NAGKATITIGAN SILANG TATLO habang hinihintay na magsalita ang bawat isa. Walang gustong mauna at wala ring gustong magpahuli. Palipat-lipat ang tingin ni Asula sa dalawang magkaibigan. Hindi niya alam kung siya ba ang magsimulang magsalita o pili sa dalawa?
Sa huli'y hindi na rin niya napigil ang sarili. Pumikit siya at tinatantiya kung ano ang sasabihin. Kapag ganito'y sayang ang oras.
“A-anong pag-uusapan natin?” she trailed off.
Apolo looks at her and then to Wave. Asking for a hint on how should he start by his speech.
Wave shrugged his shoulders. Sigurado si Asula na maging ito'y hindi rin alam ang sasabihin.
Napakamot siya sa kaniyang batok. This is wasting of time. She should do a moves before it end up nothing. Andito na sila, at sayang ang pagkakataon na ito. . . at baka mamaya ay wala na.
“Apolo. . . anong nangyari?” tanong niya sa lalaki. Napabaling ang tingin nito sa kaniya. Ang tinutukoy niya ay kung bakit sila nito tinutulungang gayung kalaban sila nito.
Ngumiti ang lalaki nang mabasa nito ang nasa isip niya. She should angry with him in reading her mind but there's no time to argue with it. Time is running.
“Friend is a friend, Asula. Don't you remember?”
Kumunot ang noo niya sa sinabi nito. Napatingin siya kay Wave at maging ito ay napakunot rin ang noo. What is this man talking about?
“We already met in our childhood time, Asula and Wave. Hindi niyo ba naalala?”
Panabay silang umiling na dalawa ni Wave. Nakakaunawang tumango-tango si Apolo. Sigurado siyang niwala iyon ng anak ng hari na si Sun. Para sa misyong itinalaga sa kanila at para wala sa kanilang mamagitan na pagpapahalaga sa isa't isa. But he is not a fool. He knew everything. At iyon ang malaking pagkakamali sa mga naging hakbang ni Sun— na panatilihin ang alaala niya at ang kakayahan na makita ang nakaraaan at kasalukuyan.
Wave forehead creased. “What do you mean?”
“Nagkita na tayo noong mga bata pa tayo sa isang parke noon sa Quezon city sa bayan ng Agnes. . . hinahanap nating dalawa Wave ang asong dala atin noon. Nang makita natin sa isang bench na hawak-hawak ng isang batang babae. Nag-usap-usap tayo at ibinigay naman niya sa atin ang aso. Hanggang sa magpakilala tayong tatlo sa isa't isa. Iyon. . . iyon ang dahilan kung bakit magkakilala na tayo noon pa.”
Napasinghap si Asula nang biglang maalala ang ini-kwento sa kanila ni Apolo ang pangyayari ng araw na iyon.
Sakto naman kasi ng mga oras na iyon na naglalaro siya sa damuhan ng parke. . . habang hinihintay ang Nanay niya na pumunta lang ng banyo. Hanggang sa may isang aso na may breed ang lumapit sa kaniya at inamoy-amoy siya.
Natuwa siya nang hindi nangangagat ang aso kayà hinawakan niya ito saka kinandong. . . mukha namang nagustuhan ng aso kayà hindi na ito umalis sa kandungan niya. Hanggang mayamaya ay may lumapit sa kaniya na dalawang bata at sinasabing sa kanila ang asong hawak-hawak niya. Hindi naman siya nagdalawang-isip na ibigay sa mga ito ang aso.
Nagpasalamat at nagpakilala sa kaniya ang dalawang batang lalaki at ganoon naman siya. Hanggang sa naging magkaibigan na silang tatlo. Madalas silang magkita sa parke na iyon, hanggang isang araw ay nabalitaan niyang lilipat na ang dalawang lalaki sa ibang lugar. Doon na lang rin natapos ang pagkakaibigan nilang tatlo at hindi na nagkita.
“Naaalala ko na,” wika ni Asula sabay tingin sa dalawa. Hindi niya kayang pigilan na lumandas ang kaniyang mga luha sa pisngi. Natutuwa siyang makitang muli ang dalawang naging kaibigan niya noong bata pa siya.
Napangiti si Wave sabay tatango-tango. “I'll remember also.”
Nagkatitigan silang tatlo saka kiming ngingiti-ngiti sa isa't isa. Hindi sila makapaniwala na muli silang pagtatagpuin at ilalagay sa isang mahirap na sitwasyon. Hindi rin nila inaasahan na magkikita pa sila at magsasama sa mga huling araw.
“I'm glad guys, na kahit sa kaunting oras ay makasama ko kayo.”
Natawa si Wave pero paiyak na rin. Para kay Asula ay hindi nakakabakla para sa isang lalaki ang umiyak. Ganoon na rin si Apolo parang paiyak na rin.
“Tigilan na nga natin ang umiyak. Para tayong mga timang,” suway ni Wave.
Tawanan silang tatlo hanggang sa mapatigil sila dahil sa isang may bagay na parang bumagsak. Nagkatitigan silang tatlo. Galing iyon sa silid na pinag-iwanan nila kay Geoban!
Mabilis silang tumakbo na tatlo saka binuksan ang pinto.
Nakita nila na natumba ang upuan kung saan pinagtalian nila kay Geoban habang nandoon pa rin ito. Agad na pinatayo ni Wave ang upuan kaya't saktong tumama ang paningin nito kay Asula.
Nanlalaki ang mga mata at mukhang tinakasan ng dugo sa mukha dahil sa hindi kapani-paniwalang nakita ang matanda.
“Asula. . .” mahinang usal ni Geoban.
Humikbi ito habang nakatitig sa kaniya nang mataman. Humihingi ng kapatawaran ang mga mata nito. Pinakawalan ni Apolo ang bihag saka hinyaan ang pagkakataon na makausap nito si Asula.
Napasinghap si Asula nang bigla na lamang lumuhod sa kaniyang harapan si Geoban habang umiiyak at nakayuko ang ulo.
Tinapunan niya ng tingin sina Wave at Apolo at maging ang dalawa'y nagulat rin sa naging reaksyon ni Geoban.
“T-tama na. . . huwag mo na akong pakitaan sa panaginip ko. Huwag mo na akong multuhin. Ibibigay ko ang hustisyang nais mo. . . isusumbong ko sa mga awtoridad ang tunay na nangyari. . . mabigyan ka lang ng hustisya. Pangako. . . huwag ka lang magalit sa akin.”
Naaalala na niya si Geoban. Ito ang isa sa mga men in black ng kanilang boss na si Marco!
Hindi niya inaasahan na ang kaluluwa niya'y nagpapakita rito. Iyon marahil ang kaluluwa niyang gustong iligtas ni Wave.
“Patawarin mo ako kung hindi ko sinabi sa mga awtoridad ang katotohanan. . . kung paano ka pinatay ng boss natin ng araw na tumakas ka para magbagong buhay. Kami ang kasama niya noon sa paghahanap sa iyo. . . walang alam ang mga kasamahan mo sa trabaho. . . patawarin mo ako, Asula. . . patawarin mo kami.”
Kahit hindi niya alam ang nangyari sa kaniya sa kasalukuyan ay parang naninibugho ang damdamin niya at ka'y bigat niyon.
Ginusto niyang tumakas. . . tumakas mula sa isang madilim na mundo; mula sa mundo ng makasalanan. Pero. . . pinatay siya at hindi man lang binigyan ng laya at magbagong buhay.
Sinira ng boss Marco nila ang lahat ng iyong pangarap niya. Kung ganoon. . . kapag tumakas siya'y iyon pala ang kapalaran na kahahantungan niya. Mapapatay siya nito.
Napatingin siya kay Wave. Mabuti na lamang at dumating ang lalaking ito. May pag-asa pa para mabago ang landas ng buhay niya at ang kaniyang kasalukuyan.
. . .