"Hi everyone...I'm Alexia Ashlee Montero, 24 years old. At naniniwala sa kasabahing "Maganda man ako sa inyong paningin, pangalan ko lang ang yayamanin and I thank you."
Kontesera ako, lahat na ata ng pageant basta pasok ako ay sinasalihan ko..., kaya kong pasukin lahat ng mapagkakaperahan basta malinis. May sakit na kasi ang nanay, wala din naman akong tatay dahil hindi naman na nag-asawa ang inay.. Idagdag pa iyong gastusin ko sa pag-aaral. Kailangan kong magpursige para kumita ng pera dahil graduating na din ako. Yes po, graduating na ako. Kahit pa kasi scholar ako ay may mga binabayaran din sa eskwelahang pinapasukan ko. Kumuha ako ng kursong BSHRM... oh di ba ang taray? hilig ko kasi ang pagluluto kaya naman nakiusap kami sa mayor ng Dagupan Pangasinan na kung pwede siya magsponsor sa akin... Maayos naman ang lahat. Pero nagbago ang tahimik kong buhay noong kami ay mag-OJT na. Dahil nakilala ko ang taong dinaig pa ang menoposal baby kung umasta. Ang lalaking kabaliktaran ng ugali ko...
"Sexy, maganda, mayaman ngunit bitch pa sa bitch ang pag-uugali..." Yan ang madalas marinig ni Yanna na tingin sa kanya ng ibang tao. Ang nag-iisang heredera ni Don Ahmad Al Saud. Lumaki siyang kasambahay lang lagi ang kasama niya sa kanilang mansyon dahil busy ang kanyang ama sa kanilang negosyo. Lahat na din ng paraan ginawa niya para siya naman ang bigyan nito ng atensyon. Wala din siyang mga kaibigan dahil daig pa niya kriminal kung pabantayan ng kanyang ama. Buhay prinsesa man ay puno naman ng lungkot ang kanyang puso. Kaya gumawa siya ng paraan para mabuhay nang normal. Ang takasan ang kanyang ama at tahakin ang landas na walang kahit na sinong nakasubaybay sa bawat galaw niya.
Ano kayang pagbabago ang mangyayari sa kanya? Paano kaya niya sisimulang tahakin ang daang pinili niya sa panibagong yugto ng kanyang buhay. Makakaya niya kayang tumayo mag-isa? Ano kayang mararamdaman ng kanyang ama? Abangan ang kwento ng buhay ni Yanna Al Saud bilang Anna kung saan malayo sa buhay na kinagisnan niya?
Camille Gisa...
The great pretender, kind, sweet, responsable, caring at higit sa lahat mapagmahal na babae.
Para hindi niya maranasan ang masakit na pinagdaanan ng kaniyang nanay sa kanilang ama ay mas pinili niyang magbihis lalaki. Dahil sabi ng nanay niya "Walang magandang dulot ang mga lalaki sa mga babae kundi pasakit." Siya ang panganay sa lahat kaya naman siya lagi ang kahalili nito sa paghahanap buhay. May isip na siya nong pinili ng tatay nilang sumama sa ibang babae. Tanging ang bestfriend lang niya ang nakakapagpabihis sa kanya ng mga pambabae dahil nga kontesera ito. And babae man ang hanap niya ay hindi niya maiwasang humanga sa taglay nitong ganda. Siya lang din ang kasa-kasama nito kahit saan sila magpunta. Naging magkaramay sila sa lahat ng oras. Nasanay na sila sa presensya ng isa't-isa.
Kolehiyo na sila nong ipakilala siya nito sa boyfriend niya... Ang boyfriend niyang bigla nalang sumulpot sa buhay nila. Ang lalaking naging kaagaw niya sa attention ng bestfriend niya...