bc

The Mafia & The Billionaire (Tagalog)

book_age18+
20
ติดตาม
1K
อ่าน
แต่งงานตามสัญญา
จบสุข
มีพลัง
เจ้านาย
มาเฟีย
หวาน
ชายจีบหญิง
วิทยาลัย
love at the first sight
like
intro-logo
คำนิยม

Matapang, palaban, may prinsipyo at isang mafia leader. Yan si Serene Portico. Paano kung mapakasal siya sa isang bilyonaryong si Alex McGregor upang makuha ang kanyang mana na 57% share sa jewelry company ng kanyang yumaong ina?

Paano kung ang inakala niyang pakikipaghiwalay matapos na makuha nila pareho ang benepisyo ng kanilang pagpapakasal ay hindi matuloy dahil na rin ayaw ni Alex?

Mahulog kaya ang loob ni Serene kay Alex na unang kita pa lang sa kanya ay nakaramdaman na ng kakaibang paghanga?

chap-preview
อ่านตัวอย่างฟรี
Chapter 1
Serene "Serene, tandaan mo na nasa kamay mo ang kinabukasan ng ating organisasyon, kaya siguraduhin mong palagi kang gagawa ng matatalinong desisyon," sabi ni Lola. Nasa sala kami ng aming mansyon sa Portico, pinag-uusapan ang tungkol sa pag-alis ko. Tiningnan ko si Lolo na nakaupo sa tabi niya, umaasang may sasabihin siya, pero tumango lang ito nang bahagya. Alam kong lubos ang pag-aalala nila dahil tinawagan ako ng aking ama para pag-usapan ang mana ko. Kaya naman, kailangan kong bumalik agad sa Ling City, ang lugar kung saan ako namuhay sa unang anim na taon ng buhay ko.. "Serene, naiintindihan mo ba ako?" tanong ni Lola, sa malamig ngunit matigas niyang tono. Tiningnan ko siya, huminga nang malalim, at sumagot, "Opo, Lola." "At isa pa..." Huminto siya nang matagal, at nagsimula nang pagpawisan ang noo ko dahil sa kaba. "My dear Serene, malaki ka na at nasa tamang edad kaya panahon na para mag-asawa at bumuo ka na ng sarili mong pamilya. Samantalahin mo ang pagkakataong ito para makahanap ng taong magiging kasama mo habambuhay. Pero gusto ko rin na piliin mo ang isang taong talagang gusto at kaya mong makasama habang buhay kahit na hindi mo man siya mahal." Hindi ko alam kung paano ko bibigyang-kahulugan ang "gusto" na sinasabi niya, pero sigurado akong wala pang lalaking nakaakit sa akin. Matapos ang lahat ng pinagdaanan ko sa sarili kong ama? Ayoko ng makipagtalo pa kay Lola, kaya ininom ko na lang ang tsaa na inihanda ni Lolo at umaasang mapapakalma nito ang kabang nararamdaman ko. "Hindi ko naman minamadali, Serene, pero dapat mong piliin ang isang lalaking may kakayahang unawain ang ating pamilya at makakatulong sa pagpapatakbo ng ating organisasyon at mga negosyo," dagdag pa niya, may halong pag-aalala at pag-asa sa kanyang boses. "Kailangan mong kunin ang nararapat na sa'yo, pero siguraduhin mong hindi mo masasayang ang yaman na pinaghirapan ng iyong ina." Nilakasan ko ang loob ko upang magsalita kahit nanginginig ang buo kong katawan. Ganito talaga ako basta ang dalawang matandang ito na ang kaharap ko. "Lola, kailangan ko ba talagang gawin ‘yon?" tanong ko, bahagyang nangangatal ang boses. "Bukod kay Lolo at sa mga kaibigan ko, wala akong kilalang lalaking mas mabuti pa kaysa sa kanila." "Tama ka riyan, apo," biglang sabat ni Lolo. Napairap na lang ako dahil sa tagal kong hinihintay na may sabihin siya, pero ngayon lang siya nagsalita at tungkol pa talaga sa pagiging mabuting lalaki. Sa mahinahong paraan ngunit puno ng awtoridad, sumagot si Lola. "Matagal na pinagpaguran ng iyong ina ang kumpanyang iyon, at ikaw, apo, ay nagmana ng kanyang talino at tapang. Pero sana, huwag mong ulitin ang mga pagkakamali niya. Alam kong nauunawaan mo ang ibig kong sabihin," madiin niyang wika habang mahigpit na hinawakan ang braso ni Lolo. Sa kabila ng kagustuhan kong manahimik, hindi ko na napigilan ang dila ko. "Lola, ilang beses mo na po itong sinabi mula noong dumating ako rito. Tinanggap ko na ang landas na inilaan mo para sa akin, at gusto kong malaman mo na pinili ko ito nang kusa. Pero sana, huwag mo nang masyadong isipin ang tungkol sa akin dahil sigurado akong hahanap ako ng lalaking kabaligtaran ng aking ama," sabi ko nang may kasiguraduhan. "At isa pa, plano kong isama sina Enzo at Patt." Tinitigan ko si Lolo, iniisip kung papayag lang ba siyang hayaang dominahin ni Lola ang buong usapan. "At Lolo, hahayaan mo na lang ba si Lola na magsalita para sa inyong dalawa?" tanong ko, umaasang makakarinig ng ibang pananaw. "Laging tama ang lola mo," sagot niya, dahilan para muling mapa-roll eyes ako. Ang hirap paniwalaan na siya ang dating pinuno ng aming organisasyon. Sa Portico, kilala ang pamilya namin bilang mabait at matulungin. Pero sa kabila ng magandang reputasyon, may taglay kaming bangis na hindi lang basta ipinapakita. Hindi namin kailangang ipangalandakan iyon, pero alam ng mga tao na hindi nila dapat kami kalabanin. Si Lorenzo na aking ama ay isang traydor. Niloko niya ang aking ina, at nagdulot ng matinding sakit sa akin. Kailangan niyang harapin ang mga konsekwensya ng kanyang ginawa. At ang kanyang kabit? Kailanman ay hindi niya makukuha ang gusto niya, pati na rin ang anak nilang bastarda. Hindi ako mapapatahimik hangga’t hindi ko napapanagot si Lorenzo. At sa pagbabalik ko sa Ling City, sisiguraduhin kong walang matitira sa kanya.

editor-pick
Dreame - ขวัญใจบรรณาธิการ

bc

Hidden Heiress of Daemon Delavega Jr.

read
99.8K
bc

My Dangerous Ninong Mafia Boss

read
25.8K
bc

The Forgotten Wife

read
42.8K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
321.0K
bc

After Divorce: The Secret Wife Became The Zillionaires’ Princess

read
43.4K
bc

Deeper, Ninong Isidro

read
27.4K
bc

Built to break you, meant to love you-SPG

read
21.7K

สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook