boses.
"Ayoko nga, wala akong pupuntahan. Bakit ikaw nung sumama ka sa outing namin pinagtabuyan ba kita?!"
"Yes," mabilis na sagot niya. "Now, leave!" Hinawakan niya pa ang braso ko kaya mas hinigpitan ko ang pagkapit sa bench. "Damn it!"
Kagat labi naman ako dahil natatawa talaga ako, di ka mananalo sa 'kin.
Tumigil na siya sa paghila sa 'kin pero di parin ako bumibitaw sa pagkaka-kapit. "Damot mo naman. Kunwari na lang wala ako rito, isipin mo na bato ako na hindi nagsasalita."
Tinapunan niya ako ng napakasamang tingin. Pero hindi na siya nag attempt na paalisin ako. Ha Ha di ka mananalo Jix Matthew.
Nakatalikod siya sa 'kin at mukhang kinakalma ang sarili. Habang ako naman ay ngingiti ngiti. Ang galing talaga ng no more interaction kung sinasabi, hays Akila. Pinalis ko na ang kung ano mang nasa isip ko, ano kayang– . Aba at ang bwisit naghuhubad ng kaniyang polo.
"Ano yan? Kala mo maiilang ako dahil nakasando ka lang? Uy, di mo 'ko mapapaalis dahil diyan. Baka nakakalimutan mong puro lalaki kaibigan ko. Kahit maghubad ka pa sa harap ko." buryong na sabi ko at di ko inalis ang tingin ko sa likod niya
Hindi ako pinansin nito. Sa halip ay naglakad siya papunta sa dulong bahagi ng hardin. Ngayon ko lang pala napansin na may pinto pa doon. Binuksan niya iyon at nagkanda haba naman ang leeg ko sa pagsilip kung ano ang nasa loob. May TV, bulong ko sa sarili ko. Ah okay, so iyon pala talaga ang pinapuntahan niya hindi itong garden. Pumasok na siya roon at isinarado ang pinto. Okay, bato naman ako eh kaya dito lang ako.
Ang boring naman! Inis na sabi ko. Napakainit pa tapos nauuhaw na ako. Bakit ba kasi ako nage stay dito? Tsk makalabas na nga.
Dinampot ko na ang bag ko at itinulak ang gate pero mabilis din akong napabalik sa loob. Nasa labas yung P.E teacher namin kasama ang mga Stem students niya, huhu may klase pa naman kami sa kaniya mamaya. Napaka-swerte ko naman talagang nilalang. I have no choice kundi mag stay sa mainit na garden na yun, ano 'to free trial sa impyerno pero may pabulaklak?
"Paano ba kayo nabubuhay sa impyernong lugar na 'to?" tanong ko sa mga anthurium pero di nila ako sinagot. Bakit? Bato naman ako ah.
Kinuha ko na yung notebook sa bag ko at nagpaypay, pero di effective yun. Duh! Sanay ako sa aircon.
Narinig kong nagbukas ang pintuan ni Jix at nagulat pa siya dahil nandoon parin ako. Nakita kong nagtapon siya ng lata ng coke sa trash bin. Coke... Maiinom... Pahingi. Agad akong lumapit bago pa siya muling pumasok sa loob.
"Jix, ang init dito parang free trial sa impyerno tapos nauuhaw pa ako."
"Then leave," simpleng tugon niya.
Wala talagang puso.
"Hindi pwede. Nasa labas yung PE teacher ko." pagsusumamo ko pa
"That's not my problem."
Napairap ako. Pagsasaraduhan niya sana ako ng pinto pero iniharang ko ang kamay ko. "Jix, pinatuloy ka ng maayos ni mama sa bahay, binigyan ng juice pinaupo sa sofa, tapos ako gaganituhin mo."
Kitang kita ko ang pag smirk niya.
"But you are not your mom."
Hindi ko na talaga kaya ang uhaw na nararamdaman ko. Kahit yata laway sa bibig ay natuyuan na ako. Wala na akong pakialam sa 'yo Jix. Itinulak ko ang pinto at makapal ang mukha kong pumasok doon. Wow! Ang cool. Literally dahil sa aircon, agad kong hinanap ang ref at kumuha ng tubig. Oo mas pinili ko ang tubig dahil yun naman ang nakakapatid uhaw.
"Ayos pala itong hideout mo 'no? Ang saya mag ditch tapos dito ka mapupunta. It feels like home." sabi ko sa nakangangang si Jix
Hindi ba siya makapaniwala sa ginagawa ko? Well I don't care. Iginala ko pa ang mga mata ko, bukod sa mga appliances ay may CR at lavatory din. Ayos talaga.
"Uy, maganda tong movie na to ah." sabi ko pa at akmang uupo sa sofa pero agad niya akong pinigilan
"Enough! Can you just get lost?! Sobrang nakakairita kana!" sigaw niya sa mukha ko
Kung hindi lang siguro ako si Kila ay kanina pa ako umiyak at nagtatakbo sa takot.
Binigyan ko siya ng boring look. "Bakit ganyan ka? Pag ikaw hindi kita kayang tiisin pero ako puro sigaw ang nakukuha ko sa 'yo. Hindi ba pwedeng chill lang? Yun bang walang sigawan, walang hilaan. Nakaka stress ka." Hinilot ko pa ang sintido ko para makitang isa siyang buhay na stress.
Napapikit pa siya mukhang kinakalma ang sarili. "Can you just, leave me alone." mahinahong sabi niya pero nakatiim bagang. Ay ewan.
"Okay fine." sabi ko at lumakad na papunta sa pinto pero ano to? May nararamdaman akong masakit sa tiyan ko.
"Arayyyy!"