Serene
“Please, Serene. Kahit sino na lang, huwag lang si Ryan,” pakiusap ni Mavie habang mahigpit na hinawakan ang braso ko. Ramdam ko sa kapit niya na gusto niya akong saktan. Tinulak ko siya palayo pero hindi ko gusto na masaktan siya dahil parang napaka petty kung sa ganong paraan ko siya sasaktan.
Pero umarte siya na parang itinulak ng isang dosenang kamay. Bumagsak sa sahig na parang nadulas at sinadyang itama ang ulo sa gilid ng pintuan. Napasigaw siya na akala mo eh nabasag ang bungo niya.
“Hindi ko inakala na aabot ka sa ganito--” sabi ko, pero biglang may tumulak sa akin, kaya naputol ang sasabihin ko.
“Anong ginawa mo sa kanya? Paano mo nagawang saktan siya?” sigaw ni Ryan habang nagmamadaling lumapit kay Mavie. Hindi na ako nagulat sa reaksyon niya dahil madali siyang lokohin at manipulahin.
“Wala akong ginawa sa kanya,” sagot ko, iritang pinapanood ang drama nilang dalawa. Habang si Ryan ay abala sa pag-aalalay kay Mavie, napailing ako.
“Eh bakit siya nasa sahig?” tanong ni Ryan, halatang ako ang pinaghihinalaan.
“Kasi siya mismo ang nagpatihulog?” sagot ko nang walang pakialam, lumapit pa ako sa kanila. “Hindi ko kasalanan kung mahina at tanga siya.”
Pinanood ko kung paano niya inalalayan si Mavie na bumangon para makatayo. Alam kong puro palabas lang ‘to, pero gusto kong makita kung hanggang saan dadalhin ng babaeng ‘to ang drama niya.
“Paano mo nagawang saktan ang anak ko? Tinanggap ka namin sa pamilya namin, tapos ganito mo kami gagantihan?” Biglang lumabas mula kung saan si Daisy, galit ang boses.
“Kanina ka pa pala nandiyan, pero hindi mo man lang pinigilan ang anak mo?” sarkastikong tanong ko. Nanlaki ang mata niya at agad tumingin kay Ryan.
“Pasensya ka na sa inasal niya. Kaya nga gusto kong ikaw ang pakasalan ni Mavie, hindi siya! Masyado siyang bastos at hindi karapat-dapat sa ‘yo,” sabi ni Daisy na may kasamang eksaheradong kumpas ng kamay. Napairap ako.
“Hindi ba dapat mas iniintindi mo ang kalagayan ng anak mo kaysa sa pag-arte mo?” sagot ko pabalik, kaya napatingin siya kay Mavie, na ngayon ay kandung-kandong na ni Ryan.
“Dapat ka ring purihin, Mavie. Ang husay mong tiisin ang sakit. Hindi ba dapat ay nawalan ka na ng malay sa lagay mong ‘yan?” tukso kong sabi. Nang paalalahanan ko siya sa eksenang ginagawa niya, agad niya akong tinignan nang masama.
“Anong nangyayari rito?” Dumating pa ang isang taong ayaw kong makita, si Lorenzo. Halatang nag-aalala siya habang nakatingin kay Mavie. Parang tinamaan ako ng kung anong sakit, at nainis ako sa sarili ko. Bakit ko pa nararamdaman ‘to? Hindi siya karapat-dapat tawaging ama.
“Sino ang may gawa nito sa ‘yo?” tanong niya sa anak, galit na galit.
Bago pa man makasagot si Mavie, sumingit na si Daisy.
“Si Serene! Sinaktan niya ang anak natin, Lorenzo.”
Tinitigan niya ako ng matalim at walang sabi-sabing sinampal ako. Para akong nanonood ng slow motion habang nakikita ko ang maamong ngiti sa mukha ni Daisy at Mavie. Pero hindi ako basta-basta natitinag. Akala ba nila matatakot nila ako?
“Ganito ka na ba mula nang sumama ka sa mga lolo’t lola mo? Ito ba ang itinuro nila sa ‘yo? Ang mang-agaw ng nobyo ng iba?” singhal ni Lorenzo.
“‘Yan ba ang kwento ng anak mong putang ina? Na inaagaw ko si Ryan mula sa prinsesa mo? Kung gusto niya ng asong sunod-sunuran, edi sa kanya na! Hindi ko siya pipigilan,” sagot ko, tinitigan si Mavie at Ryan na parehong nakangangang gulat na gulat.
“Isa siyang gago, duwag, at higit sa lahat, mahina. Akala ko madali siyang kontrolin, pero mas wala pala siyang silbi kaysa sa inaakala ko,” dagdag ko, sabay tawa.
“Sinasabi mo lang ‘yan kasi hindi mo siya nakuha at ngayon narealize mong mahal niya si Mavie,” sagot ni Lorenzo, pero lalo lang akong natawa.
“Mahal? Bullshit.” Sinamaan ko siya ng tingin. “Gusto niya si Mavie dahil inutusan siya ng tatay niya. Akala niya mamanahin niya ang kayamanan ng nanay ko. Pasensya na, Ryan, pero palpak ang plano n’yong mag-ama. Alam ko ang kasunduan n’yo ni Lorenzo.”
Nanlaki ang mata ni Lorenzo. Hindi niya inasahang alam ko na ang lihim nila.
“Maniwala ka sa gusto mo, pero magbabayad ka pa rin sa ginawa mo kay Mavie,” huli niyang sabi bago bumalik sa tabi ni Mavie.
“Dad, hindi kasalanan ni Serene. Hindi niya sinadya,” mahina at parang inosenteng sabi ni Mavie, halatang nag-eeksena para mapahanga si Ryan.
“Napakabait mo talaga, Mavie. Bakit mo pa siya ipinagtatanggol? Napakabuti mong anak,” pagpuri ni Daisy na halatang pangpapabango lang sa anak niya.
Napailing ako. “Tama na ang drama. Wala akong pakialam kung ano pang gawin mo sa sarili mo,” sagot ko, at saka tiningnan si Lorenzo. “Ibigay mo ang nararapat sa akin. Kung hindi, sisiguraduhin kong wala nang matitira sa ‘yo at sa kabit mong ‘yan. Lalo na sa anak mong ‘di mo dapat kinikilala.”
Bago ako tuluyang bumaba sa hagdan, napahinto ako at napangiti. Lumingon ako sa kanila, puno ng panunukso ang ekspresyon ko.
“Ah, at kahit kusa mo pa ‘yang ibigay sa akin, sisiguraduhin kong wala kang matatanggap kahit ano. Mapupunta ka pa rin sa putik kung saan ka nararapat, kasama ang kabit mo at ang anak mong hindi dapat nabuhay.”
At sa huling sulyap, tumalikod ako at marahang naglakad palabas. Sa labas, naghihintay na si Enzo, ang pinagkakatiwalaan kong kanang kamay.
Sa mga oras na ‘yon, alam kong kailangan ko nang gumawa ng hakbang. Hindi na ako pwedeng umasa kay Ryan. Hindi ko na siya magagamit pa.
“Baka gusto mong subukan ang Royale Club,” suhestiyon ni Enzo, may halong excitement ang boses. Tumango ako, iniisip ang posibilidad.
“Sabihin mo kay Nadine na kunin ang CCTV footage sa mansyon ng nanay ko. Siguradong may nilagay sila para subaybayan ako. Siguraduhin nating makuha ang kopya bago nila burahin.”
Tumango si Enzo, alam na alam ang gusto kong mangyari. Si Nadine ang pinakamagaling na hacker sa buong mundo, tiyak kong makukuha niya ang lahat ng ebidensya na kailangan ko. Dahil alam kong gagawin ni Lorenzo ang lahat para tuluyan akong mawala sa landas nila.