Maraming tao ngayon ang nagkalat dito sa eskwelahan dahil na rin sa gaganaping pagkilala sa natatanging mga mag-aaral. Sa pagsisimula ng programa, kinakailangang naroon ako upang kung sakali man magkaproblema, makatulong agad. Nakita ko si Jordan sa bandang unahang hilera ng mga upuan habang katabi ang kaniyang ina. Napaka-sweet niya talagang bata at ‘di ko man lang makita ang madalas na negatibong komento ng mga guro tungkol sa kaniya. Feeling ko tuloy sila ang bully kay Jordan. Nagsimulang tawagin isa-isa ang mga batang may karangalan. Tumayo ako upang pumwesto sa gilid at alertong ipinaikot ang paningin sa paligid. Nang si Jordan na ang tinatawag ni CJ, humakbang ako palapit sa entablado at tuwang-tuwang pumalakpak habang iba’t ibang medalya naman ang isinuot sa bata. “Akalain

