bc

FIONA : Hipon Girls Collaboration

book_age18+
8
ติดตาม
1K
อ่าน
จบสุข
เมือง
like
intro-logo
คำนิยม

Si Fiona Vasquez ay edad bente siyete anyos, nagtatrabaho bilang barista o kahera sa JJ Coffee Shop.Maraming mga lalaki ang humahanga dahil sa sexy ang katawan at pang-model ang dating. Matangkad dahil 5'7” ang height. Makinis ang kutis at mahahaba ang mga bias. Sexy curve ang hugis ng baywang, kaya napapasipol ang kahit sinong lalaki.Iyon nga lang, kapag humarap na ay biglang nag-iiba ang hilatsa at itsura ng mukha ng mga lalaking humahanga sa kaniya.Bakit? HIPON!Maganda ang katawan, tapon ulo naman.Si Sonny Dela Cruz, ang hardinerong tagadilig at tagaayos ng mga halaman sa JJ Coffee Shop.Matangos ang ilong at malalim ang mga mata kung tumitig. May kamukhang sikat na modelong artista na agaw pansin sa mga kababaihan.Ano kayang kapalaran ang naghihintay sa dalawang taong may magkasalungat na itsura?

chap-preview
อ่านตัวอย่างฟรี
Chapter 1
“Welcome to JJ Coffee Shop, kape po kayo!” Araw-araw kong sinasabi ang linyang ‘to, lalo na sa tuwing ako ang incharge sa harap ng counter. Ako nga pala si Fiona Vasquez, edad bente siyete anyos, at nagtatrabaho bilang barista o kahera ng JJ Coffee Shop. Maraming mga lalaki ang humahanga sa’kin dahil sa sexy ang katawan ko at pang-model ang dating. Matangkad ako dahil 5'7” ang height ko. Makinis ang kutis at mahahaba ang mga bias ko. Sexy curve ang hugis ng aking baywang, kaya napapasipol ang kahit sinong lalaki. Iyon nga lang, kapag humarap na ako sa kanila ay nag-iiba bigla ang hilatsa at itsura ng kanilang mga mukha. Sukang-suka at diring-diri! Bakit? Hindi kasi conventional ang ganda ng mukha ko. Ni hindi pasok sa criteria ng Miss Universe o kahit sa ano pa ngang beauty pageant ng barangay. Malapad ang ilong ko at malaki ang dilat ng mga mata ko. May peklat ako sa may bandang baba, na nanggaling pa mula sa pagkadapa ko noong bata ako. Sumpa sa pagkatao ko ang aking mukha. Parati ko pang naririnig, lalo na kapag nakatalikod na ako, ang mga salitang, “sayang, ang sexy ng katawan, pero yung mukha...” Nagsusuot tuloy ako ng hoodie o ‘di kaya nama’y yumuyuko para mapagtakpan ang aking mukha. Sanay na akong laging nakayuko lalo na sa tuwing lumalapit ang mga customer sa counter. Sanay na akong makarinig ng kung anu-anong pangit na salita, lalo ‘pag nakatalikod na ako. Minsan pa nga’y may taong naglakas loob sabihan akong, ‘HIPON!’ Maganda ang katawan, tapon ulo! Hindi ko na dinidibdib pa ang salitang iyon, dahil totoo naman. Ang mahalaga sa’kin, mayroon akong disenteng trabaho. Mahalaga sa’kin ang trabaho ko rito sa JJ Coffee Shop, dahil dito ko kinukuha ang perang ipinampapaaral ko sa mga kapatid ko. Heto rin ang trabahong walang itsura na pinipili, basta maging masipag at mabait lamang na empleyado sa mga boss. ISANG araw, maaga akong pumasok sa JJ Coffee Shop. Naka-ponytail ang buhok ko, habang suot ang malaking hoodie na itinatago ang katawan ko. Wala akong make-up sa mukha dahil kampante akong wala pa namang customer. Wala pa rin namang ibang tao liban sa aking sarili. Nagsimula akong magpunas ng mga table. Napansin ko iyong mga table na nasa labas. Medyo marungis ang mga iyon kaya nilabas ko, para punasan. “Good morning, Fiona!” Dahil sa pagkagulat ay naihagis ko ang basahan. Napaawang ang mga labi ko nang makitang tumama ang maruming basahan sa gwapong mukha ni Sonny. Si Sonny, ang hardinero ng JJ Coffee Shop. Siya ang nagdidilig at nag-aayos ng mga halaman sa labas ng store. “A-ay sorry...” Yumuko ako para sana damputin ang basahan at maikubli ang mukha ko sa kaniya. Heto ang unang beses na nagkausap kaming dalawa. Ngayon ko lang din narinig ang kaniyang boses at malalim pala iyon, parang kape sa umaga na naghahatid init sa katawan. Naunahan ako ni Sonny na pulutin ang basahan. Inabot niya iyon sa’kin na agad ko namang tinanggap. Pag-abot niya’y nagkatinginan kaming dalawa. Saglit lang, pero ang dami ko nang nakabisado sa