Makati Medical Center
“You need to undergo an MRI and a CT scan. Nakaraan ko pa ina-advice sa iyo ang mga iyon pero hindi mo pa rin ginagawa.”
That was Dr. Alfred Gascon talking, his friend and a famous neuro-surgeon. Nagsasalita ito habang may sinusulat sa medical record niya na nakalapag sa mesa nito. Tinitignan pa siya nito paminsan-minsan habang patuloy na nagsusulat. Mistulang ino-obserbahan ang itsura niya.
“You cannot depend on painkillers, Neo. Matagal mo na nararamdaman ang palaging pagsakit ng ulo, hindi na normal iyan. Sabi mo pa ay hindi na tumatagal ang epekto ng mga painkillers na iniinom mo. Obviously ay may sakit ka na dapat natin mahanap at hindi kita pwedeng resetahan ng iba pang gamot para sa migraine dahil hindi naman migraine lang ang sakit mo sa tingin ko.”
“Please, Fred. I will have those test that you were telling me to do once na okay na ang kasong hawak ko ngayon.”
Alfred tsked at naiiling na nakatingin lang sa kaniya. Kung ibang doktor siguro ito ay matagal na siyang ipinasa sa iba sa katigasan ng ulo niya.
“What if may mangyari ng hindi maganda sa iyo bago mo matapos ang kaso.”
“Sinisigurado kung wala. Kailangan ko mahanap si Mandy at mahuli si Nemesis kaya siguradong wala mangyayari sa akin na hindi maganda. I am healthy, I don’t feel any bad aside from the headache na nakakapanira ng concentration ko sa trabaho.”
“I truly understand na gusto mo na mahanap si Mandy pero hindi mo naman pwedeng pabayaan ang sarili mo. Maybe you look tough outside but we don’t know what is happening inside your body, inside your brain particularly. Kung talaga bang healthy ka pa ay hindi natin masisiguro base lang sa pakikinig sa pulso mo. Kahit blood test ay ayaw mo gawin. What should I do with you?”
“Migraine at stress lang ito.”
“How could you tell? Kung dumaan ka na sa mga tests at nakita natin na wala ka naman palang internal problem ay siguro nga dahil lang sa stress or migraine pero hindi mo ba naiisip na pwedeng terminal ang sakit mo?”
“What do you mean? Cancer?”
“I did not say anything. Sabi ko nga ay kailangan muna natin makasiguro. Gawin mo na kasi ang pinapagawa ko sa iyo na MRI at CT scan. Kahit CT scan na lang muna para magka-ideya man lang tayo kung bakit palala ng palala pananakit ng ulo mo.”
HIndi siya umimik. Nag-iisip. Pwede naman na talaga siya magpa-test. Ayaw niya lang muna dahil ayaw niya mapigilan siya ng kung ano mang sakit niya sa paghahanap kay Nemesis at Mandy.
“Do you want me to schedule you now for those tests?’
“No. Not now. I need to report to the office. Mamaya ay may meeting kami kasama ang director namin at sigurado aalamin no’n ang update tungkol kay Nemesis.”
Alfred sighed. Napailing. “Just give a time for your health, Neo. Kung hindi ka pwede ngayon ay kailangan mo gawaan ng paraan para makapa-tests ka bukas o kung hindi man ay basta as soon as possible. The sooner the better.”
“I will undergo those tests basta okay na at nahanap ko na si Mandy. I will have that CT scan and the M… M… MR…” he groaned in despair dahil nakalimutan ang isa pang test na kailangan niya pagdaanan.
“MRI. Magnetic Resonance Imaging.”
“Whatever! That Magnetic something and the CT scan, I would do that as I say. Just let me have another painkiller for the meantime. Kaya ko pa naman.”
“Alam ba ni Mandy na matagal ka nang nagpapakonsulta sa akin? Did you tell her na ilang taon ka na rin pabalik-balik sa akin?”
