Yes "Ate!" masayang salubong sa akin ni Maxene "Namiss kita baby." sabi ko at niyakap ito Nagpatuloy na kami sa pagpasok sa mansion ng mga Montereal, kung saan ay naabutan namin sina tito at tito, malapad ang ngiti nila sa akin. "Good evening po." bati ko saka nakipagbeso sa kanila "Hija, masaya akong nandito ka." ani Tita Jana "Siyempre naman po di ako puwedeng mawala sa birthday ng kaibigan ko." Nakangising sabi ko saka kumapit sa braso ni Jix. Mukhang ikinabigla naman nila yun, ngunit sa huli ay napangiti parin. "Ayiieee bati na sila." panunukso pa ni Max Nagtawanan na lang kami at dumiretso na sa dining area. Bago magsimula sa dinner ay idinikit ko muna sa wall ang character balloons na binili ko, Jix @ 21. Inilabas ko na rin ang cake at sinindahan ang candles nun. "Teka

