Isa pa sa malaking pinoproblema ni Colonel Laxamana ay ang media. Persistent ang media pagdating sa ganitong bagay—ang hindi nila ma-penetrate na balita. Ang bagay kung saan sila clueless. Lalong-lalo na't sangkot pa ang military. Parang fire alarm sa opisina ng media't mga pahayagan kapag nalaman nila na sangkot ang military o ang gobyerno. Ikanga, nagsisipagikutan ang kanilang mga tumbong.
Kaya't mariin na inatasan si Colonel Laxamana ng kataas-taasan, partikular ng National Security Chief na ilihim ang nangyayari sa bayan ng Callejon...with extreme prejudice. Pero, paano mo iko-cordon ang isang buong bayan, itago ito sa lahat na hindi napapansin? Kahit na ang isang liblib na lugar tulad ng Callejon. Sa kalaunan ay lalabas at lalabas din ang balita.
"'Wag na 'wag mong papasukin," mariin na utos ni Colonel Laxamana kay Lt. Esguerra sa telepono. "I'm on my way."
"Yes, sir!"
"May problema, Greg?" tanong ni Andy.
"Ang media," sagot ng colonel. "Kumakatok na ang mga tsismosa sa pintuan."
"The media?" may pag-aalalang tugon ni Jang-Mi. "What should we do?"
Winagayway ni Colonel Laxamana ang kanyang kamay.
"Don't worry about them, Jang-Mi," sabi ng colonel. "I can handle the media."
Sumakay sila ng SUV at nag-drive paalis. Kampante naman si Colonel Laxamana na maha-handle niya ang media, after all, may experience na siya sa mga ito.
"Sinong media ba ito?" tanong ni Andy.
"Mga tauhan ni Paula," sagot ni Colonel Laxamana habang nagmamaneho pabalik sa mabatong daan. Umaga nang magpunta sila sa bahay ni Andy at ngayon ay magtatanghali na.
"Si Paula natin?" may sorpresa sa boses ni Andy, kilala niya ang nabanggit.
"Oo, pare."
Ang tinutukoy nila ay si Paula Valdes na dating reporter at ngayon ay isang Editor-in-Chief na ng isang pahayagan, at kapuwa nakatrabaho na nila dati, back in the old days ikanga, kung kanilang ibabalik-tanaw. At impressed sila na si Paula ang unang nakatunog. Bilib din naman sila sa kakayahan nito. Nakatrabaho ni Colonel Laxamana si Paula noong dalagang reporter pa ito noong 80s, panahon ni Macoy, nang i-cover nila ang pagsuko ng isang Japanese straggler sa Mindoro. At nakatrabaho pa muli ilang beses nang maging media representative si Greg ng armed forces. Nakatrabaho naman ni Andy si Paula noong nagsisimula pa lang siya bilang private investigator matapos niyang magretiro sa pagpupulis, sa isang mutual beneficial arrangement kung saan sila nagpapalitan ng mga impormasyon.
Nang makarating ang SUV sa checkpoint ay nakaparada sa gilid ang isang news van at hindi pinapapasok ng mga armadong sundalo. Naroon si Lieutnant Esguerra kasama si Corporal Diazon at nakikipagtalo sa matapang na babaeng news reporter na may kasamang photographer. Sa news van, nagaantay ang kanilang driver. Bata-bata pa ang babaeng reporter pero may taglay nang tapang. Feisty lang.
Malayo pa lang at habang pumaparada, ay dinig na nila ang pag-i-insist ng reporter na papasukin siya at ang photographer. Nagsibabaan sina Andy at agad na tumungo si Colonel Laxamana sa kaguluhan habang nakatayo sa gilid ng SUV sina Andy at Jang-Mi.
"Colonel! Colonel!" sigaw ng babaeng reporter nang makita siya. Kilala na niya ang colonel. Hindi ito ang unang pagkakataon na makita niya si Laxamana.
"Ma'm, off limits ang area na ito. We have orders na bawal magpapasok, kahit na media," pagpigil sa kanya ni Lieutenant Esguerra.
"Narinig mo si Tinyente, miss," sabi ni Colonel Laxamana. "Off limits ang area na ito."