He went still for a while. Umiling bilang sagot sa tanong nito. Hindi niya kailanman sinabi kay Mandy na may nararamdaman siyang palaging pagsakit sa ulo. Isinekreto niya iyon. Ayaw niya mag-alala ito. Mandy is a doctor too and she will demand him for some tests too kaya hindi niya kailanman sinabi rito ang nararamdaman. He secretly asked for Alfred’s help and medical advice since the start he felt there was something wrong with him.
“You really need to undergo those tests, Neo. Mas maaga natin malalaman ang sakit mo ay mas madaling agapan.”
“If it’s really a cancer ay wala na rin ako planong agapan pa. I just need to find Mandy para masiguro ko na maiiwan ko sa kaniya ang lahat ng mayroon ako. She’s all that matters to me now.”
******
Somewhere in NCR…
Nagising siya na wala na ang katabi. Naiwan na naman siyang mag-isa at siguradong ilang araw na naman itong mawawala. Kadalasan ay nawawala ito ng isa o dalawang-araw. Kadalasan ay dumarating ito ng gabing-gabi na at magdamag silang magpapakasasa sa katawan ng bawat isa.
Alam naman niyang marami itong pinagkakaabalahan at maraming trabaho na iniintindi kaya inuunawa na lang niya ito. Ang importante ay lagi itong bumabawi sa kaniya hindi kagaya ng karanasan niya noon.
Naalala niya ang trabaho na bigla niyang iniwan dahil mas pinili niya ang sumama rito at magtago. Hinahanap kaya siya ng mga katrabaho? Ng mga kaibigan? Ng mga magulang?
She closed her eyes as guilt blinded her. Mauunawaan naman siguro siya ng lahat kung bakit niya nagawa ang umalis ng biglaan kasama ng mahal niya. They will truly understand her, sabi nga ng mahal niya ay ito na ang bahala at gumagawa ito ng paraan para hindi mag-alala ang mga taong mahal niya. He said he was the one who would do the explaining.
Nagtataka man siya kung paano nito nagagawa makipag-usap sa mga magulang niya ay hindi na lamang siya nagtanong pa. Ang importante ay nasabi na nito sa mga tao na concern sa kaniya na okay lang siya. Ayaw niya rin mag-alala ang mga ito sa biglaan niyang paglayo kahit pansamantala lang.
She relaxed herself at naisip kung ano na ang pinagkakaabalahan nii Neo ngayong hindi na siya kasama nito. Is he still looking for Nemesis? Sana ay hindi na… sana ay kalimutan na nito ang obsession na hanapin si Nemesis para maging masaya na sila. Para sa kapanatagan na rin nilang lahat. Sana ay bitawan na nito ang kaso, magaling naman itong agent, hindi na madudungisan ang pangalan nito kung ipapasa na sa iba ang kasong hawak.
And Neo… sayang lang talaga at… oh...
She immediately dismissed what she wanted to think about him. Wala na siya dapat isipin pa na negatibo. Everything will be fine for sure. She just needs to trust him and his plan.
******
NBI Office, Manila
“How’s your weekend?” Tyrone asked him as he entered his office.
Nilingon niya ito na hindi niya napansin na sumusunod pala sa kaniya. “As usual, nag-stay sa bahay while watching the CCTV footage ng paulit-ulit and reviewing again and again the theories I made about Nemesis,” he said.
Actually ay gusto niya rin ikwento rito ang madalas niyang napapanaginipan after nila napanood ang video record na ipinadala ni Nemesis. Gusto niya sabihin sa kaibigan na naapektuhan na siya at kahit sa pagtulog ay sinusundan siya at ayaw siya pagbigyan makapag-pahinga ng isip. He was truly stressed out.
In his dreams ay lagi niya nakikita si Mandy sa panaginip na may kasamang iba. Na lagi siyang nagigising pagkatapos siya saksakin ni Mandy ng kutsilyo sa dibdib. His dreams are repetitive, walang ibang version at puro paulit-ulit ang ending.
He knew that there is something wrong in his mental health, mukhang kailangan na niya ng psychologist o psychiatrist, but he couldn’t go for some professional’s advice lalo na at nagdududa pa rin siya na may malala na siyang sakit sa utak, na baka may brain cancer siya katulad ng ikinamatay ng mama niya. Alam niya na hindi na kinakaya ng painkillers ang madalasang pagsakit ng ulo niya at dahil doon ay kumbinsido na siya sa kung anong sakit ang meron siya at baka hindi na siya magtagal.
He really wanted to have some professional advice regarding his dreams. Ang tanging pumipigil lang sa kaniya para pumunta sa psychologist o psychiatrist ay ang sakit niya na iniisip. Ayaw niya na mahalungkat ang record niya na may iba pa siyang sakit. It should be a secret just between him and Alfred.
“Neo…”
Sabay silang napalingon ni Tyrone sa tumawag sa pangalan niya. They saw Hanz na may dala-dalang parcel. Napapikit siya sa naisip na tulad na naman ito ng nakaraan niyang natanggap. Agad ibinaba ni Hanz ang dalang parcel sa mesa niya at agad na itong tumalikod para bumalik sa pwesto nito.
He looked for the name of the sender. Amy Nem. Same name at may hinala na siya sa kung ano man ang laman ng package. He opened the package and they saw a box full of confettis. Tama ang hinala niya. He smirked in the style of Nemesis mysterious packages.
Agad niyang hinanap ang kung ano man na ipinadala ni Nemesis ngayon sa kaniya. Nakita naman niya ang isang telang wari ay ginawang wrapper. Nakatali pa ito gamit ang isang rubberband. He cut the rubberband and found the SD card inside the cloth. Ang pagkakaiba lang ay hindi nakadikit ang SD card ngayon sa box. It was individually wrapped with a cloth na may mga sira sa bawat gilid.
Familiarity of the cloth made him think kung saan niya nakita dati ang katulad ng tela na iyon. That thought made him grimace as he felt the pain inside his head starting again.
“Are you sick?” tanong ni Tyrone sa kaniya. Napansin pala nito ang pag-ngiwi niya dahil sa naramdamang sakit.
“Just a sudden pain in my head.” Ibinalik niya ang tela sa loob ng karton at kinuha ang SD card.
He called Rodel at inutos na i-review ang bagong padala na SD card. Agad naman itong tumalima.
“I was calling you yesterday pero hindi mo sinasagot.”
“Nakatulog ako ng tuloy-tuloy. Nakita ko nga na may mga missed calls. Hindi ka na rin tumawag ulit but I’d called you last night pero nakapatay yata ang phone mo at recorded voice lang ng operator ang naririnig ko.”
“Nagda-drive siguro ako that time at baka nakadaan ako sa walang signal. Pumunta ako sa Batangas kagabi eh.”
Neo just nodded. Alam niyang taga-Batangas ang girlfriend nito. Siguradong nagpalipas iyon ng weekend kasama ang kasintahan. With that thought ay muli niya naalala kung paano niya binalewala si Mandy. He felt guilty once more.
To remove some bad vibes in his head ay hinanap na lang niya ang mga naunang printed files na may kinalaman sa kaso ni Nemesis. Nakita naman niya ang mga files at muling ni-review hanggang sa madaanan niya ang tattoo symbol na nilalagay ni Nemesis sa mga biktima.
Napapikit siya dahil may pilit inaalala. Iniisip niya kung pareho ba ang itsura ang tattoo symbol na gamit ni Nemesis sa tattoo ng lalaki na nakikita niyang kaulayaw ni Mandy sa paulit-ulit niyang panaginip. The tattoo image in his dream was blurry but he think na may pagkakapareho nga sa symbolic tattoo na gamit ni Nemesis.
Kunot-noo siyang nakatingin sa tattoo symbol nang pumasok si Rodel sa opisina niya at may sinabi...
“Neo, you need to see the videos on the SD card you gave me… Nemesis trying to show something.”