Story By Bukangliwayway18
author-avatar

Bukangliwayway18

ABOUTquote
I am Sunshine Manzano and I am 24-year-Old. Working here in Dubai, UnitedArabEmirates. I am writing to get rid of stress. I found happiness in Writing and also I learned to control my emotions. Writing is not just a source of happiness, it is also a source of knowledge. because the more you write the more you learn.
bc
It Happened One Night
Updated at Dec 26, 2022, 10:37
Walang taong pinanganak na may perpektong buhay. Biyayaan ka man ng Diyos ng kayamanan sa mundo, ng kagandahan meron at meron pa ring kulang. Tulad sa kalagayan ni Zia, she has everything but not happiness. She was only 8-year-old noong mamatay ang Mama niya. Ang tanging gusto lang naman niya sa buhay ay sana balang araw magkaroon siya ng buo at masayang pamilya, na sana balang araw ay lisanin na siya ng kamalasan dahil kahit sabihing sanay na siya. Dumadating pa rin ang puntong gusto na niyang sumuko. Hanggang sa makilala niya si Xennon na katulad niya rin ng pangarap ang magkaroon ng simpleng buhay at buong pamilya. Pero ang lalaking perfect matched na niya sana ay ang lalaking kinamumuhian niya dahil sa minsan na niya itong nakitang nakikipagtalik sa loob ng sasakyan at muntikan pa siya nitong saktan noong una silang nagkita. Paano kung ang lalaking kinamumuhian niya ay siya pa lang mapapangasawa niya dahil sa arranged marriage na ginawa ng kanilang mga Lolo. Will she learn to love Xennon?
like
bc
To Let Somebody Go
Updated at Dec 21, 2022, 03:28
Kuntento sa kung ano ang meron si Alaia. Masaya kahit hindi tunay magulang ang nakagisnan. Pero magbabago ang lahat sa buhay niya dahil sa desisyon ng ama-amahan niya. Ipapakasal siya sa matandang byudo bilang kabayaran sa utang ng kanyang uncle Lorencio. Tatlong lalaki ang pag-aagawan siya, ang kaibigan niyang si Zamiel, si Mackenzie Del Rio na anak ng bilonaryo na siya ang napili na ipapakasal pero ang pinsan niyang si Antoinette ang ibinigay ng kanyang uncle, at si Mr. Claude ang matandang byudo na hahamakin ang lahat makuha lang ang dalaga.
like
bc
CEO's Sweet Temptation
Updated at Dec 14, 2022, 03:13
Mula nang mamatay ang ama ni Cate ay siya na ang umako ng mga responsibilidad nito. At dahil sa malubhang karamdaman ng kanyang bunsong kapatid ay napilitan siyang tumigil sa pag-aaral at nag-Abroad. Magtatrabaho siya sa Dubai bilang cleaner ng kumpanya ni Daniel Montefalco. Hindi niya sinasadyang umibig sa CEO, kahit pa alam nito na isa siyang babaero at may iisang babae siyang minamahal na handang hindtayin kahit gaano pa katagal. Paano kung kailan nasanay na siya sa piling ni Daniel ay siya namang pagbabalik ng dating nobya ng lalaki? Paano kung sa paghihiwalay nila ay hindi alam ni Daniel na nagdadalang tao pala si Cate.
like