kaniya. Matangos ang kaniyang ilong, at ang jawline niya ay pwedeng tadtaran ng bawang. Malalim ang kaniyang mga mata kung tumitig at may kamukha rin siyang sikat na modelong artista. Napansin ko ang suot niyang maong na pantalong kupas, nakasuot din siya ng puting sando, at sumbrero. Mababakas sa kaniyang kasuotan ang maskulado niyang katawan. Ngayo’y hindi na ako magtataka kung bakit karamihan sa mga babaeng customer ng JJ Coffee Shop ay mas pinipiling dito sa labas tumambay. Marahil, ang iba pa nga sa kanila’y nagpapanggap na mahilig sa halaman. Kahit ang totoo nama’y gusto lamang nilang makausap si Sonny. “Kuya, ano’ng fertilizer na gamit mo?” minsa’y rinig kong tanong ng babaeng customer, na feeling ko nama’y hindi rin talaga naghahalaman sa bahay. “Ikaw iyong magaling na staff namin dito sa coffee shop, ‘di ba?” tinig ni Sonny ang umuntag sa’king pagmumuni. Tahimik akong umiling-iling bilang pagtanggi sa kaniyang sinabi. Hindi ako magaling na empleyado, kaya ‘di dapat ganoon ang impression niya sa’kin. “Pwede ba akong um-order ng kapeng matapang? ‘Yong kasing tapang mo sana sa tuwing may masungit na customer,” may ngiti sa kaniyang labi na wika. “Ha?” Natigilan ako. Hindi ko kasi malaman sa aking sarili, kung saan ako natitigilan. Sa ngiti ba niyang hindi mapuknit-puknit sa kaniyang labi, o sa kagwapuhang taglay ng kaniyang mukha? “Alam mo, sa lahat ng babaeng nakita ko rito ay ikaw ang pinakamaganda!” Gusto kong mainsulto sa kaniyang sinabi, pero ‘di ko naman maramdaman na iniinsulto niya ako. “Higit ka pa ngang gumaganda sa tuwing ngumingiti ka,” pagpapatuloy pang wika nito. “Nagkakamali ka! Ang pangit-pangit ko kaya!” Pagsalungat ko sa kaniyang sinabi. “Pangit?” Ngumiti si Sonny. “Kapag ngumingiti ka kaya ay gumagaan ang buong araw ng JJ Coffee Shop. Ikaw nga itong araw-araw kong tinatanaw mula rito sa labas. Yumuyuko ka lang talaga sa tuwing may pumapasok na customer dahil itinatago mo ang iyang sarili.” Gulat na gulat ako sa kaniyang ipinahayag. Kung hindi lang ito ang unang beses na nakausap ko si Sonny, iisipin kong nababaliw na siya. Kinuha ko ang basahang inilapag ko sa mesa at saka mabilis na kumaripas nang lakad papasok sa loob ng coffee shop. “Salamat!” Pasasalamat ko kay Sonny. Maghapon akong naging busy dahil sa sunod-sunod ang customer na panay bili ng kape. Heto na yata ang araw na may pinakamalaking sales ang store para sa week na ito. “Isang Iced Americano nga, no sugar please...” Napaangat ang tingin ko sa taong um-order. Nagkatinginan kaming dalawa, pero sandali lang iyon. Mga two seconds siguro. “Please?” Nagpa-cute pa ang mga mata nito. “Two hundred thirty pesos,” sagot ko sabay yuko ng aking ulo. Nahihiya akong matitigan ni Sonny, dahil wala akong angking gandang pwede ipagmalaki sa kaniya. Sanay akong hindi pinapansin ng kahit sino lalo na ‘pag nakaharap sa tao, kaya lagi lang din akong yumuyuko kapag may customer. Lagi kong naiisip na, mandidiri at madi-disappoint lang sila ‘pag nakita ang mukha ko. Nakuryente ang pakiramdam ko nang iabot ni Sonny ang perang bayad niya para sa order na kape. Sinadya pa yatang patagalin ang pagdampi ng kamay niya sa kamay ko. Inabot ko sa kaniya ang papel para makaiwas ang kamay ko mula sa kaniya. “Pakilagay ng pangalan.” “Isang Sonny.” Iyan ang nabasa kong isinusulat niya sa cup. “Para sa magandang babaeng may matamis na ngiti sa labi.” Nanlaki ang mga mata ko sa idinagdag nitong salita. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o magre-react ng kahit anong emosyon, pero napansin kong ngiting-ngiti rin siya. “Bolero!”

editor-pick
Dreame - ขวัญใจบรรณาธิการ

bc

Unscentable

read
1.7M
bc

He's an Alpha: She doesn't Care

read
641.5K
bc

Claimed by the Biker Giant

read
1.2M
bc

Holiday Hockey Tale: The Icebreaker's Impasse

read
879.0K
bc

A Warrior's Second Chance

read
308.2K
bc

Not just, the Beta

read
315.1K
bc

The Broken Wolf

read
1.1M

สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook