Masayang nagbibiruan ang lahat habang kumakain. Na-miss ko ang ganito. Na-miss ko ang simpleng buhay kasama ang mga taong malalapit sa akin. Sa loob ng anim na taon, sobrang daming nagbago. Ang lahat ng mga kapit-bahay namin ay naririto at nakikisaya. Hindi na katulad ng dati na may sari-sariling mundo ang mga tao rito. Parang hindi na sila 'yung mga dating tambay at lasenggo rito sa amin. Pero gustuhin ko man ang tumawa at makipagbiruan ay parang 'di ko magawa. Dahil ang paningin ko ay nakatuon sa isang pares na masayang nagsusubuan sa harap ko. 'Yung kaninang gutom ko ay parang biglang naglaho. Ano ba naman kasing ginagawa ng dalawang 'to rito? "Ano? Kaya mo pa ba?" Bulong sa akin ni Howard na bahagya pa akong siniko. Nagulat ako sa ginawa niya kaya natulala ako sa kanya. Napaawang

