Chapter 6 (Find)

1828 คำ
Cavite Naglalakad si Neo mula sa parking area kung saan nila iniwan ng kasama ang kotseng sinakyan patungo roon. Kasunod niya si Tyrone. Ang sadya nila ay ang isang branch ng sikat na courier sa dakong iyon ng Cavite . He was informed na doon nagpadala ang sender ng package na natanggap niya. Agad naman silang sinalubong ni Hanz na nauna na sa kanila, kasama nito ang manager ng establisyemento na naghihintay sa kanila. “Agent Neo Ramirez of NBI,” pakilala niya sa sarili sa manager ng courier. “This is PNP Inspector Tyrone Villamor, he is working on the case with us.” Tumango naman ang manager ng courier establishment. Magalang silang pinatuloy nito hanggang sa may opisina. Inalok muna silang maupo nito at pinag-usapan na nila ang pagiging confidential ng kasong hawak. Agad naman nitong ibinigay sa kaniya ang SD card ng CCTV. He inserted it sa laptop na dala-dala ni Hanz at agad nilang kinopya ang recordings. Umalis na rin sila agad sa establisyemento nang makuha na ang lahat ng impormasyon na kailangan. Nagda-drive na si Tyrone at pabalik na sila sa opisina when his friend asked him a question na kahit siya ay ilang beses na rin niya naitanong sa sarili. “What would you do if we didn't find Mandy?” “We will find her alive,” sabi niya. Hindi na rin muling nagsalita pa si Tyrone hanggang sa makarating sila sa opisina. He immediately called Rodel and the other people who worked for the case of Nemesis at sinimulan na ang pag-play ng CCTV footage. They concentrate on watching the video record. Mahaba na ang napapanood nila ay wala pa rin ang hinihintay nilang tao na kahina-hinala. Neo felt the sudden pain in his head. Inabot niya ang isang upuan at naupo na muna. Napapadalas na ang pagsakit ng ulo niya at kailangan niya na talaga magpatingin sa doktor. Hinanap niya ang lagayan ng gamot para sa sakit sa ulo at ibinuhos ang ilang tableta at sabay-sabay na isinubo. Napansin naman siya ni Tyrone at nangunot ang noo nito habang nakatingin sa kaniya. “Baka ma-overdose ka na sa ginagawa mo… ano ba ‘yang gamot na iniinom mo?” “Painkillers. Masakit ang ulo ko at inaantok ako sa sakit kaya mabuting mawala muna para makapagtrabaho ako ng maayos,” he said. Bumalik naman siya sa pagkakatayo at muling nakinood sa video na pini-play mula sa CCTV. Binabalewala ang mga tingin ni Tyrone sa kaniya na puno ng pag-aalala. Hindi na niya dapat ipaalam pa kay Tyrone ang sakit niya, siguradong mag-aalala lang ito. He just need to find Mandy at tapusin ang ginagawa ni Nemesis bago niya bibigyan ng atensyon ang kalagayan. He sighed. Ayaw niya na nag-aalala ang mga tao sa kaniya kaya tama lang na wala siyang pagsasabihan na nahihirapan na rin siya. Sa tuwing sinusumpong ang matinding sakit sa ulo niya ay mas gugustuhin niya pang matulog. Natatakot na rin siya para sa sarili. Kahit ang doktor na tumitingin sa kaniya ay hindi niya sinasabihan ng totoo kung gaano kasakit lagi ang ulo niya. Natatakot siya na sabihin nito na may malala pala siyang sakit. Hindi muna. Hindi na muna niya iisipin ang sarili kung hindi si Mandy at ang maraming tao na pwede pang damayin ni Nemesis sa kabaliwan nito. He need to make Mandy safe first para kahit mawala siya ay sigurado naman siyang magiging ligtas naman ito at masaya sa piling ng mga magulang at mga kaibigan. Hindi na bale kahit mawala siya sa buhay nito basta maging maayos ito. “What would you do if we didn't find Mandy?” Muling pumasok sa isip ang tanong ni Tyrone sa kaniya kanina. What if? What if nga ba? What if kung wala na palang Mandy silang mahahanap? What if tuluyan na itong nabiktima si Nemesis katulad ng iba? Ipinilig niya ang ulo dahil sa negatibong mga tanong na naisip. Hindi siya dapat nag-iisip ng negatibo. May pag-asa pa na buhay si Mandy kung babasehan niya ang tawag na natanggap ng mga magulang ng dalaga. Napapikit naman siya bigla dahil muli naman niyang naramdaman ang tila bakal sa loob ng ulo niya na nagpapabigat ng pakiramdama niya. Naapektuhan na naman ang utak niya dahil sa pagpilig ng ulo na ginawa niya. He grimaced because of the pain he felt. Damn… He surely needed another painkiller. Mukhang hindi na siya tinatablan ng painkiller na unang inireseta sa kaniya. There is really something wrong inside his head and he must need to know it soon. How I wish I could find you sooner, Mandy… Bigla naman pumasok sa isip ang naging pag-uusap nila ng mga magulang ni Mandy kahapon sa opisina. They were convinced na boses ni Mandy ang narinig nila. If they were convinced na si Mandy iyon ay dapat maging panatag na siya kahit paano. But he felt the pain knowing that Mandy could be happy without him, that Mandy could be with someone else, that Mandy found another one that is better than him... He needs to hear the record of the call that Mandy’s parents are talking about. He already called National Telecommunications Commission or NTC and asked for its help pero hindi pa nabibigay sa kanila ang