Maaga akong sinundo ni JC sa bahay kagaya ng kaniyang sinabi. Muntik pa ngang malaglag ang panga ko pagbaba ng hagdan dahil sa kakisigang ibinungad niya sa’kin. Kainis, para akong ewan! Puring-puri ko ang anyo ni JC gayong wala naman espesyal sa kaniya mula pa man noon. Mabuti na lang talaga at nasa rancho sina Mommy at Daddy ngayon dahil nanganak ang mga alaga nilang kabayo. Kung nagkataon kasi ay tiyak na bawal akong sumama kay JC. Si Kuya Raffy naman ay hindi ko alam kung nakauwi pa kagabi. Ayoko namang katukin sa kwarto niya at baka asarin lang ako niyon o ‘di kaya’y sermunan. Pero nagtataka rin ako sa kapatid kong iyon dahil napapadalas na ang uwi ng umaga. Daig pa ang kinakarir ang kumpanya namin para mas mapagyaman ng husto. Wish ko lang! “Nandito na ba lahat ng gamit mo?” t

