Chapter 1
‘’I can’t wait to walk down the aisle wearing this wedding gown.’’ Masayang saad ni Antoinette habang pinagmamasdan ang sarili sa malaking salamin. She is holding the wedding gown na puno ng beads. Ipinadala iyon ng Mama ni Mackenzie kaninang umaga, alas kwatro na ng hapon at ilang oras na lang ay mag-uumpisa na ang party na inihanda para sa kanya.
‘’Sigurado ka ba talagang hindi ka pupunta mamaya sa party ko couz?’’ May tampo na tanong niya kay Alaia na tahimik na nakaupo sa gilid, kanina pa nito pinagmamasdan ang pinsan niya.
Tipid na ngumiti si Alaia at umiling. ‘’Hindi na siguro, pero kung maaga akong matapos mamaya ay susubukan kong pumunta.’’ kaswal na sagot niya sa pinsan.
May kailangan pa kasi itong tapusin sa opisina mamaya. She is the executive assistant of her Uncle Lorencio Sandoval ang Papa ni Antoinette. Pag-aari ng mga Sandoval ang cement company sa San Mateo, Isabela. At isa sila sa nag-su-Supply ng cemento sa buong lalawigan at sa karatig nito.
‘’Kung bakit ba kasi hindi na lang ipagpaliban ni Papa ang meeting.’’ Sumimangot si Antoinette sa sinabi niya.
Nagkibit balikat lang si Alaia. Sa totoo lang ay pabor ang meeting kay Alaia dahil hindi niya talaga gustong pumunta sa party. Noong mabasa niya kasi ang mga pangalan ng nasa invitation ay kasama doon si Flynn. Ang bestfriend ni Antoinette na walang ibang ginawa kundi insultuhin siya at pagselosan.
Muling ibinalik ni Antionette ang mga mata sa salamin, hindi mapirmi ang ngiti sa labi niya habang pinagmamasdan ang sarili. Her curly and ash gray hair na hanggang balikat ay sobrang bumagay sa wedding gown na nakapatong sa katawan niya ngayon. Idagdag pa ang maputi niyang balat. She stood like a queen walking down the grand staircase with red carpet. While Alaia is as perfect as a goddess. Sopistikada ang ganda niya, at si Alaia naman ay may mala anghel na ganda. She slowly opened the zipper on the back of the wedding gown. Akmang susuotin na sana niya iyon nang sitahin siya ng kanyang Lola Marivic.
‘’Tonette! Hindi mo dapat sinusuot iyan.’’ Sita ng matanda sa kanya. Lumapit ito sa dalaga. At hinawakan ang dulo ng gown.
‘’La, naman…’’ Nakasimangot na saad ni Antoinette.
Pinanditalatan siya ng kanyang Lola. ‘’Alam mo bang kapag isinukat ng nobya ang traje de buda ay hindi matutuloy ang kasal?’’ Nakakatindig balahibong kwento ni Lola Marivic sa dalaga.
Naagaw din ang atensyon ni Alaia sa sinabi ng matanda. Nagkatinginan ang magpinsan, parehong nakakunot ang noo dahil sa pagtataka.
Tamad na tumayo si Alaia mula sa pagkakaupo. ‘’Lola… Hanggang ngayon ba naman ay buhay pa ang pamahiin ng mga matatanda noong araw?’’ pilosopong tanong niya sa kanyang Lola.
Pasimpleng kinurot ni Lola Marivic ang tagiliran ng dalaga, kaya napangiwi siya at hinaplos ang tagiliran.
‘’Lola. Belief’s are nothing to do with your fate! Nakalaan talaga kami ni Kenzie sa isa’t-isa.’’ Paninigurado ni Antoinette. Though there were questions in her mind na kung magkita silang muli ng fiancee niya ay magugustuhan kaya siya nito? Minsan lang silang nagkita ng lalaking naipagkasundo ng kanyang ama para sa kanya. That was four years ago sa isang family gathering. Mula noong araw na nakilala niya ang lalaki ay hindi na ito maalis sa isipan niya. She admires him, noon pa man. At nang nalaman niyang ipinagkasundo siya ng kanyang ama sa lalaking iyon ay abot langit ang kaligayahan niya.
‘’Hindi ko na palalampasin pa ang pagkakataong ito, ang maging asawa ng isang Mackenzie Del Rio…’’ Niyakap niya ang wedding gown at tumingala na parang nag daydream.
‘’Shungak! Sira na ang damit mo!’’ Pasimpleng itinulak ni Alaia ang ulo ng pinsan kaya agad itong natauhan.
Inis na nilingon siya ni Antoinette, pero nagtawanan din sila kalaunan.
‘’Oh My God! This worth 2 million pa naman,’’ nag-aalala na saad ni Antoinette, mas sa sarili niya sinabi. Banayad niyang hinaplos ang mga beads sa wedding gown.
Tinignan ni Alaia ang relo sa bisig niya. Nang makitang mag-alas singko na ay nagpaalam na siya sa pinsan at sa Lola niya.
‘’I have to go…’’ Paalam niya sa pinsan at sa Lola niya. Nakipag beso siya sa kanila bago lumabas sa kwarto.
