TAMA sina Von at Tomas. Hapon na nang muli akong puntahan ni Gareth. Sa tabi niya ay si Isaiah. May ilan lang naman na sinabi si Gareth sa tauhan niya bago umalis si Isaiah at iwanan kami. Mataman kong tinititigan si Gareth. Naiirirta ako na nasa kamay niya ako ngayon pero mas naiinis ako na sa loob ng halos isa’t kalahating taong nagtatrabaho ako kina Briana, wala akong ideya na nagtatrabaho rin pala ako para sa mafia ng pamilya nila! Well, I can’t blame them. I mean…hindi ko nga alam na Benavidez sila noon. “Kumusta ang pakiramdam mo?” Hinila niya ang isang silya at naupo sa may gilid ng kama ko. “Maayos ako kanina, not until you showed up.” Sarkastiko akong ngumiti sa kanya. Alam ko na napikon siya sa sinabi ko. Kahit hindi niya sabihin o hindi niya ipakita. Sapat na ang pag-igti

