With a Smile Maaga akong nagising kinabukasan, pakiramdam ko nga ay halos 30 minutes lang ang naging tulog ko. Masiyado yata akong naexcite na idrive si baby Merz. Malawak ang ngiti kong pumasok sa bathroom, may pakanta kanta pa nga ako habang nagsa-shower. Pagkalabas sa kwarto ay nakita ko ang paparating na si kuya. Agad itong ngumisi sa akin, mambubulabog na naman siya, tsk! "Look who's excited with her new car." panunukso niya Binelatan ko lang ito at bumaba na. Mabuti na lang talaga naunahan ko siya, napaka-bwisit kasi at kailangan pa akong bulabugin sa kwarto ko. Pagkababa ay sina Nay Andi pa lang at ibang kasambahay ang naabutan ko, mukhang napagod nga sina mama o masiyado lang talaga akong maaga. "Ako muna daw ang gagamit ng sasakyan mo." sabi pa ni kuya Agad ko siyang pinukol

