Unang pagtatagpo
LUNES SANTO.
Kadadaong lang sa pantalan ng Camiguin ang ferry na sinakyan ni JUDAH. Abala ang maraming pasahero sa pagbababa samantalang saglit siyang nanatili sa kanyang pagkaupo upang pagmasdan ang napagandang isla na matagal –tagal na rin hindi niya napuntahan. Noong nasa elementarya at highschool pa siya, halos taon-taon sila nagbabakasyon dito, ngunit noong nag kolehiyo na siya at kumuha ng kursong medisina, hindi na siya nakapunta sa lugar na ito; kung hindi pa siya aalis papuntang Afrika bilang missionary doctor sa kagustuhan ng kanyang ama, hindi siya muling makadalaw dito. Nais ng kanyang mga magulang na makapagbakasyon muna siya kahit isang linggo lang upang makapag-paalam na rin sa kanyang mga kamag-anak na nandito sa naninirahan sa matagal ng panahon.
Ito ang lugar kung saan ipinanganak at lumaki ang kanyang ama. Lumipat lang ito sa Manila noong nag asawa at doon na rin na distino bilang isang pastor. Maraming ala-ala si Judah sa islang ito noong bata pa siya. Dito siya natutu lumangoy, mamangka at umakyat ng puno ng niyog. Sa tuwing nagbabakasyon sila rito at pag-uwi niya sa Manila halos hindi na siya makilala ng kanyang mga kaibigan dahil sunog na sunog na ang kanyang balat sa pagbibilad ng araw dahil sinusulit niya ang pagtatampisaw sa dagat buong maghapon.
Pagkababa ng ferry agad naglakad si Judah upang hanapin ang kanyang sundo papunta sa resort na pagmamay-ari ng kanyang Tito BEN, ang kapatid ng kanyang ama na si Pastor JUN ANGELES, nang biglang may humablot sa kanyang backpack.
“Gulat ka ano? akala mo snatcher.” Nakangiting bugad ni ENZO, ang kanyang kababatang pinsan.
“ Ikaw pala, biglang ka lang naman kasing sumusulpot kahit saan, kumusta kana?” bati ni Judah sa kanyang pinsan sabay akbay nito.
“Mamaya na tayo magkumustahan, halika ka na, nandoon yun sasakyan natin.” sabi ni Enzo sabay lakad papunta sa nakaparada nilang sasakyan.
Habang binabaybay nila ang daan papunta sa Resort, muling binubusog ni Judah ang kanyang mga mata sa napagandang tanawin sa daan. Mga nagtatayugang mga puno ng niyog, mapuputing dalampasigan at tila walang hanggang lawak na karagatan ang kanilang nadadaan. Maaliwalas, napakaganda at napakapayapa; malayo ito sa nakasanayan niyang tanawin sa kamaynilaan. Ngunit ang mas higit na katawag sa kanya ng pansin ay ang mga taong tila sabay -sabay na naglalakad na kanilang nadadaanan.
“ Kanina ko pa na papansin na maraming taong naglalakad, wala bang jeepney na pampasahero dito?” tanong ni Judah sa kanyang pinsan na siyang nagmamaniho ng sasakyan.
“Ahh yan mga iyan, mga namamanata yan. Simula na kasi ng PANAAD, diba lunes santo na ngayon? tuwing semana santa maraming pumupunta dito, umiikot na isla na naglalakad lamang bilang panata. Tinatawag yan sa salitang bisaya na “ “Panaad”, taon-taon yan nangyayari.” Sagot naman ni Enzo.
“Bakit naman nila ginagawa iyan?” tanong ni Judah.
“Iba-ibat ang dahilan. Yung iba gusto gumaling sa kanilang karamdaman. Yung iba naman nagdadasal na maka pasa sa board exam, yung iba naman gusto na makahanap ng forever. Kahit anong hiling mo, maraming nagpapatunay na natutupad ang kanilang mga hiling pagkatapos nilang namanata sa islang ito.” Sabi ni Enzo.
Biglang napaisip si Judah sa mga sinasabi ng kanyang pinsan. Hindi niya inakala na sa modernong panahon maraming paring mga taong naniniwala sa ganun mga bagay. Ngunit lihim siyang humahanga sa mga taong iyon na nagpapakahirap at nagsasakrapisyo alang-alang sa isang kahilingan na sila ang nakaka-alam. Tulad ng mga taong namamanata, siya rin ang may isang lihim na hiling at dasal na siya lang at ang Diyos ang may alam.
