Kasalukuyang nasa kitchenette ng opisina nila si Jesse. Nagsalin siya ng tubig mula sa dispenser. Napasinghap siya nang mabitiwan niya ang baso ng tubig. Nagkalat ang tubig at bubog sa white tiled floor. Natamaan pa ng tumalsik na bubog ang ibabaw ng kanyang paa dahil nakasuot lang siya ng flat sandals at saya na hanggang tuhod. Napakislot ang kanyang mukha dahil sa medyo kumirot ang sugat. Umupo siyang patagilid sa kanyang sakong para isa-isang pulutin ang malalaking bubog nang may biglang humawak sa kanyang kamay. Nagulat siya nang makitang si Trevor ito. ‘Bakit nandito ka na naman? As if pamamahay mo ang opisina namin, ah!’ Nag-uunahan din ang mga karpintero sa loob ng dibdib niya sa pagpukpok sa kanyang puso. Todo ang pagpintig nito dahil sa biglaang presensya ng lalaki at sa pagh

