"Welcome home, baby." Para akong natuklaw ng ahas. Parang magigiba na yata ang dibdib ko sa sobrang lakas ng pintig nito. Gusto kong tumakbo papalayo pero hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. His blue eyes are intensely looking at me. Para akong hinihigop sa uri ng pagkakatitig niya. Parang deja vu. Ganitong-ganito rin ang uri ng pagkakatitig niya sa akin noong una kaming magkita sa condo niya. His broad shoulders and his damn sexy body. Kingina! Bakit lalong gumwapo ang lalaking 'to?! He looked so damn hot kahit plain white v-neck shirt at maong pants lang ang suot niya. Halatang-halata ang mga namumukol niyang abs sa fitted niyang suot. Gusto kong maglaway sa nakikita. Lintik! Pagpapawisan na yata ako ng malapot. Ganito ba talaga kainit ngayon sa Pilipinas, o dala lang ng presensy

