bc

THE IMMORTAL b***h

book_age18+
0
ติดตาม
1K
อ่าน
เศรษฐี
ครอบครัว
จบสุข
โชคชะตา
โอกาสครั้งที่สอง
ผู้สืบทอด
ชายจีบหญิง
วิทยาลัย
เทพนิยาย
การโกหก
soul-swap
พลังวิเศษ
การเกิดใหม่
ล่ำๆ หมีๆ
polygamy
like
intro-logo
คำนิยม

They thought Maria was gone.

Buried. Forgotten. Powerless.

They were wrong.

After losing everything—her child, her family, her life—Maria returns to the world that betrayed her. Not as a victim… but as something far more dangerous.

She slips back into their lives effortlessly.

Smiling. Obedient. Trustworthy.

They welcome her with open arms.

They have no idea she’s there to destroy them.

Not with bullets.

Not with blood.

But with something far worse.

Maria will tear them apart from the inside—turning love into suspicion, loyalty into betrayal, until they ruin each other with their own hands.

Because the woman they killed is gone.

And what came back…

is vengeance.

She is The Immortal b***h.

chap-preview
อ่านตัวอย่างฟรี
SIMULA
SOBRANG DILIM NG PALIGID. Wala akong makita. Ilang beses na akong nabangga sa mga puno, pero hindi pa rin ako tumigil sa pagtakbo. Buhay ng anak namin ni Eros ang nakasasalay rito. Kahit anong mangyari, poprotektahan ko siya. Siya na lang ang meron ako matapos nilang bawian ng buhay ang lalaking mahal ko. “Mariaaa!” sigaw ni Alena, sabay putok ng baril. Natumba ako nang matamaan ang braso ko. Ipinikit ko ang mga mata ko habang walang tigil sa pag-inda sa sakit. Gusto ko mang sumigaw, pero pinigilan ko ang sarili ko. “Hayop kang babae ka! Sa dami ng lalaki sa mundo, asawa ko pa talaga!” sigaw niya. Iminulat ko ang mga mata ko at dahan-dahang tumayo. Walang tigil na rin sa pagtulo ang luha ko. Naiintindihan ko ang galit niya sa akin, pero iyong pumatay siya? Mas mali iyon kaysa sa nagawa ko sa kanya. Pero wala akong ideya na may asawa si Eros. Hindi ko nga alam kung taga-saan siya. Sa sobrang pagmamahal ko sa kanya, hindi na rin ako nagtaka kung bakit ni minsan ay hindi niya ako pinakilala sa mga magulang niya. Basta ang alam ko lang, at sigurado ako—mahal na mahal namin ang isa’t isa. Nang nalaman kong kabit ako, buntis na ako noon. Pero hindi iyon naging hadlang para hiwalayan ko si Eros. Hindi ko pinangarap maging kabit. Maayos akong pinalaki ng mga magulang ko. Hindi naging sapat ang mga salita ko—ang pakiusap ko. Ayaw akong pakawalan ni Eros. Kahit hindi ko siya pinapili, ako ang pinili niya. Ako ang binabalikan niya. Araw-araw siyang nagmamakaawang tanggapin ko siya. Dahil sa ginagawa ni Eros, ikinabaliw iyon ni Alena. At naiintindihan ko iyon sapagkat babae ako. Ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya. Pero… kailangan ba talagang pumatay? Pinatay niya sa harapan ko si Eros. Binaril niya ito sa noo. Wala akong nagawa kung hindi mapasigaw. Pero nang itinapat niya sa akin ang baril, buong tapang akong tumakbo palayo sa kanya hanggang sa napunta kami ritong dalawa sa kagubatan. Ilang oras na kami rito at wala talaga siyang balak tumigil hangga’t hindi niya ako napapatay. “Ang sabi ko, lumayo ka sa asawa ko! Pero mukhang enjoy na enjoy ka pang hinahabol niya! Malandi ka! b***h!” Natapos sabihin iyon ni Alena, muli siyang nagpaputok ng baril. Sunod-sunod. Napasigaw ako nang matamaan ang ibabaw ng balikat ko. “I got you, b***h!” sigaw niya, sabay tawa. Kahit nanghihina na ako, sinubukan ko pa ring gumapang palayo kay Alena. Hindi na baleng mamatay ako, basta may ginawa ako para protektahan ang anak ko. Narinig ko ang malakas na tawa ni Alena. Para na siyang isang bruha. Para na siyang sinaniban ng masamang espiritu. Tunay ngang nawala na siya sa