Matapos makipag-usap sa Papa niya ay nagpunta na sa bukid si Nicholas dala ang mga alalahanin sa pagpapakasal kay Camilla. Tiyak na magkakagulo silang muli ni Axel. Hindi niya alam kung gaano kalalim ang relasyon ng babaeng iyon sa kapatid niya pero kilala niya ang stepbrother niya. What Axel wants, Axel gets. And what Axel has, no one would dare to touch. Salungat naman iyon pagdating sa kanya dahil kinukuha pa rin ni Axel ang lahat ng maibigan niya. Ang totoo, hindi niya pinangarap ang mamahala ng hacienda noon. Ginagawa lang niya ang pagtatanim at pag-aalaga sa mga hayop roon para paluguran si Charles dahil kinupkop siya nito. Walong taon siya noon nang ikasal ang Mama niya sa matanda na nagmamay-ari ng ekta-ektaryang lupain. At dahil bago sila sa lugar na iyon, at maraming kasing-eda

