Matapos lumapag ang sinasakyan naming chopper sa itaas na bahagi ng hotel, hinatid ako ni JC sa kwartong ookupahin ko. “Heto ang magiging silid mo. Kung may problema, tawagin mo lang ako at nasa katapat na silid ako,” aniya. “Ano palang gagawin natin dito?” nakasimangot kong tanong sa kaniya. “Magpahinga ka muna sandali at mamaya ay bababa rin tayo para kumain. Labas na muna ako.” Humakbang na siya palabas ng silid at naiwanan akong nakatitig sa loob ng silid na ‘to. Akala ko pa naman ay bakasyon ang ipinunta namin. Iyon pala ay lumipat lang ako ng tutulugang silid. Nakalabing umupo ako sa may couch ng bigla kong maalala ang mga gamit kong bitbit ni JC. Marahas akong tumayo mula sa pagkakaupo saka lumabas ng silid. Diniretso ko ang katapat na silid dahil sabi ni JC iyon ang inookup

