“You know what...” Bahagya ko siyang itinulak sa kaniyang dibdib. “Kahit pa nga matuloy ang kasal ay wala ka namang mapapala sa’kin.”
Umatras pa muna ako ng husto para lubusang makalayo ang katawan ko mula sa kaniya.
Pinuno ko ng hangin ang aking baga saka hinamig ko ang sarili mula sa halikang namagitan.
Kahit papaano’y nakahinga naman na ako ng maayos dahil sa paglayo ko sa kaniya. Ayaw ko man isipin ay aminado akong malaki ang epekto ng kaniyang presensiya sa’kin lalo na kapag nasa paligid ko siya.
“Hindi na ako virgin ng may nangyari sa ating dalawa kaya h’wag mo na akong habul-habulin pa!” masungit kong saad.
“Bakit, sinabi ko bang virgin dapat ang magiging asawa ko?” Sumilay ang tipid at simpatikong ngiti sa kaniyang labi.
Para akong nahipnostismo ng ngiting iyon dahil halos ayoko nang alisin pa ang aking tingin mula sa kaniya.
Bwîsit! Ba’t ba kasi sa dinami-rami ng lalaking pwede kong pakasalan at maging asawa ay si Stephen pa talaga ang itindhana sa’kin?
Nakikita ko ang pagkaaliw sa asul niyang mga mata na nakatitig. Gustong-gusto ko siyang lapitan para suntukin sana sa kaniyang mukha sabay takbo palayo. Pero hindi ko maintindihan ang aking sarili kung bakit tila ipinako sa lupa ang mga paa ko kung kaya hindi makaalis.
Humugot pa muna ako ng malalim na buntonghininga at saka buong taray na bumwelta sa kaniya.
“Naisip ko lang, kaya siguro ayaw mo rin akong tigilan ay dahil mayroon kang ibig mangyari sa kasunduan ninyong dalawa ni mommy.” Nakakalokong ngiti ang ipinaskil ko sa aking labi.
“What do you mean?” Isa-isang humilera ang guhit sa kaniyang noo.
“Come on, Stephen, don't be stupid!” Tinitigan ko siya mula ulo hanggang sa kaniyang paanan. “Tell me, magkano ang kailangan mo para umatras ka sa gusto ni mommy?”
Umarko paitaas ang isa niyang kilay at nag-igtingan ang kaniyang mga panga dahil hindi niya nagustuhan ang aking sinabi.
“Hindi pera ang gusto ko sa’yo,” tiim bagang niyang sabi.
“Then, tell me, what it is?” buong tapang kong sinalubong ang nakaiintimitida niyang titig.
Inisang hakbang ni Stephen ang pagitan naming dalawa at kapwa nagtagisan na kami ng tingin sa isa't isa.
Napasinghap ako nang humaplos ang isa niyang daliri sa’king pisngi sunod ay ang pagkabig sa katawan ko papalapit sa kaniyang katawan.
Pinilit kong huwag ipakita ang kabang nadarama ko dahil lang sa pagkakalapit naming dalawa.
“I want you...” pabulong niyang usal.
Pakiwari ko'y nagtayuan ang lahat ng mga balahibo ko sa batok nang dumaiti roon ang kaniyang mainit na hininga.
“B-bitiwan mo ako,” walang lakas ang boses ko nang sabihin iyon.
“Hindi kita bibitiwan dahil gusto ko ay sa akin ka lang kahit harangin pa ako ng sibat. Walang sinuman ang pwedeng pumigil sa gusto ko.” Giniginaw ang pakiramdam ko nang salubungin ko ang titig ng nagyeyelo niyang asul na mga mata.
Kakaibang kilabot ang hatid niyon sa aking pakiramdam. Nagulo tuloy ang buong sistema ko!
Nagpapasalamat ako sa kung sinuman tumawag sa kaniya sa telepono dahil nagkaroon kami ng pagkakataon na maghiwalay.
Iyon ang buong akala ko dahil isa lang palang maling akala!
Matapos niyang hugutin ang kaniyang telepono sa loob ng bulsa ng suot na pantalon ay hinapit ng isang kamay niya ang aking baywang kung kaya muling nagkadikit ang aming mga katawan.
“Stephen!” Protesta ko saka pilit kong itinutulak siya sa kaniyang dibdib
“Yes, Bro! Kasama ko na siya.” Sa winika niyang iyon ay tila nakikilala ko na kung sino ang kaniyang kausap.
Gustuhin ko man pakinggan ang mga sinasabi ni kuya mula sa kabilang linya ay hindi ko magawa. Malakas ko kasing naririnig ang tambol ng dibdib ko na nakadikit sa mainit niyang dibdib.
Libo-libong boltahe ng kuryente ang naramdaman kong dumaloy sa mga kalamnan ko dahil lang sa pagkiskis ng balat niya sa’king balat.
“Alright!” Napakurap-kurap ako sa mga mata ko nang masilayan ang ngiti sa kaniyang labi.
Hinamig ko ang sariling katawan upang pigilin ang kilig na aking nadarama. Sa lahat ng mga lalaking nakarelasyon ko, siya pa lang ang nakapagpatulala sa akin ng ganito.
‘Di ako dapat mahulog sa mga galawan niyang pa-fall dahil isa lamang iyong pagkakamali.
“Let's get out of here.” Nagkaroon ako ng pagkakataong maitulak siya nang alisin niya ang kaniyang mga kamay sa aking baywang.
“F*ck!” malutong niyang mura ang narinig ko, pero ‘di ko iyon pinansin.
