Chapter 1 -Ang Bangungot ni Cherry-
Cherry's POV
"Bitawan ninyo ako!" Malakas kong sigaw habang hawak ako ng tatlong kalalakihan.
"Let go of me! Hindi ako sasama sa inyo. Dad, Mom, help me, please! Sabi nang huwag ninyo akong hawakan!" Pakiusap ko habang takot na takot ako at hindi ko na alam ang aking gagawin. Hindi ako makapaniwala na ipinangbayad-utang ako ng aking mga magulang.
"Ate! Bitawan ninyo ang ate ko!" Galit na sabi ng aking kapatid na si Czarina habang pinagsisipa ang mga lalaking may hawak sa akin.
Iyak ako nang iyak at hindi ko na alam ang aking gagawin. Nakikita kong umiiyak lamang si Mommy at walang magawa dahil si Daddy parati ang nasusunod.
Agad na pinigilan ni Mommy si Czarina at niyakap niya ito nang mahigpit upang mapigilan sa pagwawala.
"Please, ipaalam mo sa iyong boss na magbabayad na ako. My young daughter has never been in a relationship. Tell him I will give him my daughter as payment, but I want an additional five million dollars. If he refuses to accept my offer, I will sell my daughter to a syndicate to cover the amount I owe him." Sabi ng aking ama.
Hindi ako makapaniwala sa aking naririnig. Akala ko ay mahal nila ako kahit hindi nila ako tunay na anak. Isa akong anak ng katulong nila nuon. Namatay sa panganganak ang aking ina kaya inampon nila ako. Hindi nila inilihim sa akin ang totoo, pero minahal nila ako katulad ng pagmamahal nila sa tunay nilang anak na si Czarina. Pero ngayon, nandito kami sa isang hotel and casino sa Las Vegas at ipinangbabayad-utang ako ng aking ama sa lalaking hindi ko kilala.
"How could you do this to me, Dad?!"
Hindi niya ako tinitingnan. Hindi niya magawang tumingin sa akin dahil sa kawalanghiyaang ginagawa niya sa akin.
"Sabi ko, bitawan mo ako!" Muli kong sigaw. Buong lakas akong nagpumiglas mula sa pagkakahawak sa akin ng dalawang lalaki, pero wala akong magawa. Nanghihina ako at nanlalambot ang aking mga tuhod.
"Wala ka nang magagawa, Miss. Ipinangbabayad-utang ka na ng iyong ama. Hinihintay lang namin ang tawag ng aming amo para malaman namin kung pasado ka ba sa taste niya." Sabi ng isang Pinoy na lalaki.
Takot na takot ako at hindi ko alam kung ano ang aking gagawin. Bakit nangyayari sa akin ito? Akala ko kaya kami nagpunta dito sa Las Vegas ay para magbakasyon, pero hindi ko inaasahan na ipangbabayad-utang pala ako ng aking ama sa isang lalaking hindi ko kilala.
"Nandiyan na pala si Boss, salubungin ninyo." Wika ng mga empleyado dito sa loob ng casino hotel.
Napatingin ako sa isang matandang papasok sa loob ng hotel. Malaki ang tiyan nito at nakatingin sa aking ama. Pagkatapos ay ibinaling nito sa akin ang paningin kaya lalo akong kinilabutan. Muli itong tumingin sa aking ama at ngumiti. Sinalubong din siya ng mga empleyado ng casino kaya lalo akong nanghilakbot sa matinding takot.
"Oh God! Bitawan mo sabi ako!" Sigaw ko habang nagpupumiglas, pero sa halip na pakawalan ay inilabas nila ako ng hotel casino kasunod ang aking mga magulang at kapatid na walang patid sa pag-iyak.
Nagwala na ako nang nagwala dahil sigurado na ako kung kanino ako ipangbabayad ng aking mga magulang. Hindi ako papayag. Ayokong mapunta sa matandang 'yon.