Ipinarada niya ang kanyang GMC jeep na puti sa harap ng Sandoval Cement Company. Agad na bumukas ang malaking gate nang pindutin niya ang doorbell.
‘’Magandang hapon po Ma’am.’’Magalang na pagbati sa kanya ng guwardiya nang makapasok.
‘’Magandang hapon din Manong Jun, si Papa nandiyan na?’’ tanong niya sa guwardiya. Napansin niya kasing wala pa ang sasakyan ng uncle niya, pero may bagong sasakyan na nakaparada sa harap kanina.
‘’Nasa loob na po, kasama ang ilang Del Rio.’’
Tumango siya at nagmadali nang pumasok sa loob kung saan gaganapin ang meeting. They must be waiting for her. Siya kasi ang gagawa ng presentation ngayon. Idea niya rin lahat ang nasa proposal. Layunin ng proposal na ginawa niya na hikayatin ang ilang contractual engineer ng DPWH na sa kanila kumuha ng cemento, at mas mababa sa 2% ang presyo kaysa sa ibang supplier. Well that is a good Idea. Lalo pa’t ilang planta na rin ng cemento ang nagbukas sa Ilagan City.
Saktong papasok na siya sa loob ng conference room nang bumukas ang pinto at lumabas doon ang isang lalaki. Salubong ang kilay at madilim ang mukha, nakasuot ito ng puting polo na nakabukas ang dalawang botones sa taas. Kahit sa ganoong awra ng lalaki ay hindi maitatanggi ni Alaia na gwapo ito. Bagay na bagay niya ang side part hairstyle, he has hooded eyes, high bridge pointed nose na perfect ang size, he has downward-turned lips and chiselled face that seem carved by gods themselves. Umatras siya para hindi mabangga ng nagmamadaling lalaki, pero sa aroganteng lakad nito ay nabangga pa rin siya.
‘’Sonofabicth!’’ gigil na mura ni Alaia sa nangyari. Kinuyom niya ang kamay at gigil na itinaas sa lalaking walang pakialam sa nangyari. Kung hindi lang niya iniisip na kliyente iyon ay baka hinabol na niya ito at sinampal.
‘’Pat off the meeting.’’ Iyon ang pagsalubong sa kanya ng uncle niya nang makapasok sa conference room.
Disappointed niyang tinignan ang limang matatandang lalaki na nasa mahabang lamesa ngayon. Nahihiyang ngiti ang iginawad niya sa mga ito. Nginitian din siya ng mga ito na parang nakiki-simpatya sa nangyari.
‘’I’m sorry Iha, pero mainit yata ang ulo ng Papa mo ngayon, don’t worry we can still talk about this later.’’ Tumayo mula sa pagkakaupo si Mr. Clemente noong sabihin niya iyon.
Ngumiti siyang pilit at tumango-tango. Halos maiyak na siya sa nangyari, ilang linggo niyang pinaghandaan ito. Pero ganito lang ang mangyayari?
Isa-isang lumabas sa conference room ang mga lalaking kasama sana nila sa meeting, nagpasalamat siya sa mga ito at humingi na rin ng pasensya sa nangyari.
Nang sumarado ang pinto ay nilapitan niya ang kanyang uncle upang kausapin at tanungin ang problema.
Isang mabigat na buntong hininga ang pinakawalan ng uncle niya nang mapansin ang paglapit niya rito. Malungkot ang mga mata niyang nakitingin sa dalaga. Marahil sa hindi natuloy ang presentation ng pamangkin, alam niya rin naman kasing matagal nitong pinaghandaan ang bagay na iyon.
‘’I’m sorry. Iha.’’ malumanay na saad nito sa kanya.
‘’No, Pa. It’s okay…’’ pag kumbinsi niya. She will understand ano man ang rason nito. Hindi dahil malaki ang utang na loob niya sa kanila at hindi rin dahil tinuring siyang parang tunay na anak, kundi dahil mahal niya ang uncle niya at ayaw niyang kontrahin ang kahit na ano mang desisyon nito.
‘’After Antoinette wedding—’’ Bumuntong hininga muli ang uncle niya.
Tumaas ang dalawang kilay niya. ‘’Matutuloy ang presentation ko sa proposal?’’ Nagningning ang mga mata niya sa tanong niyang iyon.
Mariing umiling ang matanda. ‘’We will plan with your wedding.’’
Kumunot nang husto ang noo niya. Hirap niyang iproseso ang narinig.
‘’Pa, naman huwag nga po kayong magbiro, hindi pa nga natatapos ang kasal ni Antoinette.’’
Nagpamulsa ang matanda. ‘’It’s not a joke… Ikaw sana ang dapat ikakasal sa anak ni Frederick, but my daughter… Likes him very much. Ayokong masaktan si Tonette kaya siya ang ipinagkasundo ko sa mga Del Rio. You—-’’ Mabigat na buntong hininga ang pinakawalan nito.
Nanatili siyang tulala. Sobrang naguguluhan siya sa mga nangyayari at sa desisyon ng kanyang uncle. ‘’You…Should marry Mr. Claude.’’ Pormal na sinabi ng kanyang uncle.