"Colonel, may clearance kami from Malacañang. Padaanin n'yo kami!" bulalas ng babaeng reporter.
"Let me see your clearance," utos ng colonel. Alam niya full well na hindi magbibigay ng clearance ang Malacañang dahil doon rin mismo nanggaling ang order to supress the media.
Natigilan ang news reporter. At:
"Kakilala ko ang Press Secretary at binigyan kami ng permiso. Kahit tawagan n'yo ngayon..."
Malinaw kay Colonel Laxamana na nagsisinungaling lang ang reporter, at bumaling siya kay Lt. Esguerra.
"Tinyente, paki-escortan paalis ang mga civilians," aniya at sinabi sa reporter, "pakisabi sa boss Paula mo, I said "hi."
Tumalikod si Colonel para lumakad paalis. Pero, mapilit ang reporter.
"Colonel! 'Pag hindi mo kami pinapasaok, ilalabas ko ang istorya na ito!" dare ng babaeng reporter at napahinto ang colonel at lumingon pabalik. "Isang buong bayan na nawawala? 508 na residente naglaho? UFO sa kalangitan? Tingin n'yo ba maitatago n'yo ito? Nasa f*******: na ang balitang ito!"
"And I'm sure may memes na," singit ni Corporal Diazon. True. Nasa f*******: na ang video ng mga mountaineers sa Mt. Banahaw.
"This is no joke," pinagdilatan sila ng reporter. "May karapatan ang mamamayan na malaman ang nangyayari dito!"
Sa inis, ay bumalik si Colonel Laxamana at hinarap muli ang reporter at kasama niya.
"Okay, anong gusto n'yong malaman?" sabi ng colonel sa babaeng reporter na ikinagulat din nito. Makikita niya na pumuporma ang photographer. "No camera, please."
Naramdaman ng photographer na tinapik siya sa magkabilang balikat ng dalawang sundalo na armado ng armalite at dahan-dahan niyang ibinaba ang kanyang camera.
"Ingat, bro. Baka makursunadahan namin 'yang camera mo," bulong ng isang sundalo.
"Okay, so? Anong gusto mong malaman?" ulit ni colonel sa natamemeng reporter.
Lumunok nang malalim ang babaeng reporter, "A-anong nangyayari sa bayan ng Callejon? Ito ba'y mass a*******n ng aliens? Judging sa presence ng military..."
"Corporal!" sigaw ni Colonel Laxamana at lumapit ang tinawag.
"Sir!"
"Corporal. Paki-explain nga sa kanila ang nangyayari," utos ng colonel.
Napaindak si Corporal Diazon sa utos sa kanya. Nag-aalangan siya kung susundin ito at mag-share ng info. Ganoon din ang immediate reaction ni Lt. Esguerra.
"Sir?"
"Go ahead, Corporal," sabi ng colonel. "Sabihin mo kung anong nangyayari dito."
"L-lahat, sir?" napalunok si Corporal Diazon.
"Yes, and in detail."
"I-in detail, sir?"
"Bingi ka ba, corporal?" pagtaas ng boses ni Colonel Laxamana, nakulitan na sa kanyang tauhan. "Go!"
"Okay..." sabi ni Corporal Diazon at sa kanyang isipan, bahala na. Utos eh.
Hindi pa rin makapaniwala ang babaeng reporter na malalaman na niya ang katotohanan—ang exclusive, at kanyang ni-ready ang kanyang voice recorder. Mabilis na dumaan sa isip niya na ikasasaya ito ng kanyang Editor-in-Chief na si Paula, at baka ma-promote pa siya at mabigyan ng bonus for a job well done. Malay niya, baka ikasikat pa niya ito at ikapanalo ng award. And who knows, baka i-pirate pa siya ng mas malaking media outfit at gawin pang anchorwoman. Napuno siya ng excitement sa ibubulgar ngayon ng corporal.
Inadjust ni Corporal Diazon ang kanyang eyeglasses bago nagsalita.
"T-tama kayo, M'am, may possibility na alien a*******n ito. Extra-terrestrial," sabi ni Corporal Diazon.
