Chapter 14

1118 คำ
Alex Pagmulat ng aking mga mata, nakita kong mahimbing pa ring natutulog si Serene. Nakayakap ako sa kanya, hindi ko na napansin kaninang madaling-araw. Agad kong inalis ang aking braso, baka magising siya at mainis na naman. Alam kong wala naman talagang masama sa ginawa ko, pero gusto ko pa ring igalang ang mga hangganang itinakda niya. Hindi pa siya handa, at ayokong pilitin. Dahan-dahan akong tumayo mula sa kama at nagtungo sa banyo upang simulan ang aking araw. Maaga pa lang ay pinaghahandaan ko na ang pagbabalik ng matigas at walang-kibu niyang ugali. Sigurado ako na pagkagising niya, muli na naman siyang magiging malamig. At kahit may mabuting intensyon ako, pakiramdam ko ay hindi magandang magtanong tungkol sa nangyari kahapon. Hindi pa ito ang tamang oras. Pagkatapos kong magbihis at mag-ayos, lumabas ako ng aming silid upang maghanda ng almusal. Nakahain na ang pagkain, at nakaupo na ako sa aking upuan nang lumabas siya mula sa aming kwarto. Magulo pa ang kanyang buhok, at halatang hindi pa siya ganap na gising. Napangiti ako at gusto ko sanang matawa sa itsura niya, pero pinigilan ko. Diretso siyang naglakad patungong refrigerator at kumuha ng malamig na tubig. Tahimik ko siyang pinagmamasdan habang iniinom niya ito na tila ba wala siyang pakialam sa itsura niya. Nakakabilib talaga ang kumpiyansa niya sa sarili. Sandali siyang tumingin sa akin bago umupo sa dining table. Walang sabi-sabing nagsimulang kumain. "Nagsepilyo ka na ba?" tanong ko, medyo nakangisi. "Mukhang hindi mo pa rin nagagawang maghilamos." Umiling lang siya. Hindi man lang siya tumingin sa akin. "Ikaw ba ang nagdala sa akin sa kama kagabi?" tanong niya, habang nakatuon pa rin ang mata sa kanyang pagkain. Walang emosyon ang kanyang boses. Walang galit, pero wala ring lambing. "Oo. Nagising ako at napansin kong wala ka sa kama kaya hinanap kita," sagot ko. Tumango siya ng bahagya. "Ugali mo na bang matulog sa sahig?" "Kapag sobrang pagod lang ako," maikling sagot niya. "Sa susunod, huwag mo na hintayin na mapagod ka nang sobra. Gumapang ka man lang pabalik ng kama bago ka himatayin sa sahig. Mabigat ka rin kasi," biro ko. Napalingon siya sa akin, kita sa kanyang mukha ang bahagyang inis. "Hindi ako mabigat!" Natawa ako. Kung alam ko lang na 'yon ang salitang magbibigay sa kanya ng ganong reaksyon, sana sinabi ko agad pagkagising niya. Katulad din pala siya ng ibang babae na ayaw na ayaw matawag na mabigat, mataba, o pangit. "Ako ang nagbuhat sa’yo, at para sa akin, mabigat ka," sagot ko habang nakangisi. Tahimik siyang nagpatuloy sa pagkain. Wala siyang sinasabi, pero parang may bumabagabag sa kanya. Hindi ko alam kung okay na ba siya o kung kailangan pa niya ng panahon para makabawi sa nangyari kahapon. "Magkikita kami ni Patt mamaya," biglang sambit niya. "Si Enzo ba ang magmamaneho para sa’yo?" tanong ko. Tumango siya, walang imik. Nagpatuloy kami sa tahimik na pagkain. Paminsan-minsan ay palihim ko siyang sinusulyapan, umaasang kusa siyang magsasalita tungkol sa nangyari kagabi. Pero tila wala siyang balak mag-open up sa akin kaya pinili kong huwag na ring pilitin. Kung kailan siya handa, saka na lang niya ikukwento. Nagkanya-kanya kami ng lakad pagkatapos ng almusal. Bagamat may kaba pa rin ako para sa kanya, kahit paano ay nakahinga ako nang maluwag dahil alam kong kasama niya sina Enzo at Patt na mga taong hindi magdadalawang-isip ipagtanggol siya. Pagdating ko sa opisina, agad akong sinalubong ni Von. "Sir, may pumigil sa pagkalat ng balita tungkol kay Madam," ulat niya. Inaasahan ko na sanang lalabas sa balita ang nangyaring gulo sa anniversary party. Pero tila kampante ang pamilya Lorenzo. Baka iniisip nilang pabor sa kanila ang katahimikang ito. Ano kaya ang plano ni Serene? "Ganun ba," sagot ko. "Hindi ba’t dapat tayong kumilos?" tanong ni Von. "Huwag. Hayaan mo sila. Sigurado akong alam ni Serene ang ginagawa niya. May dahilan siya kung bakit tahimik siya ngayon," sagot ko. "Pero bantayan mo ang bawat kilos nila. I-update mo lahat ng impormasyon sa akin." "Yes, sir," sagot niya bago lumabas ng opisina. Naisip ko kung nasabi na ba ni Enzo kay Serene na dinagdagan ko ang kanyang seguridad. Matapos ang insidente sa gown store, sinabi ni Enzo kay Von na hindi na raw kailangan ng dagdag na tao para protektahan si Serene. Pero sapat ba siya? Alam kong marunong sa self-defense si Serene, pero hindi iyon sapat. Lalo na ngayon na handa na siyang angkinin ang nararapat sa kanya, sigurado akong gagawin ni Lorenzo ang lahat para pigilan siya. May kontrol na ito sa mga negosyo ng ina ni Serene. Malamang pati sa iba pang mga ari-arian sa pangalan ng asawa ko. Huwag kayong magkamali, hindi ko kailangan ang pera ni Serene. Marami na akong sariling kayamanan. Pero dahil gusto niyang bawiin ang lahat ng sa kanya, nararapat lang na suportahan ko siya... kahit sa likod lang ng eksena. Ang kumpanya ko, ang Healthy Foods Corp., ay nangungunang supplier ng mga pang-araw-araw na pangangailangan. Instant coffee, gatas, tsokolate, cereals, instant noodles at iba pa. At ngayon, ang isa ko pang pag-aari, ang telecom company namin ay nasa ikatlong taon na. Mabagal ang simula nito, at marami ang tumutol nang bilhin ko ang halos bangkaroteng telco noon. Pero nang inilunsad namin ang bagong marketing strategy at in-introduce ang unlimited services, biglang sumabog ang demand. Sa loob lang ng dalawang taon, naging number one kami sa buong bansa. Ang MG Telecom, ito ang ipinagmamalaki ko. Kinuha ko ito habang nalulunod sa utang, pero ako ang nagsalba rito. Sobrang proud sa akin ang mga magulang ko. Akala nila ay babalewalain ko ang naunang negosyo ni Dad, pero pinatunayan kong kaya kong pamahalaan pareho. Kami ng team ko ang bumubuhay sa serbisyo ng cable at internet. Laging abala ang opisina. Hapon na noon at nasa kalagitnaan kami ng meeting para sa launching ng bagong internet services. Lahat ay excited, may nag suggest na kumuha ng advertising agency. Pero gusto ko pa ring maging hands-on, gaya noong nagsisimula pa lang kami. "Excuse me, sir," pagputol ni Von habang nakikinig ako sa ideas ni Malik, ang head ng marketing. "Ano ‘yon?" tanong ko habang nakatingin pa rin kay Malik. "May sinabi si Claude... may nagtangkang saktan si Madam," ulat niya. Napakunot ang noo ko. Kasama niya si Enzo, paano mangyayari ‘yon? Agad akong tumayo. Lahat ng nasa meeting room ay nagtaka. "Itutuloy natin ito sa susunod. Dismissed na muna kayo," anunsyo ko, at agad kong tinawag si Von palabas. Sinundan niya ako habang patuloy ang pag-uulat. Hindi raw gaanong malinaw ang detalye ni Claude dahil medyo malayo siya sa eksena. Pero nakita raw niyang may lalaking lumapit kay Serene at nagtangkang saksakin siya. Napamura ako sa isipan ko. Alam kong hindi ako dapat pakakampante.
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม