001
“Natalia Gia Valderas! Nand’yan po ba si Miss Natalia Gia Valderas?”
Kumunot ang noo ko nang marinig ang malakas na tawag sa pangalan ko mula sa labas ng barong barong namin. Kahit malakas ang sound sa TV mula sa pinapanood ni Nanay na drama ay narinig ko pa rin ‘yon.
Wala akong ine-expect na bisita ngayon. Kung meron man ay hindi ako tatawagin sa buong pangalan ko.
“Anak, may tumatawag yata sa’yo?” sambit ni Nanay na hininaan pa ang sound ng TV.
“Opo, Nay. Titingnan ko lang po kung sino.” sambit ko nang binaling ko ang tingin dito.
Tumayo ako at sumilip sa bintana. Nakita ko ang isang lalaking naka-business coat at naka-eyeglass na sa tingin ko ay nasa lagpas kwarenta na ang edad. May hawak itong envelope habang deretso ang tingin doon sa pinto namin. Hindi ko kilala kung sino ‘yon pero pinagbuksan ko na lang habang labis ang pagtataka.
“Kayo po ba si Miss Natalia Gia Valderas ang tinuturing na kapatid ni Samantha Gaspar?” Tanong nito na seryoso ang mukha.
“O-opo, may problema po ba?” tanong ko.
Kinabahan ako dahil inaaalala ko kung may masamang nangyari kay Ate Samantha at tatlong araw ko nang hindi ma-contact.
“Nanggaling ako sa Imperial Group. May gusto lang iparating ang presidente ng kumpanya na si Mr. Fernan Imperial.”
Natigilan ako sa narinig. Imperial Group? May alam akong Imperial Group. Isa ‘yong kilala at nangungunang business dito sa Pilipinas na ang ang net worth ay bilyon bilyon dahil sa successful businesses na nasa linya ng telecommunications.
Hindi lang ‘yon at marami silang line of business gaya ng airlines, banking and finance at electronic devices. Hindi ko na alam ang iba. Basta ang alam ko ay dominated nila ang business world sa dami ng negosyo nila.
“Imperial Group?”
“Oo, hija. Imperial Group at pamilyar ka naman siguro doon dahil doon nagtatrabaho ang kapatid mong si Samantha Gaspar?”
“Teka, teka… K-kuya, baka nagkakamali po kayo… Opo, stepsister ko po si Samantha Gaspar, pero hindi po siya sa Imperial nagta-trabaho. At wala po siya ngayon dito. Nasa bakasyon.” Sambit ko.
“Nasa bakasyon o tinatago mo, Miss Valderas? Ikaw pa ang naghatid sa kanya sa probinsya hindi ba? Ikaw ang huli niyang kasama matapos niyang magnakaw ng 100 million sa kumpanya.”
Doon na nilukob ng kakaibang kaba at biglang napalingon kay Nanay na nabaling ang atensyon dito sa akin sa may pinto at nakakunot ang noo. Sigurado naman na hindi nito narinig ng actual ang sinabi nitong lalaking kaharap ko. Pero kita ko na ang pagtataka sa mukha nito.
Muli akong humarap sa lalaking inaaral ang mukha ko dahil titig na titig sa akin.
Paano nito nalaman ang tungkol sa paghatid ko kay Ate Samantha?
“K-kuya, pasensya na po. Baka nagkakamali po kayo.” Akmang isasara ko ang pinto pero natigilan ako nang bigla niyang nilahad ang isang envelope.
Napatingin ako sa envelope at kinuha ‘yon at matapos ay muling binaling ang mukha sa lalaki.
“Nand’yan lahat ng ebidensya laban sa kapatid mo, Miss Valderas. Aalis ako at mamaya ay may susundo sa’yo para dalhin ka kay Mr. Imperial. ‘Wag kang magkakamaling tumakas dahil may nakabantay na sa lahat ng magiging galaw mo. Kung ayaw mong madamay ang may sakit mong Nanay ay susunod ka sa lahat ng sasabihin ni Mr. Imperial.” Puno nang diin na sabi ng lalaki.