"Okay, alien a*******n nga," masayang confirm ng babaeng reporter. "What else, corporal?"
Agad na tumingin ang corporal kay Colonel Laxamana, maging kay Lt. Esguerra, para sa senyales kung go pa o hindi. Hopefully, stop na. Pero, nagtanguan lang ang kanyang mga superiors.
"May paranormal activity din, Ma'm," patuloy ni Corporal Diazon.
Tumaas kilay ng babaeng reporter.
"Paranormal? Activity?"
"Yes. May mga, uh, bangkay na nabuhay," sabi ng corporal. "Gumapang palabas ng libingan nila. Pero, 'di namin sila nahahanap pa."
Tumaas na rin kilay ng photographer. Patuloy sa salaysay si corporal.
"Kaya may Private Detective kami para hanapin ang mga nawawalang bangkay," tinuro ni Corporal Diazon si Andy na nakatayo sa labas ng SUV sa di-kalayuan katabi si Jang-Mi.
Napatingin ang dalawang media people sa kinaroroonan nina Andy at Jang-Mi, na kumaway sa kanila.
"At ang mga espiritu ng mga bangkay na ito ay kasalukuyang nagmumulto," dagdag ni Corporal Diazon at kanya namang tinuro si Jang-Mi. "Kaya, meron kaming Koreanang esperitista para kausapin ang mga kaluluwa."
Napanganga ang babaeng reporter at photographer sa narinig nila, habang patuloy pa si Corporal Diazon sa pagsalita. In fact, on a roll na siya. Ginanahan lang.
"May theory kami na ang mga multo at aliens ay iisa. Na tulad natin, may kaluluwa pala ang mga aliens. At mula sa malayong planeta kung saan man sila nanggaling, ay nagpadala sila ng mga lalaking aliens na nagkatawang tao para makihalubilo sa mga taong taga-Earth, at makipagsiping sa mga babae. At ang pagsiping nila ay nagbunga ng mga half-breeds. Kalahating-tao, kalahating-alien, at—"
Nahinto siya nang senyasan ni Colonel Laxamana.
"Okay na, Corporal. Gets na ata nila."
At ang tinutukoy niyang "nila" ay naiwan pang mga nakanganga.
"So..." nakangiting sabi ng colonel sa babaeng reporter.
At mula sa pagtataka ay nauwi sa pagkagalit.
"Ano ito? Aliens vs zombies vs multo! Niloloko n'yo ba kami?" galit na usal ng babaeng reporter. "Sinong tanga ang maniniwala nito?!"
"Nagtanong ka eh," sabi ni Colonel Laxamana.
Sa tabi, natawa si Lt. Esguerra. Na-gets niyang ginawa ng kanyang boss.
"I want the truth!" demand ng babaeng reporter.
"Y-you can't handle the truth!" mahinang sabi ni Corporal Diazon.
To which, binigyan siya ng masamang tingin ng babaeng reporter.
"Thank you, Tom Cruise."
Napangiti si Diazon. Cute din naman ang babaeng reporter. Maputi't mahaba ang buhok.
"Really? Aliens na nagkatawang tao? Half-breeds? Mga high ba kayo?" bulalas ng babaeng reporter.
"Give my regards to Paula, okay?" sabi ng colonel sabay tumalikod para balikan sina Andy at Jang-Mi sa SUV.
Sa tabi, gustong matawa ni Lt. Esguerra habang si Corporal Diazon ay nagtataka sa kakapangyari pa lamang, pero nakahinga naman siya nang maluwag.
"Colonel! Colonel!" tawag ng babaeng reporter sa papalayong colonel at gusto pang sundan ito, pero pinigilan nina Lt. Esguerra at Corporal Diazon.
"Okay, let's go," sabi ng tinyente at inescortan sila pabalik ng news van.
"Hindi kami aalis dito hangga't 'di namin nalalaman ang katotohanan! Colonel!" habol pa ng babaeng reporter. "COLONEL!"
Nagsisakayan sina Colonel Laxamana, Andy at Jang-Mi ng SUV, at ito'y umandar paalis.
NEXT CHAPTER: "Ilang Mga Pamamaalam"