"You promised me, Dad, that you would love me like your own child, katulad ng kung paano ninyo mahalin si Czarina, but why did you do this to me? Bakit ako ang kailangang magbayad ng mga pagkakautang ninyo? Paano naman ang buhay ko, Dad? Ang karapatan ko?" Galit na galit na sabi ko sa aking ama dahil hindi ko na kinakaya ang kirot na nararamdaman ng puso ko at ang takot na bumabalot sa buo kong pagkatao sa tuwing naaalala ko ang tingin sa akin ng matandang 'yon.
My heart feels like it's going to burst from the betrayal of my family. Alam ko namang hindi nila ako tunay na anak, pero bakit kailangang dumating sa punto na ipangbabayad nila ako sa kanilang pagkakautang?
"Wala na akong alam na ibang paraan, anak. Forgive us, Cherry, but this is the only way to save Czarina. I'm sorry kung dito na magwawakas ang lahat. I'm sorry, Cherry. Mahal na mahal ka pa rin namin, anak, pero sana ay mapatawad mo kami. Kailangan namin ng pera upang mabayaran ko ang mga pinagkakautangan ko. Ipangbabayad-utang kita at humihingi din ako ng kapalit na halagang limang milyong dolyares para mabayaran din namin ang pagkakautang namin sa sindikato at hindi na mapahamak ang iyong kapatid." Sagot ng aking ama.
"No. Mom, please. I'm begging you. Bakit kailangang mangyari ang lahat ng ito? Please don't do this." Pakiusap ko, pero para silang nagbibingi-bingihan sa bawat pakiusap ko sa kanila.
"I'm sorry, anak. Kung may iba lamang paraan sana ay ginawa na namin. Pangako, babalikan ka namin. Babayaran namin ang utang namin sa kaniya at babawiin ka namin ng iyong ama." Sabi ng aking ina na panay ang pagluha.
"Ayoko! Please, ayoko. Mom, ayoko ng ganito. Sabihin ninyo sa akin na nagbibiro lamang kayo."
Bago pa man makasagot ang aking ina ay tunog ng telepono ang nagpalingon sa aking ama. Ang isa sa mga lalaking may hawak sa akin ay sinagot ang telepono habang pilit pa rin akong nagwawala. Gagawin ko ang lahat, makikiusap ako nang makikiusap, huwag lamang itong matuloy. Alam ko na kahit hindi sila ang tunay kong mga magulang ay minahal nila ako katulad ng pagmamahal nila kay Czarina. Gagamitin ko ang pagmamahal nilang 'yon sa akin upang makaalis ako sa sitwasyong ito.
"Okay, Boss." Sabi ng lalaking may kausap at pagkatapos ay tumayo ito sa harapan ko at kinuhanan ako ng larawan.
"Gusto lang makita ng boss ko nang malapitan ang mukha mo kaya pinakuhanan ka ng larawan." Sabi pa niya kaya muli akong nagwala. Kung gayon ay ang matanda ngang 'yon ang taong pinagkakautangan ng aking ama.
Makalipas ang ilang sandali... muling nagsalita ang lalaking kumuha ng picture sa akin.
"Okay, tinatanggap ng boss ko na maging pambayad-utang ang inyong anak at babayaran din daw niya kayo ng ten million dollars, pero sa isang kondisyon."
Sigaw ako nang sigaw dahil ayokong mangyari ito sa akin.
"Anong kondisyon ang hinihingi ng iyong amo?" Tanong ng aking ama.
"Lalayuan na ninyo ang babaeng ito. Hindi na kayo magpapakita pa sa kaniya kung ayaw ninyong mapahamak kayo. Sa oras na pirmahan mo ang kontrata ay mawawalan na kayo ng kahit na anong karapatan sa kaniya. Simula sa araw na ito ay pag-aari na siya ng aming boss. Payag ba kayo? Dodoblehin niya ang limang milyon na hinihingi mong kapalit. Sampung milyong dolyares ang mapapasakamay mo."
Nagulat ako sa sinabi ng lalaking 'yon.