Bigla nitong hinawakan ang coat nito para iangat at ipakita ang nakatagong b-a ril na nakaipit sa tagiliran nito. Naramdaman ko ang panginginig ng kamay ko at hindi ko tuloy maiwasan na ipakita dito ang takot sa mukha ko.
Napalunok ako. “P-pero, S-sir… Hindi ko po alam ang—”
“Wala nang pero pero, Miss Valderas. Harapin mo si Mr. Imperial kung ayaw mong nakulong at walang bubuhay sa nanay mo!”
Hindi na ako nakasagot pa nang bigla nitong kinuha ang kamay ko at binigay ng tuluyan ang envelope na hawak nito at tuluyan na itong umalis. Napatingin na lang ako sa bulto nito at may ilang tauhan pa na sumunod dito bigla na naghihintay sa mga gilid gilid.
Mas lalo akong nanlumo hanggang sa tuluyan nang nawala sa paningin ko ang lalaki na hindi ko man lang naitanong ang pangalan.
“Natalia, anak?” Bigla akong napakislot nang narinig ko ang tawag ni Nanay na nagtatangka nang hilahin ang wheelchair nito at mukhang pupuntahan ako sa kinatatayuan ko. Mabilis kong sinara ang pinto para puntahan na si Nanay.
“Sino ba ‘yon, anak? May problema ba?”
“Ah… eh… w-wala po, Nay… May tinanong lang po tungkol doon sa loan ko.” Nauutal na sabi ko.
Pagdating kay Nanay ay hirap talaga akong magsinungaling kaya alam kong ramdam niya ang tensyon ko.
“Sigurado ka, Natalia? Sino ba ‘yung kausap mo?” Naniningkit ang mga mata nito.
“N-naniningil lang po ‘yon.” Sambit ko na sinigurado kong paniniwalaan ako ni Nanay.
Hindi naman lingid sa kanya na minsan ay may kinakapitan akong pautang para maitawid ang pagpapagamot sa kanya.
Nakita ko tuloy na nag-iba ang expression ni Nanay na kanina ay nagtataka ay ngayon ay puno na ng lungkot ang mata.
‘Wag niyo na pong intindihin ‘yon. Makakabayad naman po ako doon. Ramdam ko naman po na may tatawag sa akin sa dami ng pinasahan ko ng resumé. Baka sa susunod na buwan ay may trabaho na po ako. Tsaka ang laki ng binigay na pera sa akin ni Ate Sam bago po kami naghiwalay kaya kasya po ‘yun ngayong buwan. Hindi ko lang po talaga ginagalaw at para sa gastos dito ‘yon sa bahay. Para po 'yon sa maintenance niyo.” Assurance ko kay Nanay at ilang sandali ay nakita ko na ang pilit nitong ngiti.
"Patawad, anak at pabigat na ako--"
"Nay, wag na 'wag mong isipin na pabigat. Mas magiging mabigat sa akin kung hindi ka gagaling dahil mas mabigat sa dibdib at hindi ko kakayanin na pabayaan ka lang."
Nakitang ko nanggigilid ang luha ni Nanay.
"Naku, Nay… Tama na ang drama. Papasok lang po ako sa kwarto sandali" Sambit ko na nakangiti.
Ito ang ayoko kaya mahirap magbanggit ng tungkol sa utang kay Nanay. Nagse-self pity kasi ito. Pero dahil wala akong maidahilan kung sino ang lalaking nagpunta ay 'yon tuloy ang nabanggit ko.
Inayos ko ang wheelchair na kaninang hinila ni Nanay para makaalis siya ng sofa at muling ginilid 'yon at tumalikod na ako para magpunta sa kwarto.
Pagkapasok ko ng kwarto ay agad akong napasandal sa pinto at napahawak sa dibdib ko. Marahan akong napatingin sa hawak kong envelope at matapos ay sa bakanteng kama sa sulok kung saan kami natutulog ni Ate Samantha.
Kwarto namin ito ni Ate Samantha at tatlong araw na akong natutulog mag-isa sa kwarto na ito. Humakbang ako papunta sa kama.