nire-request hangga’t wala silang court order. He already appeal for the court order at hinihintay na lang nila ang kopya mula sa korte para maibigay sa NTC. At habang hinihintay nila ang ebidensya mula sa NTC ay naiinip na siya. Inip na inip na siya dahil alam niya na habang tumatakbo ang oras ay lalong napapaikli ang tsansa na mailigtas niya si Mandy. “Baka gusto mo pala pumasyal muna sa bahay. Catherine wants to talk to you.” Tyrone said that. Nabigla pa siya sa sinabi nito. Matagal niya itong tinitigan at pilit na inintindi ang sinabi bago siya sumagot. “Gawa ka na lang muna ng dahilan kay Catherine. Hindi ko siya kayang harapin hangga’t hindi ko naibabalik si Mandy.” “Stop being cynical, Neo. we cannot undo the past.” “But I cannot face Catherine until I find her best friend.” ****** Two years ago… “Where are we going?” nakangiting tanong ni Mandy kay Neo. Biglang dumating si Neo para sunduin siya. Kakatapos lang naman ng rounds niya sa mga pasyente kaya sumama na rin siya rito. “If I tell you ay hindi ka na maso-sorpresa,” he said to her lovingly. “Parang kinakabahan ako sa mga pa-surprise mo eh.” “Don’t be! You know me. You know how much I love you and all I wanna do is to make you happy.” “I know... and that is why I love you so much.” They didn’t talk after that and she didn’t ask Neo any more questions. Neo kept on driving until nakarating sila sa tapat ng bagong gawa na condominium units sa Mandaluyong. Naguguluhan man ay sumunod pa rin siya rito. They went to the 30th floor at sa dulong bahagi sa may northern part ng condominium tower na iyon ay ibinigay sa kaniya ni Neo ang susi. “What is this?” “It’s a key for…” “I know it is a key but what is this for?” “Just look inside…” Napairap siya rito at ginamit ang susi pambukas ng pinto ng unit. The unit was beautiful at may dalawang kwarto. Bagay na bagay para sa mga nagsisimulang magpamilya. “Teka! Am I thinking it right?” “Right depends on your thinking…” “Para sa atin ba ito o baka naman gusto mo na maging ahente ng ng real estate instead an NBI agent?” natatawa nitong sabi, as she tried to make a humor out of a serious and obvious situation. “Pwede naman at least agent pa rin ako kung sakali,” natatawa niya ring sagot. “Why wasn't I informed about this?” “Surprise ko nga ‘di ba?” “But…” “I want you to live with me.” “Neo…” “I won’t do anything that you are not ready to do. I just want us to live in one house, on one roof. Gusto ko na lagi kitang kasama.” “I really wanted that too pero mas okay siguro kung… kung maikasal na muna tayo.” Hindi naman siya nagsalita na muna at tumatango na muling tinitigan ang kasintahan. Tama naman ito, kailangan na nila maikasal. They are both ready to get married and to start a family but if Mandy is still hesitant on that then he’s willing to wait. “If that is what you like, ay wala naman problema, as I always say, I could wait.” Mandy smiled sweetly. She bit her lip and a small playful smile formed in her lips that means she was just testing him. He knew her gesture, palagi itong ganoon kapag may kalokohan naiisip o pinagtitripan siya. Then she said... “But come to think of it, I am already of legal age and there are two rooms here. Alright, kailan tayo lilipat dito?” ****** Malungkot niyang ibinagsak ang katawan sa malapad na kama. He holds the pillow na laging gamit ni Mandy. Mahigpit na niyakap iyon. He needs to sleep at masakit na masakit na ang ulo niya. He was thinking about Mandy at nakatulugan na niya alalahanin ang nakaraan na kasama ito. Then he dreamed of her, she was happy in his dreams. She was laughing and she seemed to be taunting him. He saw her with another man. Hindi niya nakita ang mukha ng lalaki but there was a tattoo on the man’s back. The man was naked and instantly, Mandy in his dreams became naked and having wild s*x with the man. He felt the pain of being betrayed. He screamed and threatened them. He went to them and he pulled the man palayo kay Mandy. He saw him and he was faceless. He beat him in his dreams and Mandy hugged him. He thought Mandy hugged him so she could stop him from beating the man but then she stabbed him with a knife,directly in his heart. Doon siya nagising and he felt really bad. Bumangon siya at kumuha ng tubig at agad na ininom. Pilit na inaalala ang buong panaginip. Kahit sa pagtulog ay hindi na siya mapayapa. Napabuntong-hininga siya. Muling binalikan ang natuklasan sa CCTV footage na pinanood kanina. There was a man that entered the establishment in the afternoon. The man was tall but he was wearing a hooded jacket na katulad nang nakita nilang suot ng kumuha kay Mandy. They were convinced na iyon ang nagpadala ng package sa kaniya. That man and Nemesis is one. Kung saan nito dinala si Mandy ay ito lang ang nakakaalam. Kailangan na niya mahuli ang taong iyon para mabawi na niya ang babaeng minamahal niya. “Just wait for me, Mandy…”
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม