Chapter 5

882 คำ
Alex Ako si Alexander McGregor, but people call me Alex. Dalawampu’t pitong taong gulang at CEO ng pinakamalaking grupo ng mga kumpanya sa bansa. Kahit maraming nagsasabing ako raw ay isang “good catch,” wala akong balak mag-asawa hangga’t hindi ako nagta-tatlumpu’t lima. Oo, 35 ang magic number ko. Sa ngayon, gusto kong ituon ang pansin ko sa negosyo at iwasan ang anumang sagabal, kabilang na ang mga girlfriend o isang asawang mahilig magreklamo. Pinipilit ako ng mga magulang ko na magpakasal dahil iniisip ng board of directors na mas magiging responsable ako kung may asawa na. Pero sa totoo lang, karamihan sa kanila ay kasal nga pero hindi naman magandang ehemplo ng isang matinong pamilya. Ang hilig nilang magbigay ng marriage advice, pero may kabit naman sa tabi-tabi. Mga ipokrito, ‘di ba? Kinuha ko ang phone ko para tingnan ang aking mga email. Nagpagawa ako kay Von, na aking assistant, ng listahan ng mga posibleng mapapangasawa ko. Pero habang binabasa ko ang profiles nila, wala akong nagustuhan. Lahat sila masyadong palakaibigan at sobrang extrovert, hindi ko type kaya inutusan ko siyang gumawa ulit ng bago. Bigla na lang siyang nag-text, "Sir, bakit hindi niyo subukang pumunta sa Royale Club? Maraming klase ng babae doon, baka may magustuhan kayo." Napaisip ako. Mukhang interesting. Puwede akong makakilala ng iba't ibang babae, bawat isa may sariling charm. Baka nga naman may makatagpo akong swak sa panlasa ko na papayag sa terms ko. Ngumiti ako kahit na hindi naman ako nakikita ng aking assistant bago sumagot. "Magpareserve ka ng private room sa Royale Club. Tingnan natin kung may itinadhana para sa akin. Magkita na lang tayo doon mamayang alas-otso." "Copy, sir," sagot niya. Isa sa mga dahilan kung bakit gusto ko si Von bilang assistant ay palagi siyang handa sa anumang ipagawa ko. Matalino, mabilis mag-isip, at hindi pa ako binigo kahit minsan. Nang makarating kami sa Royale Club, ramdam ko agad ang high-class vibe nito. Hindi basta-basta nakakapasok dito kahit sino. Eksklusibo ito para sa mayayaman at elite, may VIP at VVIP memberships. Siyempre, bilang isang successful na negosyante sa loob at labas ng bansa, pasado ako sa VVIP category. Punong-puno ng party people ang club nang dumating kami. Buti na lang at nakuha ni Von ang isang private room sa second floor, eksaktong gusto ko. "Dito po, sir," aniya habang tinuturo ang silid na may one-way mirror. Alam na alam niya ang gusto ko. Lumakad ako palapit at tumingin sa ibaba kung nasaan ang mga guests na nagsasayawan. Habang pinagmamasdan ko ang paligid, may isang babae ang agad na nakakuha ng atensyon ko. Nakaupo siyang mag-isa sa isang sulok, may hawak na baso, at puno ng kumpiyansa sa bawat kilos niya. Isa 'yon sa hinahanap ko sa magiging asawa ko, kumpiyansa sa sarili. Nilibot niya ang paningin niya sa paligid, at pakiramdam ko, nagtagpo ang mga mata namin ng mag-angat siya ng tingin sa kung saan ako naroroon kahit na hindi niya ako makita dahil sa one-way mirror. May kung anong bagay sa kanya ang gumising sa isang damdaming hindi ko pa nararanasan noon. "Sir, narito po ang listahan ng mga babaeng nandito ngayong gabi," sabi ni Von habang inaabot sa akin ang iPad niya. Sigurado akong kinuha niya ito mula sa club security, may koneksyon kasi siya roon. Hawak ang ipad ay naglakad ako papunta sa single seater couch at naupo. Tiningnan ko ang listahan, umaasang makikita ko ang larawan at pangalan ng babaeng umagaw ng atensyon ko. Pero wala siya roon. Pinagmasdan ko ang iba pang profiles, pero wala talagang tumugma sa gusto ko. Medyo na-frustrate ako, kaya umorder na lang ako ng inumin at nanatili pa sandali. Nang tumayo ako para tingnan ulit ang babae, biglang nanlumo ako dahil wala na siya sa pwesto niya. Napabuntong-hininga ako. Mukhang wala rin akong mahahanap ngayong gabi. "Sir, sigurado na ba kayong aalis tayo? Akala ko ba determinado kayong maghanap ng mapapangasawa?" tanong ni Von habang palabas kami ng private room. "Oo, pero hindi ako puwedeng basta pumili na lang ng kahit sino. Kailangan ko ng asawa na magiging katuwang ko sa negosyo. Wala sa kanila ang hinahanap ko," sagot ko, halatang may halong inis sa boses ko. "Paano ang mga board members?" suhestiyon niya. "Kayang-kaya ko pa silang dalhin. Pero syempre, magpapatuloy pa rin ang paghahanap ko ng tamang asawa." "Perfect," biglang may sumingit na boses mula sa likod ko. Paglingon ko, siya na mismo ang naroon. Ang babaeng hinangaan ko kanina sa ibaba. Ngayon, mas malapitan ko siyang nakita. Suot niya ang red slacks at puting long-sleeved blouse na naka-roll up ang manggas, sinamahan pa ng pulang stilettos. Simple pero elegante. Hindi siya naka-jewelry o kahit anong hair accessories, pero nangingibabaw pa rin ang kagandahan niya. Ang kumpiyansa niya ang tunay na nagpapatingkad sa kanya. "Tapos ka na bang suriin ako? Pasado ba ako sa standards mo?" tanong niya, may kasamang mapanghamong ngiti. "Ano?" sagot ko, bahagyang nagulat sa pagiging diretso niya. "Let's get married." Diretso, walang pasikot-sikot. Tinitigan ko siya, hinahanap kung nagbibiro lang siya. Pero seryoso ang ekspresyon niya. Napangiti ako. Alam kong magiging masaya ang partnership namin. Pag ipinakilala ko siya sa board, siguradong matatahimik ang lahat. Matapang siya, matalino, at punung-puno ng kumpiyansa. Perpektong asawa. At sa isip ko, nagawa ko na ang desisyon ko.
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม