Chapter 9

1003 คำ
Alex Pagkaalis ni Serene, agad kong dinampot ang telepono at tinawagan si Von. "Pasundan mo siya. Gusto kong malaman kung saan siya pupunta," utos ko sa aking assistant. Alam kong independent si Serene. Hindi siya mahilig magpaalam o humingi ng tulong. Pero kahit na ganun, hindi ko maiwasan ang sarili ko na gustuhin ang makilala pa siya. Kahit papaano ay may nalaman na siya tungkol sa akin. Samantalang ako, pangalan lang niya ang tanging alam ko. Ilang minuto lang ang lumipas nang i-update ako ni Von. Malapit lang daw ang kinaroroonan ni Serene sa opisina. Napabuntong-hininga ako sa ginhawa at agad na nagpasya na susundan siya. Pero hindi ko ipapaalam. Ayokong isipin niyang sobra akong possessive o paranoid na klase ng asawa na kailangang bantayan lahat ng kilos niya. Nasa loob ako ng sasakyan, tahimik na nakikinig sa usapan sa loob ng boutique sa tulong ng tao ni Von na siyang nagmamanman. Naintriga ako, kaya hindi na ako nakatiis. Bumaba ako at pumasok sa boutique. Sa may pintuan, nadatnan ko sina Patt at Enzo. Tumango lang sila bilang pagbati. Hindi man lang napansin ni Serene ang pagdating ko dahil masyado siyang abala sa pakikipag-usap sa ama niya. Tahimik akong nanood mula sa di kalayuan, ang mga mata ko’y hindi umaalis sa kanya. Nangiti ako. Ang galing talaga ng asawa ko. Napansin kong may pinuntahan siyang isang sulok ng boutique at pumili ng ilang gown. Nakarinig ako ng pigil na paghinga mula sa kanyang kapatid sa ama. Halos makita ko ang pagkagulat sa mukha nito kahit nakatalikod. Sigurado akong ang mga gown na pinili ni Serene ay ilan sa pinakamahal na meron doon. Kung ako man ang nasa kalagayan niya, baka ganoon din ang ginawa ko. Lumapit ako kay Enzo at iniabot ang aking itim na card. "Sabihin mo sa kanya, kahit ano'ng gusto niya ay pwede niyang bilhin," mahinahong utos ko bago ako umalis. Naisip kong bumalik na lang sa opisina. Kayang-kaya ni Serene ang sarili niya. Pagdating sa office ay nagsimula na akong magtrabaho at ilang saglit pa ay pumasok si Von at maingat na inilapag ang black card sa mesa ko. "Sir," bati niya. "Tapos na ba sila?" tanong ko habang kinukuha ang card. "Nagpasya po si Madam na sa ibang lugar na lang kukuha ng gown. Nasa penthouse na raw po siya ngayon," sagot niya. Tumango lang ako bilang tugon. "May ideya ka ba kung saan siya kukuha ng gown?" tanong ko. "Di ako sigurado, sir. Pero sabi ni Enzo, ay may tinawagan na daw si Madam at bukas ng hapon ay handa na raw ang gown." Napa-kunot noo ako. "Sa palagay mo ba, sinadya niyang pumunta sa boutique na 'yon dahil alam niyang nandoon ang ama niya?" "Di ko po masabi, Sir. Pero kung sinadya man niya, mukhang isa na naman itong hakbang na patunay na laging nauuna si Madam kaysa sa ama niya." Napangisi ako at tumango. "Oo nga. Gano’n nga siya. Sa tingin ko ay laging nakaplano ang bawat galaw niya." "Instruct mo ang mga tao natin. Ayokong mawalan sa paningin nila ang asawa ko," dagdag ko. Tumalikod si Von, at ako nama’y bumalik sa trabaho. Ligtas si Serene sa penthouse. At kahit papaano, panatag ang loob ko. Napatingin ako sa imbitasyon ng party na nasa mesa ko. Para ito sa Serendipity, ang kumpanyang dapat ay pag-aari ni Serene. Napaisip ako kung dapat ba akong dumalo? Gabi ng party... Magarbo ang handaan. Wala si Lorenzo sa mood para magtipid. Sa dami ng ginastos niya, hindi ko maiwasang maitanong sa sarili kung ano kaya ang habol niya? Pera? Atensyon? Yes, nagdesisyon akong dumalo, pero hindi ako nagpahalatang naroon ako. Sa isang mesa sa pinakadulo ako pumuwesto, malayo sa host. Gusto kong makita kung paano haharapin ni Serene ang mga taong kinamumuhian niya at kung paano siya magre-react kapag may nagtangkang tapakan siya. Kanina, habang siya ay nag-aayos ng sarili sa penthouse ay nanatili ako sa opisina. Nagkunwaring wala akong pakialam. Wala akong balak silipin siya. Maganda na siya kahit walang make-up. At sigurado ako, kapag lumabas na siya roon, lahat ng lalaki ay handang sumunod sa bawat utos niya. May ilang tauhan na ako sa venue. Lahat handang mag-ulat kahit hindi pa ako dumarating. At nang dumating na nga ako ay agad kong kinuha ang isang baso ng mamahaling alak. Pinong sipsip. Malamig. Malasa. Walang duda, pinakamagaling sa bansa. “Magandang gabi po sa inyong lahat. Maraming salamat sa pagdalo. Ang Serendipity Jewelry ay ang aking karangalan,” wika ni Lorenzo mula sa entablado. Katabi niya si Daisy, ngiting-ngiti, parang laging handang mag-pose sa camera. Napakunot ang noo ko. Nasaan kaya ang anak nila? "Ngayon, masaya ako dahil napatunayan kong may silbi ako. Yung pamilyang itinakwil ako noon... ngayon ay lumalapit na sa akin,” dagdag pa ni Lorenzo, may bakas ng luha sa kanyang mata. “Kaya sana, samahan niyo akong saksihan ang paglalakbay ko mula sa wala… hanggang sa narating ko ngayon.” Magsimulang umilaw ang screen. Nag-play ang isang video. Mga larawan nina Lorenzo at Daisy na masaya at suportado ang isa’t isa. Pero halata sa editing. Pilit ang mga ngiti, polido masyado ang bawat kuha. Kung hindi ko asawa si Serene, at kung hindi ko pa alam ang totoo ay baka naniwala rin ako sa palabas nila. Nagpalakpakan ang mga tao ng matapos iyon ngunit muling tumahimik ang buong venue nang magsimula ang pangalawang video. Isang babae ang abalang gumagawa ng disenyo ng alahas. Kasama ng mga negosyanteng tila humahanga sa kanya. Bigla siyang napangiti nang mapansing kinukunan siya ng video. “Kamusta ang design na ‘to?” tanong ng babae. Isang thumbs-up ang sumunod sa screen. “Marami akong designs rito. Kung sakali mang mawala ako sa mundong ‘to, may sapat na koleksyon ang anak kong si Serene na maaari niyang gamitin… hanggang kaya na niyang gumawa ng sarili niya,” malumanay na sabi ng babae. Binuksan niya ang isang drawer. Dahan-dahan niyang inilabas ang mga design ng alahas at may pagmamalaki sa kanyang mga mata habang pinapakita ang bawat isa.
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม