LUMIKHA NG LAGUSAN si Wave pabalik sa Pilipinas 1970 kung saan dadalhin nila si Geoban at bibigyan nito ng hustisya ang pagkamatay ni Asula. Kahit wala pa si Asula sa kasalukuyan ay nasisiyahan siya dahil kahit papaano'y mabibigyan na rin ng hustisya ang pagkamatay niya. Hindi lang dahil sa maililigtas ang kaluluwa kundi ay maiiwasan na rin niya ang paggawa ng kasalanan.
Pinakiusapan niya sina Apolo at Wave na kapag matapos nilang pumunta sa presento ay gusto niya munang dumaan ng simbahan. Gusto niyang magkumpisal at humingi ng kapatawaran sa Diyos.
Hindi niya ito ginagawa para sa misyon nila Wave at Apolo at sa kaligtasan ng kaluluwa niya sa impyerno. Kundi bukal sa kaniyang kalooban na magbabagong buhay na siya at hindi na muling babalik sa kasalanang nagawa niya.
Masinsinan nilang nakausap si Geoban. Napatawad niya ito. . . nadala lang ito ng takot kung kaya't hindi nito nagawang maging saksi sa krimeng nangyari sa kaniya.
Isa pa gusto niyang makita ang boss Marco kung buhay pa nga ba ito o kung patay na. Hiling niya na sana'y buhay pa ito upang mapagbayaran nito ang kasalanang nagawa sa kaniya at isa pa ay ang maka-usap niya ito sa huling sandali.
Agad silang nakarating sa presento nang makapasok na sila sa lagusang likha ni Wave. Ang ilang mga kapulisan ay nagulat sa biglaan nilang pagdating. Ang ilan pa ay hindi makakilos habang nakatitig sa kanila. At ang iba'y nahimasmasan at nagpanggap na parang walang nangyari.
Lumapit agad si Geoban sa isang pulis na nakatoka sa information desk. Mukhang ang pulis na ito ang nangunhuna sa lahat.
“Tungkol sa kaso ni Asula Cerulean. . . noong taong 1930.”
Kumunot ang noo ng pulis si SPO2 Ferdie Gonzales. Sa postura nito'y mukhang nasa edad tatlumpu pa lamang. “Matagal na po ang kaso na iyan, Manong. Anong kailangan niyo tungkol roon?”
“Hindi nabigyan ng hustisya ang pagkamatay njya. . . narito ako para. . . bigyan siya ng hustisya. Alam kong mahabang panahon na ang nakalilipas. . . pero hindi na rin kaya ng konsensya ko. Gabi-gabi siyang nagpapakita sa panaginip ko. At ngayo'y naririto siya. . . naririto siya.”
Sa tinging ipinukol ni SPO2 Ferdie sa panauhing si Geoban ay mukhang nakikita niya itong may sayad. Pero kahit na ganun paman kailangan niyang tingnan ang kaso tungkol kay Asula.
Tumayo siya. “Dito lang po muna kayo't maghintay. Hahanapin ko lang ang file ni Asula Cerulean kung naririto pa.”
Nagkatinginan ang tatlong magkakaibigan. Kailangan hindi makita ng pulis si Asula pagkatapos nitong makita ang file niya. Kung hindi'y baka magtaka roon ang nakakarami. Lalo na ngayon na pinagtitinginan sila ng mga ilang pulis sa loob ng opisina.
“Pumunta ka na sa simbahan, Asula. . . pupuntahan ka namin ni Apolo kapag matapos na ang lahat rito.”
Sabay na lumabas si Wave at Asula. Sa gilid ng gusali'y lumikha ng lagusan si Wave para mapadali ang pagpunta ni Asula sa simbahan.
“Mag-iingat kayo. . .” sabi ni Asula bago pumasok sa lagusang likha niya.
Huminga siya nang malalim bago tuluyang nawala ang nilikha niyang kagusan kasama si Asula. Matatapos rin ang lahat ng ito.
At hindi siya tanga para hindi maramdaman ang nalalapit na panganib para sa kanila ni Apolo. Hindi isang tanga si Sun at Araw na hindi mapansin ng mga ito ang pagtutulungang ginagawa nilang magkaibigan para matagumpayan ang misyong itinalaga sa kanila.
Kung anoman ang planong gagawin ng mag-ama para sa kanila ni Apolo at sa kaligtasan ni Asula'y kailangan nilang maging handa.
Bumalik siya sa loob at nakita niyang mukhang nakamit na ni Asula ang hustisya.
