Dahil sa aftershock na idinulot ng halik ni JC, tulalang nakamatyag lamang ako sa masayang kwentuhan nila ng kaniyang pamilya. “Hindi mo ba nagustuhan ang pagkain, Stella?” malambing na tanong sa’kin ni Tita Jana. “Po? Hindi po.” Bigla akong napaisip sa itinugon ko at nanlalaki ang mga matang tumayo mula sa pagkakaupo. “Ang ibig kong sabihin Tita, masarap po ang pagkain. Masama lang po ang pakiramdam ko at pakiramdam ko’y lalagnatin ako,” malakas kong bulalas sabay yukod sa kanilang harapan upang humingi ng dispensa. “Ganoon ba? O siya magpahinga ka na lang muna sa silid mo at bukas ka na umuwi tutal Sabado naman. Tawagan ko na lang si Ice upang ipaalam ang kalagayan mo,” may pag-aalalang turan ni Tita Jana. “Huwag po, Tita! Baka maghurumintado si Mommy at sugurin ako rito bigla,” ka

