Chapter 7 Nessa’s POV “Lumayo ka!” Bulalas ko nang ako ay matauhan dahil hawak ako ng lalaking ito na maskulado, walang pang-itaas na damit at…saluwal. Diyos ko! Wala siyang saluwal! “Mama…” malungkot niyang sabi na parang nasasaktan sa inaakto ko. Tumungo siya na parang isang bata. Sandali. Para siyang isip-bata. “Z-Zarek? Ikaw ba talaga iyan?” Tumango siya. “Paano kang ganyan? Paano na ang tanda mo kaysa sa Mama mo?” Sumimangot siya at umiling. Parang hindi niya ako maintindihan. “Sandali. Magdamit ka bago ka pa makita ng mga tao na hubo at hubad!” Agad akong naghanap ng malaking t-shirt ko sa bag kong dala tapos ay isinuot ko sa kanya. Matapos ang matinding shock nung makita kong mag-shift si Zarek bilang isang tao, halos hindi na ako makapaniwala. Pero dahil wala akong pera,

