Confession Simula nga noong malaman ko yung pagkakagusto raw ni Ranz at Kurt sa akin ay hindi ko mapigilang makaramdam ng awkwardness sa kanila. Normal parin naman ang barkada, magkakasama parin kami at maayos din ang turingan ng dalawa. Sadyang ako lang yata ang sobrang naapektuhan. Tipong lahat na lang ng kilos nila ay binibigyan ko ng kulay na kung tutuusin naman ay normal nilang ginagawa noon. Nakakapraning! Pero ang mas nakakasira sa ulo ko, ay yung wala namang lumalabas na confirmation sa dalawa. Hindi naman sila umamin na gusto nila ako, feeling ko tuloy pinagtitripan lang ako ng apat. "Hi Kila, sorry pinaghintay kita ah." bungad ni Ate Reign saka bumeso Uuwi na kasi dapat ako mula sa school pero may kailangan daw siyang sabihin kaya ko siya hinintay. "Okay lang yun, teka ano

