"Galing na naman ba 'yan sa unknown loverboy mo?" nanunuksong tanong ni ate Za nang mapansin ang hawak kong card at isang tangkay ng tulips. Napanguso ako. Sa loob kasi ng anim na taon, walang palya ang nagpapadala sa akin nito. Kapag nalanta, sa basurahan din naman ang bagsak. Ni minsan hindi nagpakilala. Lagi ko na lang makikita sa labas ng pintuan na may bulaklak sa umaga o kaya pagpasok ko sa trabaho may magbibigay nalang na isa sa mga kasamahan ko sa trabaho. Kapag tinanong ko kung sino ang nagbigay di rin daw nila kilala. "Nakita ko na naman sa labas ng pinto kanina. Hamo't ngayong uuwi ako sa Pinas, ikaw naman papadalhan niya," natatawang ani ko sabay kindat pa sa kanya. "Naku, malabo 'yun. Baka nga hanggang sa Pilipinas padalhan ka parin ng loverboy mo," tukso nito na may makahu

