Acceptance "Bye Ma, Pa, una na po ako." Humalik pa ako sa kanilang noo bago tuluyang lumabas. Pagkasakay kay baby merz ay nagpakawala ako ng mabilis na buntong hininga. Ayokong mag isip ng kung anu-ano. Sinimulan ko nang magmaneho patungo sa AMU, ano na naman kayang naghihintay sa akin doon? "Oh, gray car." usal ko noong may lumabas na kotse mula sa kaliwang kalsada ng three way Mabilis akong nagconvoy dito at saka bumusina ng mahaba. Biglang bumagal ang takbo nito at kalaunan ay huminto sa gilid na agad ko namang sinundan. "What?" seryoso niyang tanong, mukhang wala sa mood "Huh? Eh ikaw ang huminto ah sinundan lang kita." Agad nagflash ang smirk niya. "Ah, I thought you're expecting me to congratulate you." "Ha? Congratulate saan?" takang tanong ko Muling sumeryoso ang kaniya