“Matagal nang panahon ang lumipas, Mister Geoban. Ngunit. . . hindi pa huli ang lahat para mabigyan ninyo ng hustisya ang pagkamatay ni Miss Asula Cerulean. Ilang taon nang natulog ang kaso niya dahil sa walang gustong magturo sa mga kapulisan kung sino ang pumatay sa kaniya. Walang naging saksi. . . at isinara ang kaso para makalimutan na ang lahat ng nangyari. Pero ngayo'y oras na para pagbayaran ng Marco na ito ang pagpatay niya kay Asula Cerulean.”
“Tutulungan ko kayo Sir, kung paano ninyo matatagpuan ang bahay ni Marco. Bagama't may edad na siya'y malakas pa rin ang pangangatawan niya at malakas pa rin ang sindikatong mga hawak niya.”
Ngumiti sina Apolo at Wave.
“Walang problema doon, Geoban. Kung kakailangan ng mga pulis ang tulong namin ay handa kaming tumulong na dalawa ni Wave.”
Tumango si SPO2 Ferdie kay Apolo. “O siya, kung ganoon. . . oras na para hulihin ang Marco na ito para tuluyan nang maisara ang kaso ni Asula Cerulean.”
Tumawag ng back-up si SPO2 Ferdie para lumusob sa lungga ni Marco. Ngiting-ngiti si Wave. . . mabibigyan na rin ng hustisya ang pagkamatay ni Asula.
“Sumama ka sa akin Wave. . . alam ko kung saan nagtatago si Marco. Kailangang maunahan natin sina SPO2 Ferdie. Para hindi na magawang tumakas pa ni Marco oras na makatunog siya ng mga pulis.”
Agad namang sumang-ayon si Wave sa naisip ng kaibigan. Sa ganoong paraan ay mapapadali ang kanilang paghuli kay Marco.
Lumikha ng lagusan si Apolo at agad silang pumasok doon na dalawa ni Wave.
Pagkarating sa mansyon ni Marco ay agad nilang natagpuan na dalawa ang matanda habang nakaupo sa sofa sa sala. Pumapaypay ito ng pamaypay sa sarili habang humihithit ng segarilyo. Mukhang wala itong kaalam-alam na nasa likuran na silang dalawa. Abala ito sa pinapanood na balita sa flat screen tv nito.
Itinaas ni Apolo ang kamay saka naglikha ng mahika para patulugin ito. Nagkatanguan sila ni Wave bago isinagawa nito ang halbang.
Kailangan nilang magmadali bago pa masabutahe ng mag-ama ang kanilang plano mi Apolo.
Sa mgayon ay kailangan nilang balikan si Geoban para pasalamatan sa pag-amin nito at sa pagbibigay ng hustisya sa pagkamatay ni Asula. Kung hindi dahil sa matandang iyon ay hindi uusad ang kanilang misyon.
Humakbang ng dalawang hakbang patalikod si Apolo para lumikha ng lagusan sa pader. Kailangan nilang umalis bago pa sila maabutan ng mga kapulisan. Bahala na ang mga ito kay Marco na wala nang malay na nakahiga sa sofa.
TAIMTIM NA NAGDADASAL si Asula habang nakaluhod at nakapikit ang kaniyang mga mata. Tumutulo ang kaniyang luha habang humihingi ng kapatawaran sa lahat ng kasalanang kaniyang nagawa sa Diyos.
Ang kasalanan niyang ibenta ang sariling katawan sa mga kalalakihan. Pakiramdam niya'y ang dumi-dumi na niya at walang kapatawaran ang kasalanang nagawa niyang iyon.
Pero alam niyang mapagmahal ang Diyos at mapagpatawad sa mga anak nitong handang magbago at talikuran ang mga kasalanang nagawa. At iyon ang gagawin niya. Hindi niya sisirain ang paghingi ng kapatawaran sa Diyos at pagbigay ng pangalawang pagkakataon nito sa kaniya.
Patayo na sana siya mula sa pagkakaluhod nang biglang may humaklit sa kaniyang braso.
Pag-angat niya ng paningin sa kung sino man iyon ay agad nanlaki ang kaniyang mga mata. Isang hindi kilala niyang lalaki. Nag-aapoy ang mga mata nito habang nakatitig sa kaniya. Hindi ito si Apolo dahil si Apolo ay walang ganoong klaseng mga mata.
“Sumama ka sa akin. . . kung ayaw mong mapahamak ang dalawa mong kaibigan na sina Wave at Apolo.”
. . .