Truth or Dare "Hey, Akilantang! Hurry up!" Kinakalabog pa ni kuya ang pinto ko. "Ayan na nga, bumaba ka na!" sigaw ko pabalik Sabado ngayon at gaya ng request ni kuya ay magkakaroon nga kami ng night out. Nagsuot lang ako ng tattered jeans at spaghetti strap ruffled croptop na dinoblehan ko ng denim jacket at d'orsay pumps. "Wow! Babae ka pala." bungad na panunukso ni Kuya "Sus! Nagagandahan ko lang sa akin e." hambog na sagot ko Ewan ko ba at napagtripan kong magpumps kaysa mag sneakers at magcroptop kaysa loose shirt. "Aalis na po kami." baling ko kina dadi at mama "Kila, drink moderately." bilin ni mami "And...bantayan mo ang kuya mo. Baka matulog sa kung saan." dagdag pa ni dadi Naghagikhikan pa kami na ikinaasim ng mukha ni kuya. "Lets go na," Hinila pa ako nito palabas

