She's back Sinubukan kong isaayos ang lahat, sinimulan ko iyon sa pagsasabi ng totoo kay Ranz. Simula sa kung bakit hindi ako nakapunta noong sana ay unang date namin, hanggang sa kung paano kami naging magkaibigan ni Jix. Isang bagay lang ang hindi ko na nasabi sa kaniya, at yun ay tungkol sa totoo kong nararamdaman ko. Ayokong masaktan pa siya, dahil umaasa akong mawawala rin itong nararamdaman ko para kay Jix. "Maiintindihan ko kung magagalit ka sa akin." sabi ko matapos magkwento Ngunit imbes na magalit ay ngumiti lang siya saka ako niyakap. "Salamat sa pagsasabi ng totoo." bulong niya saka hinaplos ng marahan ang buhok ko Simula noong tanggapin ko sa sarili ko ang pagkakagusto kay Jix ay mas naging maayos na ang takbo ng isip ko. Kung minsan ay nakakaramdam ako ng matinding guilt

