Flue's Pov: Huwebes ng umaga, nakahanda na ako para pumasok sa paaralan. Hinihintay ko na lang si Karldrick para sunduin ako. Sa nakalipas na mga araw, tanging si Karldrick na lang ang kasa kasama ko. Nakikita ko naman si Karldren pero hanggang ngayon ay hindi ko pa kayang kausapin siya. Hindi pa rin kasi nawawala sa isip ko lahat ng kanyang ginawa. Kahit pa na sabihin niyang hindi niya sinasadya ang ginawa niya sa akin, hindi pa rin nawawala ang pag-aalinlangan ko sa kanya. Hindi rason ang alak kung bakit niya hindi maalala ang ginawa niya at alam kong dahilan lang niya yun upang pagtakpan ang malademonyo niyang ginawa. " Flue..baba ka na raw at kakain na." Narinig kong boses mula sa labas ng aking kwarto. " Sige kuya..sandali na lang." Sagot ko kay kuya. Muli akong tumingin sa salam

