KABADONG-kabado ako nang pumasok kami sa loob ng meeting room. Sinalubong agad ako ng mga mata ng mga pinsan ni Gareth na naghihintay sa amin. Kumpleto sila ngayon na mas nagdagdag lamang sa kabang nararamdaman ko. “Serena!” Napatayo si Briana nang makita ako. Nagulat pa ako sa biglaan niyang pagtawag sa aking sa pangalan ko. Nilapitan agad ako ni Briana at niyakap nang mahigpit. Sa gulat ko, hindi ko kaagad siya nayakap pabalik. “Sorry! Hindi ko inaasahan na setup ni Allister ang misyon mo. Hindi ko talaga alam! And now, you fell into this bad man’s hand—” “Ate, kung sisiraan mo ako, huwag ka na lang magsalita.” Hinigit na ako ni Gareth papalayo sa kapatid. Kita ko ang pag-ismid ni Briana dahil sa inasal ng nakababatang kapatid. “My sister loves to make my life a hellish one. Huwag

