Simula na ang bakasyon ng mga bata sa eskwelahan kaya pati ako ay bakasyon din. Nakapalumbabang tinitigan ko ang figurine na bigay sa’kin ni Ella. Gusto ko silang ayaing mamasyal kaya lang busy sila sa hospital. Ako lang naman ang maganda ang oras sa trabaho dahil hindi ganoon ka-hectic, unlike sa kanila na pagoda talaga lalo’t may mga pasyenteng ‘di pwedeng pabayaan. Nahagip ng paningin ko ang figurine na binili ko sa mall kasama ang mga laruang troll ni Jamie. Napangiti ako dahil sa naisip na kalokohan. Pupunta ako ng CSR at doon ay ako naman ang mambubwisit lalo na sa mga pinuno ng troll. Madali akong nagpalit ng kasuotan at saka inayos ang sarili. Halos ipaligo ko na rin ang bagong biling pabango nang i-spray ko iyon sa katawan. Nang tumapat sa salamin, sinipat ko munang ma

