Isang laking probensya si Carlo na nangangarap maging architect. Dahil sa hirap ng buhay napilitan siyang pumasok sa isang university bilang working student dahil ito lang ang paraan upang makapagtapos ng kanyang pag-aaral. Dito niya nakilala sa hindi pangkaraniwang pangyayari si Dave, isang mayaman, gwapo ngunit malungkot na binata na tila may hinahanap upang matakpan ang puwang sa kanyang pagkatao. Sa kanilang pagtatagpo nagbago ang takbo ng kanilang buhay, isang pagbabago na nagmulat sa kanilang pusot isipan sa mga bagay na naglalahad sa totoong larawan ng buhay. Ngunit ang ligaya at pagmamahal na inakala na walang katapusan ay mauuwi pala sa dalawang pusang luhaan. Samahan natin ang dalawa sa kanilang pagbagon upang patunayan na ang pag-ibig ay walang kasarian.
Sa isang isla ng Camiguin, taon-taon ginaganap ang "Panaad Festival" isang kaganapan kung saan umiikot ang mga namamanata sa isla tuwing mahal na araw. Dito na kilala ni Doctor Judah Angeles si Eliza ang isang babaing may lihim na hiling at apat na taon ng namamanata sa isang kahilingan at dasal na siya ang may alam. Sa islang ito nagtagpo ang dalawang nilalang na parihong may mga hiling at dasal at ang islang ito ay naging saksi kung paano pinatunayan ng dalawa na ang himala ay nagaganap sa bawat pusong may busilak na pagmamahal.