Nakita kong pumarada ang sasakyan ni CJ sa may harapang entrada ng CSR. Napangiti ako ng mula sa loob ng kaniyang sasakyan ay may bumabang magandang babae na pamilyar sa’kin ang mukha. Dumiretso sa loob ng gusali ang babae at tila nakalimutan na yata ni CJ na ‘di siya maaring tumambay sa kaniyang kinahihintuan dahil daanan iyon. Sunod-sunod kong pinindot ang busina upang maagaw ang kaniyang pansin, ngunit tila nabingi na yata ang aking kakambal. Lumabas ako ng sasakyan upang puntahan ang sasakyan ng aking kakambal saka mabilis kong binuksan ang pintuan kung saan banda bumaba ang babae. “Anong ginagawa mo rito?” Pasalampak akong umupo sa tabi niya. “Hello, Manong!” Marahas akong lumingon upang makita na nagkakamali lamang ako ng tinig na narinig. Nanlaki ang mga mata ko nang matiyak