‘’What?!’’ Gulat na bulalas niya, gusto niyang tawanan ang uncle niya sa sinabi, pero alam niyang seryoso ito.
‘’Sa matandang iyon niyo pa talaga ako ipinagkasundo Pa? Eh, kapapatay lang ng asawa noon ah?’’ Dagdag pa niya. Gusto niyang matawa sa sinabi niya. Pero mas nanaig ang galit sa dibdib niya.
‘’Palubog na ang kumpanya, Aia! At ikaw na lang ang makakapagsalba nito!’’ Sigaw ng matanda. ‘’You want to pay back gratitude right? Then this is I need you to do now.’’ dagdag pa niya.
Mariin siyang umiling, hindi yata siya makakapayag sa ganoong kagustuhan ng kanyang uncle. Ang ipakasal siya sa isang biyudong matanda. Nanginginig ang bibig niya, gusto niyang magsalita pero walang lumalabas sa bibig niya. Galit niyang tinalikuran ang uncle niya, bumagsak ang masaganang luha niya nang tumakbo palabas sa conference room.
‘’Ipapakasal ka ng uncle mo sa matandang byudo?’’ Natatawa at hindi makapaniwala na tanong ni Taytum sa kanya. Nasa bar sila ngayon, dito niya naisipang pumunta matapos ang tagpo nila kanina ng uncle niya.
Mariin siyang napahawak sa shoting glass. ‘’Iyon daw ang gusto niyang gawin ko para bayaran ang utang na loob ko sa kanya.’’ May pait sa sinabi niya. Muling namuo ang mga luha sa mata niya. Muli niyang itinungga ang alak sa baso niya at muling um-Order sa bartender. Pagkabigay ng bartender sa kanya ng alak ay agad niya iyong ininom, sumenyas muli siya ng isa pa. Pilit siyang pinipigilan ni Taytum dahil nalalasing na siya pero hindi siya nakinig.
‘’Gusto kong magsayaw Taytum!’’ Sigaw niya at itinaas ang baso niya, halos mapikit na ang mata niya sa kalasingan. Natawa na lang siya nang makita ang kaibigan niyang si Taytum na nakikipaghalikan sa isang lalaki.
‘’You must be enjoying!’’ Sigaw niya kay Taytum. Nilingon siya ni Taytum at tinawanan, pinagmasdan siya ng lalaking kasama ni Taytum mula ulo hanggang paa. Pero nang mapansin niyang nanatili ang mata ng lalaki sa dibdib niya ay tumayo siya, halos matumba na siya dahil sa matinding pagkahilo. Inalalayan siya ni Taytum.
‘’Lasing ka na umuwi na tayo,’’ pag-aaya ni Taytum sa kanya.
Inis siyang ngumiti at iwinasiwas ang kamay ng kaibigan. Nagulat si Taytum sa ginawa niya. Lalo na noong lapitan niya ang lalaki at idinuro ito sa dibdib. ‘’Ikaw Ah! Tarantado ka! Akala mo hindi ko napansin na nakatingin ka sa boobs ko!’’ Inis na sinabi niya. Itinaas niya ang isang kamay niya upang sampalin ang lalaki, pero nauna na siyang sumubsob sa dibdib nito at sumuka.
‘’Uh… Aia, you’re disgusting!’’ iritadong saad ni Taytum nang makita ang suka ng kaibigan sa lalaki. Inalalayan ng lalaki si Aia, habang si Taytum naman ay kinausap ang ilang staff ng bar na ireserbahan sila ng kwarto.
Dinala ni Taytum at ang lalaki si Alaia sa kwartong ipinareserba nila. Hilong-hilo man ang pakiramdam ni Alaia ay pinilit niya paring kontrolin ang sarili.
‘’I have to take a bath, I–I will just call you tomorrow,’’ Nasinok siya noong sinabi niya iyon kay Taytum. Tinanguan naman siya ng kanyang kaibigan.
Hindi siya makalakad ng maayos, nagparusay-rusay siyang nagtungo sa bathroom. Agad siyang naghilamos ng malamig na tubig upang gisingin ang sarili. Mainit ang pakiramdam niya kaya nagdesisyon siyang maligo. Ilang sandali siyang nagbabad sa tubig at tumayo na nang medyo makaramdam na siya ng ginhawa. Antok na antok na siya nang lumabas doon. Pakiramdam niya ay babagsak siya sa sahig dahil sa bigat ng talukap ng kanyang mga mata.
Pabagsak siyang nahiga sa malambot na kama nang marating iyon. Pilit siyang hinihila ng antok pero pakiramdam niya'y hindi siya kumportable sa suot niya ngayon. Nakabalabal lang kasi siya ng tuwalya. Tinanggal niya iyon at ihinagis lang sa kung saan. Itinago niya ang hubad niyang katawan sa makapal na comforter at nagpahila na sa antok. Ilang sandali pa ay naramdaman niyang bumukas ang pintuan, pero dahil sa sobrang pagkakahilo ay hindi na niya iyon pinansin pa.