Tatakbo na nga sana ako mula sa kaniya ng bigla na lang niya akong binuhat na animo'y sako lamang ng bigas.
Nagpumiglas ako at saka pinagpapalo ko siya sa kaniyang likuran, pero hindi niya iyon inalintana. Ang lahat ng mga ginagawa ko sa kaniya ay balewala lamang dahil patuloy lang siya sa paglalakad.
“Stephen!!!” natitilihan kong hiyaw.
Bigla naman siyang huminto sa kaniyang paglakad at sunod kong narinig ang tunog nang pagbukas ng lock.
Naramdaman kong binuksan niya ang pintuan ng sasakyan at saka maingat akong ipinasok sa loob.
Susunod sana ako sa kaniya palabas nang isara niya ang pintuan saka mabilis na ini-lock muli.
Para siyang ipo-ipong pumasok sa loob ng sasakyan sa may gawi ng driver seat.
“Babalik na ako sa ospital!” asik ko sa kaniya.
“No. Iuuwi na kita sa inyo,” kalmado niyang tugon.
Hinarap ko ang pintuan saka pinilit iyon buksan, pero pinaandar na ni Stephen ang makina ng sasakyan kung kaya hinarap ko siya.
“Hindi mo ako iuuwi dahil babalik ako ng ospital!” matigas kong hayag.
“Iuuwi kita dahil iyan ang utos sa'kin ng kuya mo,” tugon naman niya.
“Ayoko ngang umuwi dahil gusto kong pagmulat ng mga mata ni mommy ay ako ang mamulatan niya.” Bahagyang pumiyok ang boses ko nang maisip ang kalagayan ng aking ina.
“Tsk, Iiony!” Gusto mong kamulatan ka ng iyong ina, pero wala ka naman sa tabi niya,” mapakla niyang sabi.
Sinamaan ko siya ng tingin. Siguro kung inaral ko ng husto ang pagiging magician, napatumba ko na siya sa sahig.
Bilib din ako sa kaniya dahil hindi man lang niya inalintana ang masamang tingin ko sa kaniya, bagkus pinaandar lang ang sasakyan.
“Wait!” pigil ko sa kamay niya dahilan para gumewang ang takbo ng aming sasakyan.
“F*ck!” Dahil sa lakas ng impact nang paghinto ng sasakyan ay tumilapon ang katawan ko sa kaniya.
Naumpog ang noo ko sa baba niya at talaga namang masasabi kong para siyang bato dahil sa sobrang tigas niyon.
“Aray!” hinaing ko sabay haplos sa aking noo.
“Sh*t! Are you okay?” tanong niya at maagap akong inalalayan.
“Bakit ba ang tigas ng katawan mo?” reklamo ko.
“Hindi mo dapat iyon ginawa.” Maang akong napatitig sa kaniyang mukha nang kintalan niya ng halik ang noo ko. “Paano kung nadisgrasya tayo?”
Gusto ko sanang sumagot pero parang umatras ang dila ko dahil sa kaniyang ginagawang paghalik sa aking noo.
Napansin kong halos nakaupo na pala ako sa kaniyang kandungan. Ramdam ko tuloy ang kakaibang init sa pagitan naming dalawa.
Bigla akong naasiwa dahil sa posisyon naming dalawa. Bahagya akong lumayo sa kaniya, pero maagap niya akong hinila pabalik sa kaniyang katawan.
Lumapat ang likuran ko sa manibela nang dahan-dahang bumaba ang kaniyang mukha sa aking mukha. Alam kong ang labi ko ang kaniyang puntirya dahil doon siya nakatitig.
Napaungol ako dahil sa matinding sensasyong dulot nang paglapat ng kaniyang labi sa'king labi. Punong-puno iyon nang panggigigil at halos kainin na niya ng buo ang aking mga labi.
Inaalipin ako ng sensasyong binubuhay ni Stephen sa kaibuturan ng katawan ko. Kahit gustuhin kong umayaw ay hindi naman sumusunod ang aking katawan.
Mula sa mga labi ko ay gumapang ang kaniyang labi sa aking leeg pababa sa tapat ng mga dibdib ko.
Tila ba mga sundalong sumasaludo ang kaumbukan ng mga dibdib ko na nagbibigay pugay sa kaniyang gagawin.
Impit na ungol ang aking pinakawalan ng bahagyang kumagat ang kaniyang labi sa isa kong dibdib kahit pa nga mayroon damit na nakatabon doon.
“I’m crazy...” wala sa sarili niyang usal. “Crazy for you.”
Ako rin. Pakiramdam ko ay mababaliw na ako ng dahil sa kaniyang ginagawang pagpapala!
Nauwi sa malakas na pag-ungol ang gagawin kong pagpigil sana sa kaniya nang lumipat sa kabilang dibdib ko ang mainit niyang labi. Napaliyad ako nang pumisil ang isang kamay niya sa isa kong dibdib.
“Stephen...” namumungay ang mga mata kong tumitig sa kaniyang gwapong mukha.
Sinalubong naman ng kaniyang asul na mga mata ang titig ko at napansin ko ang kakaibang kislap ng pagnanasa mula roon.
Hindi ko alam kung bakit parang biglang nalasing ang diwa ko at tila ba tuluyan akong nadala sa mainit na pakiramdam na gusto niyang gawin sa akin.
Nagpatianod na lamang ako sa mainit niyang aksyon dahil nararamdaman ko rin naman na gusto kong mangyari iyon.
Ang anumang pagpipigil ko ay parang nilipad ng hangin dahil sa mapang-akit niyang paglalandi sa akin.
Nagpalandi rin naman ako!