katinuan. Ni hindi man lang siya nagluksa sa pagkawala ni Eros. “Total mamatay ka rin naman tonight, I have a little trivia… Do you know, may family reunion kayong magaganap maya-maya?” Nanlaki ang mga mata ko at napatigil sa paggapang. Ano ang ibig niyang sabihin? “I did not kill your entire family. It was you, Maria!” aniya. Napanganga ako habang walang tigil sa pagtulo ang luha ko. Bakit pati ang pamilya ko? Anong kasalanan nila kay Alena? “M-Mama… P-Papa… A-Ate… K-Kuya… B-Bunso… s-sorry…” Napahagulgol ako. Kahit gustuhin ko mang iligtas ang buhay namin ng anak ko, hindi ako makagalaw. Nanghihina ako sa nalaman kong masamang balita tungkol sa pamilya ko. Napabuntonghininga ako. Pinilit kong maging matatag. Sa halip na gumapang, dahan-dahan akong bumangon para harapin si Alena. Pagharap ko sa kanya, agad niyang itinapat sa noo ko ang baril. Idinikit niya ito. Napangiti ako sapagkat alam kong wala na akong takas. Ito na rin marahil ang huling araw namin ng anak ko. Nagawa nga niyang patayin si Eros na sinasabi niyang mahal—ako pa kaya na hindi niya kaanu-ano? “Mabait ako, Maria, pero sinagad ninyo ang pagkatao ko!” sigaw niya. Napangiti ako. “Dahil papatayin mo lang din naman ako, gusto kong malaman mo na hindi ako nagsisising minahal ko si E—” Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang pinukpok niya ang baril sa noo ko. Natumba ako at agad niya akong dinaganan. Mabilis niya akong sinakal at ramdam ko ang gigil niya. “See? Tama ako. You are enjoying my husband…” “T-Tama. Sino ba ang hindi? Ayaw mong maniwala na matino akong babae, ’di ba? Then you deserve to hear it… ang sarap ng asawa mo.” Binitawan niya ang leeg ko at pinagsasampal ang mukha ko. Napatawa lang ako kahit sobrang sakit. “Nagtaka ka pa talaga kung bakit ako ang pinili ni Eros? Tanungin mo ang sarili mo kung bakit ako…” “Damn you!” sigaw niya sabay suntok sa mukha ko. “You made me evil!” “I’m not. You are a natural wolf in sheep’s clothing. Hinubaran lang kita.” “You deserve to die!” “I know. At least in heaven, they are there. Lahat ng pinatay mo…” Napangiti siya. “Meron pang natirang isa… gusto kong makita mo kung paano siya mawala.” Natapos niyang sabihin iyon, agad siyang tumayo. Dahil nakahiga ako, agad niya akong tinalunan. Napasigaw ako sa labis na sakit lalo na nang walang tigil siyang tumalon sa tiyan ko. “Mauna ang bunga ng kasalanan ninyo sa akin!” Naramdaman ko ang pagsilabasan ng ugat sa mukha ko habang walang tigil sa pagsigaw. Buntis ako at heto siya—dahan-dahang pinapatay ang bata sa loob ng sinapupunan ko. “D-Demonyo ka, Alena!” Napatigil siya at tumitig sa akin. Biglang humangin at gumalaw ang mga puno kaya pumasok ang liwanag ng buwan. Sa pagkakataong iyon, nasilayan ko ang mukha niya. Masaya siyang nakatitig sa akin. Wala siyang puso. “Wala nang natira sa angkan mo. And it’s your turn…” sabi niya sabay tapat sa akin ng baril. “Ibabalik ko sa iyo ang lahat ng sakit na ibinigay mo sa akin. Isinusumpa ko—lahat ng angkan mo, ibabalik ko sa kanila ang sakit nang doble. This b***h… titigan mo ako! I will be your greatest nightmare!” Natapos kong isigaw iyon, ipinutok na niya sa akin ang baril. Napatitig na lang ako sa kawalan hanggang sa tuluyan nang nagdilim ang aking paningin.

editor-pick
Dreame - ขวัญใจบรรณาธิการ

bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
3.1K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
30.9K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
106.0K
bc

THE YOUNGEST GENERAL: DEANZ XANDER MONTEMAYOR (TAGALOG)

read
113.8K

สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook