Chapter 13

1305 คำ
Isang halinghing ang kumawala mula sa aking lalamunan habang magkalapat ang aming mga labi. "You're beautiful..." mapang-akit niyang usal. Tumataas pareho ang init ng aming mga katawan habang kapwa namin tinititigan ang mukha ng isa't isa. Yumuko siya sa pagitan ng dibdib ko at saka salit-salitang kinagat ng kaniyang labi ang mga 'yon. Umiigtad ang aking katawan dahil sa labis na sensasyong dulot niyon. Hindi ko napigilang mapaungol dahil sa dumaloy na kilig sa’king gulugod nang maramdaman ang pangahas niyang kamay na pumisil din. Lulong na ako sa aming ginagawa at nakahanda nang maghubad ng suot na damit nang gulantangin kami nang magkakasunod na ingay ng busina ng mga sasakyan mula sa may labasan. Ang napipintog naming pagniniig ay naudlot at kitang-kita ko sa mukha niya ang labis na inis. "F*ck!" malutong na mura ni Stephen ang nagpabalik sa lumulutang kong diwa. Inilinga ko ang aking paningin sa paligid at napagtanto kong nasa kalagitnaan pa nga pala kami ng kalsada nakahinto. Mabuti na lang at heavy tinted ang mga salamin sa bintana ng sasakyan kung kaya hindi kami masyadong nakikita sa may labasan. Wala pa nga sanang gustong kumilos sa aming dalawa kung ‘di muling nag-ingay ang busina ng ilang sasakyan. "D*mn!" galit niyang bulalas. Kusang kumilos ang katawan ko upang lumayo kay Stephen. Nanginginig ang mga kamay ko kung kaya kinakailangan ko pa iyong itago sa aking likuran upang hindi niya makita. Bumusinang muli ang mga sasakyan sa aming likuran dahilan para magbalik ang pansin ko kay Stephen. Napapaisip ako kung bakit binuksan niya ang pintuan ng sasakyan. Ganoon na lang ang pagkagulat ko ng bigla na lamang siyang sumigaw ng 'F*ck you!' Maang akong nakatitig sa kaniya at ilan beses inulit sa aking isipan ang ginawa niyang iyon hanggang sa makasakay na ulit siya sa driver seat. Ang pagkamaang ko ay unti-unting nauwi sa mahinang pagtawa. Tawang ‘di ko kayang pigilan dahil sa nakatutuwang scenario. "What?" Nahinto ako sa pagtawa ng mapansin kong nakatingin siya sa'kin na parang may mali sa ginagawa kong pagtawa. Gusto kong mahulog mula sa aking kinauupuan ng biglang sumilay ang mapuputi niyang mga ngipin dahil sa kaniyang ginawang pagngiti. Ngiting kayang tumunaw ng yelo. Lintik! Bakit ngumiti-ngiti pa kasi siya! “You’re cute!” naaaliw niyang wika. Pinandilatan ko siya ng mga mata ko at sabay irap sa kaniya. Humarap ako sa may bintana upang itutok sa may labasan ang aking pansin. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa at tila aliw na aliw siya, kaya para akong naiinis. Gusto ko sana siyang lingunin pero mas pinili ko na lamang patigasin ang leeg ko sa pagtanaw sa may labasan. Hindi bale nang magkaroon ng ako ng stiff neck kaysa naman madagdagan pa ang inis ko sa kaniya. Baka tuluyan akong magkaroon ng sakit kapag patuloy akong makipagbangayan sa kaniya. Umandar na ang sinasakyan namin kaya ikinalma ang aking sarili. Pinilit ko na lang malibang sa pagtanaw sa mga ilaw na kaytitingkad ng liwanag sa madilim na paligid. Gustuhin ko man kasing magpumilit na bumalik sa ospital ay alam ko namang imposibleng mangyari dahil sa hilatsa pa lang ng mukha ni Stephen ay tiyak ng hindi ko na siya mapapasunod. Pumailanlang ang malamyos na tinig ng musikerong umaawit mula sa sterio ng sasakyan. Kaysarap pakinggan ng awitin at para akong dinadala niyon sa lugar na tanging ako lamang ang naroroon. Kinagat ko ang ibabang labi ko upang pigilin ang aking sarili na lumingon sa kaniya. Umaawit si Stephen at parang sinadya pang gawin iyon upang udyukan akong lingunin siya. Mula sa side view mirror ay nakikita ko ang itsura niya. Nagmamaneho naman siya at sa daan pa nga nakatutok ang mga mata niya. Pero kuntodo awit nga lang siya. Gusto kong batukan ang sarili ko dahil sa natutulala na naman ako sa kaniyang tumitig. Para kasi akong minamahika ng bawat lirikong kaniyang binibigkas. Tuluyan ko na siyang nilingon