“Mukhang ayaw talaga sa akin ng bayaw mo,” sabi ni Brent. Magkatabi sila ni Maro ngayon sa harapan ng lababo at naghuhugas ng mga pinagkainan. Si Maro ang tagasabon at si Brent ang taga-banlaw. Si Neo naman ay nasa sala at nanunuod ng tv. “Paano mo na naman nasabi?” nagtatakang tanong ni Maro. “Nararamdaman ko,” sabi ni Brent. “Ewan ko ba. Wala naman akong ginagawang masama, ‘di ba?” tanong pa nito. “Ikaw na rin ang nagsabi na wala kang ginagawang masama kaya wala lang din ‘yang nararamdaman mo na hindi ka gusto ni Neo,” sabi ni Maro. “Ah basta pakiramdam ko talaga,” sabi ni Brent. Tumango-tango pa ito. Tumingin si Maro kay Brent. “Parang ang big deal naman yata sayo na hindi ka gusto ni Neo?” tanong ni Maro. Napatingin si Brent kay Maro. Nagtagpo ang tingin nilang dalawa. “Ano ba

