Prologue
Noong Unang pahanon may Iba't ibang nilalang, Vampires and Werewolves, Witches. Ngunit bukod sa tatlong lahi ay meron pang nakalimutan Mga nilalang na tahimik na namumuhay. Sila ang mga Shapeshifters, May iba't ibang lahi ang Shapeshifters. Fox spirit: matalino at mapaglinlang may siyam na buntot depende sa kanilang tanda ang kanilang lakas. WEREtigers: kasing lakas ng Wolf ngunit ito ay mailap at mapagmataas kadalasan sa gubat sila matatagpuan. Skin Walker: Mapanganib sa lahat ng shapeshifters Dahil kayang kunin ang anyo ng iba sa pamamagitan ng pagsuot ng balat ng biktima. Sa mga magdaang Panahon nagkaroon ng digmaan sa tatlong kaharian na kinabinilangan ng Werewolves, Vampires At Witches ngunit ang Tatlong lahi ng shapeshifters ay nanatiling tahimik na para bang hindi sila umiiral sa mundo. Sa tagal ng Digmaan libong taon ang dumaan nakalimutan na ang kanilang Pag-iral. Simula sa digmaan ng tatlong Angkan ay hindi sila nagparamdam hanggang sa magwakas ang digmaan at Magkaisa ang Tatlong Angkan Patuloy mamuhay ng tahimik ang Shapeshifters.
Ngunit Isang Fox spirit ang Umibig sa Prinsipe ng mga Vampira.
Ano ang kayang gawin ng Isang Fox Spirit sa ngalan ng pag-ibig.
*
*
" Trixie! Trixie Saan ka naman pupunta?" sigaw ng Aking Ina
" Mama Maawa ka naman Isang daang taon na ako hindi ko pa naranasan umibig. Aba kayo lang ni Papa ang Gabi-Gabi umuungol. gusto ko din maranasan umibig at umungol." Mahabang paliwanag ko
" Aba! tarantado ka! Hoy Huwag kang mo gagamitin ang Anyo mo Alalahanin mo nagtatago tayo sa ibang nilalang." Galit na sigaw ni Mama
" Mama maglalakbay ako! Paalam! Huwag nyo ako bibigyan ng Kapatid. " Masaya na sigaw ko
Tumakbo ako sabay palit anyo bilang White Fox Isa akong Albino na Fox dahil Light brown ang kulay ng mga magulang ko. Ako lang ang maiiba ang kulay saamin lahi.
Tumakbo ako gamit ang kapangyarin ko habang tumatakbo ako unti-unting akong lumulutang sa hangin tumakbo ako paitaas. Nang makalagpas na ako sa mga taas ng puno nagbalik ako sa pagiging Anyong Tao. nagpalutang-lutang ako sa hangin nakatayo at kumakain ng apple. Tumingala ako sa bilog na buwan
" Moon Goddess salamat dahil sa prinotiktahan mo kami. Pero sana naman ipagkaloob mo na saakin ang aking wagas na pag-ibig." Kausap ko sa bilog na buwan
Unti-unting lumiwanag sa kalangitan Biglang lumakas ang hangin tinangay ako nito ngunit may narinig ako na Tinig
" Ang pag-ibig sa pagitan ng Fox at Vampire ay magaganap na Ang inyong pag-iral ay muling maaalala at kikilanin. Hanapin mo ang Iyong pag-ibig at magaganap ang pagsubok sa iyong buhay. makakalimutan mo ang iyong katauhan. Tanging kapangyarin at pangalan mo lang ang iyong maaalala."
" Tika mamaaaa! Siraulo ka Kilala ko ang boses mo. Hindi ikaw ang moon goddess." Inis na sigaw ko
" Paalam anak! Bumalik ka nalang sa pagbabalik ng iyong alaala." Huling wika ni Mama
" WAAAAAAH! Arayyyy." sigaw ko
Bumagsak ako sa Kakahuyan hindi ko alam kung nasaan ako napadpad.
Akmang tatayo na ako napatingin ako sa kabila puno May nakatayo itaas ng puno sa Maputla ang kanyang balat namumula ang kanyang mga mata Nakatingala siya sa Bilog na buwan.
" Prince Oras na ng hapunan." Narinig ko na wika ng isang Babae
" Vampire Prince!." Wala sa sarili na sambit ko
Napatingin siya sa kinaroroonan ko nagtama ang aming mga mata Agad na bumilis ang t***k ng puso ko.
" May Wild Fox sa ilalim ng puno hulihin mo dadalhin natin pauwi. Gusto ko uminum ng dugo ng wild Animals." Malamig na utos ng Vampire Prince
Tinaas ko ang kamay ko nagulat ako Ako ang Fox na tinutukoy niya
Tumayo ako at Nag-umpisa tumakbo.
" Humanda ka saakin Mr Vampire. Babalikan kita! Ang Ganda kong to balak mo katayin. " Piping sambit ko
" Nawala e ." Narinig ko na wika ng babae
" Tara na." Malamig na aya ni Mr Vampire
Hingal na Hingal ako nakasandal sa ilalim ng Puno. Muntik na ako mamatay. Tama si Mama mapanganib nga sa labas.
Tumayo ako nagpalit anyo bilang Tao Akmang maglalakad na ako pauwi pero kahit Anong gawin ko Hindi ko maaalala ang daan pauwi saamin.
" Patay na! Paano ako Uuwi? Huhu huwag mong sabihin na magiging palaboy ako?" Naiiyak na sambit ko