"Isa pa, pakakasalan ng boss ko ang inyong anak at singko man ay wala kayong makukuha sa kanila. Magiging asawa na siya ng aming amo sa ayaw at sa gusto ng anak ninyo, maliwanag ba?" Dagdag na sabi pa ng lalaki kaya mas matinding takot ngayon ang nararamdaman ko. Ayokong maging asawa ang matandang 'yon.
"Deal." Walang pag-aalinlangang sagot ng aking ama na hindi man lang magawang tumingin sa akin.
Ang aking ina ay tuluyan nang humagulgol habang nakatingin sa akin. Nararamdaman kong hindi niya gusto ang mga nangyayari pero wala din siyang magawa dahil ang salita ni Daddy ang batas sa pamilya namin.
"Help! Help me!" Malakas kong sigaw kaya bigla akong ipinasok ng isang lalaki sa loob ng sasakyang nakaparada sa harapan namin.
"Shut up o may mangyayari sa kanila!" Sabi ng lalaki kaya nakaramdam ako ng takot para sa pamilya ko.
Bigla akong natahimik at nakatingin lamang kay Czarina na iyak nang iyak habang tinatawag ang pangalan ko. Gusto kong lumabas ng sasakyan pero hinaharangan nila ako. Bukas ang bintana kaya rinig na rinig ko ang iyak ni Mommy at ni Czarina.
"Ate, tara na, umuwi na tayo." Malakas niyang sabi sa akin kaya mas lalo akong napahagulgol.
Gusto kong yakapin ang kapatid ko pero wala akong magawa. Galit na galit ako sa mga magulang ko ngayon dahil magkakahiwalay na kami ng kapatid ko dahil sa kanila. Mahal na mahal ko si Czarina. Sobrang pagmamahal ang ibinubuhos ko sa kaniya, pero dahil sa mga magulang namin ay magkakahiwalay na kami at hindi ko alam kung hanggang kailan.
"Ate, please, umuwi na tayo." Nakikiusap na sabi ng aking kapatid, pero wala akong magawa dahil binabantayan na ako ng mga tauhan ng matandang 'yon. Takot na takot na ako at hindi ko na alam kung ano pa ang aking gagawin.
Isang may katandaang lalaki ang lumabas sa entrance ng hotel. May dala itong itim na folder at huminto sa harapan ng aking ama. Sa tingin ko ay isa itong abogado kaya lalo akong nakaramdam ng takot. Hindi lamang ako ipinangbayad-utang ng aking ama, ibinenta niya rin ako sa lalaking 'yon. Sa lalaking mas matanda pa sa aking ama.
"Please sign this." Sabi ng lalaking nagpakilalang abogado raw.
Gusto kong magwala at tumakas pero hindi ko alam kung paano. Tumaas ang bintana ng sasakyan kaya nagsimula na akong magwala at sumigaw nang sumigaw, ngunit wala nang nakakarinig sa akin. Maging ang mga tao sa labas ay hindi ko na naririnig, pati ang mga sasakyang nagdaraan sa kalsada ay hindi ko na rin marinig.
Umiyak na lamang ako nang umiyak. Wala na akong magawa, lalo na nang makita kong inabutan ng abogado ng tseke ang aking ama. Napatingin pa dito sa sasakyan ang aking mga magulang at nakikita ko sa mga mata nila ang matinding kalungkutan. Bakit nila ginawa ito sa akin? Ano ba ang naging kasalanan ko sa kanila para ibenta nila ako sa lalaking 'yon?
Tumalikod ang aking mga magulang habang nagwawala ang aking kapatid at nagpupumilit na makalapit sa akin.
"Please po, nakikiusap ako sa inyo, kahit isang yakap lang sa kapatid ko bago man lang kami magkahiwalay. Please, nakikiusap ako." Umiiyak kong pakiusap sa kanila.
Nagkatinginan ang mga lalaking nandito sa loob ng sasakyan. Pagkatapos ay binuksan ng driver ang pintuan at tinawag ang pamilya ko.
"Yayakapin daw niya ang kaniyang kapatid." Wika ng lalaki kaya mas lumakas ang pag-iyak ko nang marinig ko ang tinuran niya.
"Sa oras na gumawa ka ng gulo, mapapahamak ang pamilya mo." Wika ng lalaki kaya tango lamang ako nang tango at pinunasan ko pa ang mga luhang patuloy na dumadaloy mula sa aking mga mata.
Pinagbuksan ako ng pintuan ng isang lalaki at pagkatapos ay pinalibutan nila ako. Tinawag nila si Czarina upang makalapit sa akin at agad kaming nagyakap nang mahigpit. 'Yung parang ayoko na siyang bitawan pa.
"Ate, pangako ko sa'yo, hahanapin kita at ibabalik kita sa piling namin. Hahanapin kita, Ate, kaya hintayin mo ako dahil ililigtas kita sa kanila." Mahinang sabi ng kapatid ko habang mahigpit niya akong yakap at umiiyak.
"Alagaan mo si Mommy, ha. Alam mo namang sakitin ang ating ina. Lagi pa siyang hindi nakakatulog. Si Daddy, huwag mo din pababayaan, ha. Alam mo naman 'yan kapag may malalim na iniisip, laging naglalasing. Bawalan mong uminom, ha." Bilin ko sa kaniya. Iyon na lamang ang tanging magagawa ko.
Pagkatapos naming magyakap ay sapilitan na nila akong ibinalik sa loob ng sasakyan. Iyak lamang ako nang iyak. Parang sasabog ang puso ko habang nakikita ko ang aking kapatid na nagwawala habang papalayo na kami sa kinaroroonan niya.
"Maghanda ka, dadalhin ka namin sa mansyon ng aming amo. Umayos ka at huwag kang magwawala duon dahil hindi namin sasantuhin ang pamilya mo. Nagkakaintindihan ba tayo?" Sabi ng isang gwapong lalaki na matikas. Naka-suit ito na kulay itim at sa tingin ko ay hindi ito pangkaraniwang tao.
Mayamaya ay isa pang gwapong lalaki ang pumasok sa loob ng sasakyan at tumabi sa lalaking naka-suit. Mas gwapo ito, pero nakakatakot ang matalim na tingin niya sa akin nang lumingon siya. Parang hindi ito marunong ngumiti kaya nakaramdam ako ng takot.
"Boss Zach, Boss Raniel, diretso na ba tayo sa mansyon?" Tanong ng lalaking pumipigil sa pagwawala ko.
"Oo. Nasaan ba si Kricel? Huwag mong sabihin sa akin na hanggang ngayon ay tinuturuan pa rin niya ang Joy na 'yon?" Sabi ng lalaking tinawag na Boss Zach.
Mukha naman itong mabait kaysa sa lalaking katabi niya. Kapag siguro pinakiusapan ko ito ay pakakawalan nila ako. Bahala na, kailangan kong lakasan ang aking loob.
"Kuyang pogi, tulungan mo po ako. Ibalik na ninyo ako sa pamilya ko." Pakiusap ko kaya nilingon niya ako.
Natawa siya nang mahina at sa halip na pakinggan ako ay inutusan lang nito ang driver na paandarin na ang sasakyan.
"Wala ka nang magagawa pa. Hindi ka lang ipinangbayad-utang ng iyong mga magulang sa amo namin, ibinenta ka pa sa halagang sampung milyong dolyares." Sagot ng isa na tinawag na Boss Raniel.
"Please! Tulong! Tulungan ninyo ako!" Malakas kong sigaw habang nagwawala na ako at pilit na binubuksan ang pintuan ng sasakyan.
Nagsimulang umandar ang sasakyan at tuluyan nang binalot ng takot ang buo kong pagkatao. Unti-unting nanlabo ang aking paningin hanggang sa tuluyan akong nawalan ng ulirat at nilamon ng kadiliman.