“Dito lang ako!” matigas kong turan sa kaniya saka nakipaglabanan ako ng titigan sa kaniyang mga mata. Matagal niya rin akong tinitigan sa mata kasabay nang pagpapakawala ng malalim na buntonghininga. Paninindigan ko ang sinabing hindi aalis at hindi talaga ako aalis dahil gusto kong tapusin ang lumiligalig sa’king isipan. Nagugulo ang isipan ko dahil sa ginagawang paghalik niya sa’kin na wala man lang anumang salitang kalakip. Ano iyon? Kasali lang ba sa mga trip niya? Nakakapagod mag-isip! Pero mas napapagod akong isipin na ang sarili ko ay naliligalig ng isang JC gayong inis na inis ako sa kaniya mula pagkabata pa lamang namin. “JC!” natitilihang sambit ko sabay lagapak ng aking palad sa kaniyang pisngi. Nanlaki ang mga mata ko dulot nang pagkabigla sa’king ginawa. Bakit ko nga