Patuloy ang kanilang paglalakbay ng may napansin silang ilang grupo ng kakababihan na nagkumpulan sa tabi ng daan, habang may isang babaeng nakahiga na pinapaypayan. Huminto si Enzo upang mag-usisa.
“Naunsa na siya? (Anong nangyari sa kanya?) tanong ni Enzo.
“Nakuyapan sa kakapoy (Hinimatay dahil sa pagod) sagot naman ng isang babaeng nakikiusyoso lang.
Dali-dali bumaba si Judah upang tingnan ang kalagayan ng babae. Isang babaeng namutmutla at walang malay ang kasaluyan pinapaypayan ng mga kakababihan ang kanyang nakita. Nakasuot ito ng bandanang itim at agad napansin ni Judah ang napakaamong mukha nito.
“May sakit ba siya? Usisa ni Judah.
“Hindi naming alam, hindi naman naming siya kilala, nakita na lang namin siya na biglang bumagsak habang naglalakad.” Sagot ng isang babaeng tumutulong sa pagpapay-pay.
“Pwede wag kayong magkumpulan para may preskong hangin ang makakapasok.” Sabi ni Judah sa mga taong nakikiusyoso lang.
“Paminaw mo, doctor na siya.” (makinig kayo, doctor yan) sabi naman ni Enzo sa mga taong nakikiusyoso lang.
Agad bumalik si Judah sa sasakyan at kinuha ang kanyang bag na naglalaman ng kanyang kagamitan bilang isang doctor. Agad niyang kinunan ng vital sign ang babae tulad ng blood pressure, heart beat at body temperature. Nagulat ang mga naroroon na doctor pala ang taong inakala nila na naguusisa lang.
“Okay sa siya napagod lang siguro ito.” Sabi ni Judah sabay tapik ng balikat ng babae.
“Miss, miss, Okey ka lang?” tanung ni Judah.
Dahan dahan inumulat ng babae ang kanyang mga mata at inikot sa paligid, sunuyod ang tingin sa palibot na tila wala pa rin sa tamang ulirat.
“Hinimatay ka, may iba kabang naramdaman?” tanong ni Judah.
Tumitig saglit ang babae kay Judah at dahan-dahan tumayo at akmang maglalakad ulit.
“Okey ka lang? kung gusto mo sumakay ka na lang dito sa sasakyan at ihahatid ka namin sa pupuntahan mo.” Alok ni Judah.
Tumingin lang bahagya ang babae at simpling ngumiti. “Salamat.” yan lang ang maiksing tugon nito. At dahan-dahan sa paglalakad muli.
“Hindi yan sasakay, namamanata yan at kasama sa kanilang panata ang pag-ikot sa islang ito na naglalakad lang.” bulong ni Enzo kay Judah.
Sunusulyapan ni Enzo at Judah ang babaeng naglalakad muli na nakanilang nadaanan, yumuko ang babae sabay ayos ng kanyang bandanang itim upang takpang ang kanyang mukha.
Pagdating ng dalawa sa resort agad silang sinalubong ng kanyang Tito Jun na tuwang-tuwa sa pagdalaw ng kanyang pamangkin. Agad naman umikot si Enzo at Judah sa napagandang resort. Malaki na ang pinagbago ng resort mula huli niya itong nakita noong nasa highschool pa lang siya. May mga swimming pool na ito at may maayos at napakagandang mga cottages. Binubusog ni Judah ang mga mata sa tanawin habang tanaw niya sa hindi kalayuan ang mangilan-ilan turista na nagtatampisaw sa napakalinaw na tubig.
Ngunit sa kanilang pag-iikot, hindi mawala wala sa isipan ni Judah ang babaeng hinimatay na kanilang nadaan kanina. Sa isip-isip niya ano kaya ang mga hiling at dalangin ng babaeng iyon kung bakit siya namamata? hindi lang para sa babaeng iyon kundi sa lahat na namamata taon-taon, ano kaya ang bawat dasal ng kanilang mga puso habang naglalakad sila sa mainit at maalikabok na daan? At totoo kaya na may himala sa islang ito? Yan ang mga tanong niya sa kanyang sarili.
Para kay Judah na lumaki sa isang protistanteng paniniwala ang lahat na ito ay isang uri ng panatismo, ngunit sino ba siya na husgaan ang mga taong ito na nagpapakahirap para sa isang hiling at dasal. Alam niyang hindi lang sa apat na sulok ng simbahan pwede kang magdasal, dahil ang Diyos ay nasa lahat na lugar kaya alam niyang naririnig ang lahat na dalangin kahit ito ay binabangit habang naglalakad sa isang mainit at maalikabok na daan kung inuusal ito ng may pananalig at buong nananampalataya.