at hindi ko na pinigilan ang aking sarili na titigan siya. Napapaawang ang mga labi ko dahil sa ganda ng kaniyang tinig sa pag-awit na animo'y siya talaga ang tunay na singer ng awiting inaawit niya. Lihim akong kinikilig na parang teenager lang na humahanga sa kaniyang crush. Ang boses niyang kaylamig pakinggan ay hinahaplos ang puso kong nanlalamig. "Nagustuhan mo ba?" may ngiti sa labi niyang tanong sa akin. Hindi ko namalayang tapos na pala siya sa pagkanta. Abala kasi ako sa pag-iisip sa kaniya. Napakurap-kurap ako sa mga mata ko habang nakatitig pa nga. "Sabi ni mama kapag ang babae raw ay hindi makapagsalita kapag kumakanta ang isang lalaki, ibig sabihin daw niyon ay nagustuhan nito ang pagkanta niyon." Kausap pa niya sa'kin. Hindi ko malaman kung paano sasagutin ang sinabi niyang iyon. Pilit ko pa nga inapuhap aking sariling boses upang tugunin ang kaniyang mga sinasabi. “Siguro maganda ang boses ko kaya hindi ka makasagot.” Nakangiting pagpapatuloy ni Stephen. Hindi naman mayabang ang dating ng kaniyang boses nang sabihin iyon at sa totoo lang ay may tama rin naman ang ipinahayag niya. “Nai-inlove ka na sa boses ko, no?” aniya sabay kindat sa’kin. "Hindi no!" mataray kong tugon kahit pa nga tila may katotohanan na ang sinabi niya. Pero siyempre hindi ko iyon aaminin sa kaniya! "Hindi naman ikaw ang kumanta ng kantang iyan kaya ‘wag kang feeling!" Umismid ako para pagtakpan ang aking nadarama. Narinig ko ang kaniyang mahinang tawa dahilan para muling magsimula ang pagngingitngit sa aking dibdib. "You're more cute when you are mad," natatawa pa niyang sabi na ‘di alintana ang masamang tingin ko sa kaniya. Kuhang-kuha talaga ni Stephen ang inis ko at mukhang sa kaniya pa nga rin ako magkakaroon ng sakit. Iyong sakit na tumataas ang altapresyon ng dahil lang sa sobrang gigil. “Wala na bang ibibilis itong takbo ng sasakyan mo?” mataray kong saad. Kahit gustong-gusto ko siyang batukan ay hindi ko naman magawa dahil baka bigla na lang kaming mabangga. “Why?” ngiting-ngiti niyang tanong. “Uwing-uwi na kasi ako!” masungit kong tugon. Dinaig ko pa tuloy ang babaeng may buwanang dalaw kahit wala naman. “Okay. Uuwi na tayo!” Kinindatan niya pa muna ako. Bubwelta pa nga sana ako sa kaniya ng sagot nang mabilis niyang pinaharurot ang sinasakyan namin sa may gitna ng kalsada. Tila nalulon ko ang sarili kong dila dulot ng matinding niyerbos na lumukob sa akin. Hawak-hawak ko ang aking dibdib dahil sa malakas na pagkabog niyon. Pakiwari ko nga’y nilayasan na ako ng sarili kong kaluluwa. Nang huminto kami sa may tapat ng bahay, ang bilis-bilis ng tib0k ng puso ko na animo'y nakipagkarerahan lamang sa sampung kabayo. Ang lakas ng pintig ng puso ko at talaga namang bumibingi iyon saking pandinig. Kung susumahin ang biyahe namin ni Kuya mula rito sa bahay hanggang sa ospital para lang maihatid si mommy ay inabot kami ng forty five minutes. Pero itong biyahe namin ni Stephen ay mga nasa twenty minutes lamang dahil sa bilis ng kaniyang pagpapatakbo na animo'y biyaheng langit na talaga ang punta namin. “Hindi bale nakarating na rin naman na kayong dalawa sa langit!” hiyaw ng maliit na tinig sa’king isipan. Saka pa lang ako natauhan nang maisip ang mainit naming pagniniig. Ipinilig ko ang aking ulo upang iwaksi ang mainit na eksenang iyon. Hindi ko dapat maisip iyan dahil hindi na muling mauulit ang tagpong iyon. Wish ko lang! Naririnig ko sa aking isipan ang malakas na halakhak ni Stephen na tinutudyo ako at sinasabing, “imposible ko siyang maiwasan lalo na’t siya ang lalaking nakatakdang maikasal sa’kin.” Aminado akong ang karisma ni Stephen ay may taglay na assets, kaya marami ang pwedeng magkumahog sa katawan niya, lalo na sa bagay na umuumbok sa pagitan ng kaniyang mga hita. Pero sila lang iyon dahil hindi ako kasali sa mga babaeng magkukumahog na mapansin niya. Sinungaling!
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม