bc

Ang Rebeldeng Heredera

book_age18+
2.7K
FOLLOW
8.4K
READ
arrogant
royalty/noble
heavy
scary
bold
female lead
like
intro-logo
Blurb

"Sexy, maganda, mayaman ngunit b***h pa sa b***h ang pag-uugali..." Yan ang madalas marinig ni Yanna na tingin sa kanya ng ibang tao. Ang nag-iisang heredera ni Don Ahmad Al Saud. Lumaki siyang kasambahay lang lagi ang kasama niya sa kanilang mansyon dahil busy ang kanyang ama sa kanilang negosyo. Lahat na din ng paraan ginawa niya para siya naman ang bigyan nito ng atensyon. Wala din siyang mga kaibigan dahil daig pa niya kriminal kung pabantayan ng kanyang ama. Buhay prinsesa man ay puno naman ng lungkot ang kanyang puso. Kaya gumawa siya ng paraan para mabuhay nang normal. Ang takasan ang kanyang ama at tahakin ang landas na walang kahit na sinong nakasubaybay sa bawat galaw niya.

Ano kayang pagbabago ang mangyayari sa kanya? Paano kaya niya sisimulang tahakin ang daang pinili niya sa panibagong yugto ng kanyang buhay. Makakaya niya kayang tumayo mag-isa? Ano kayang mararamdaman ng kanyang ama? Abangan ang kwento ng buhay ni Yanna Al Saud bilang Anna kung saan malayo sa buhay na kinagisnan niya?

chap-preview
Free preview
Prologue
10 years ago... Yumma.... Yumma.... Yumma, min fadlik 'iibqaa. (Please stay) la tadhhab (don't go)... Don't leave me here Mama. "I'm sorry my Yanna always remember mama loves you." umiiyak na sagot ng mama niya. "Mama take me please mama. I want to come with you."hagulgol pa ng 10 years old na batang babae. "No my Yanna. Your life is better if you stay with your Baba(papa) so please, behave okey. Listen to him. I promise I will take you when I can find a stable job okey. Be good anak." at niyakap na niya ang kanyang nag-iisang anak bago lumabas ng kanilang mansyon. Walang nagawa si Yanna kundi mag-iiyak. Naaawa naman sa kanya ang kanyang yaya pero tulad niya wala din silang magawa. Sa musmos niyang isip, nagtanim siya ng galit sa kanyang ama. Siya si Yanna Al Saud. Half Arabo-Filipina. Ang nag-iisang heredera ni Don Ahmad. Isa ang ama niya sa tinitingala sa bansang Saudi Arabia. Pero siya din ang kinatatakutan ng lahat dahil bawat bigkasin niya ay dapat masunod o magawa. Ang ina niya ay isang hamak na mahirap lamang. Si Jane Torres. Nanilbihan ang kanyang ina sa pamilya ng kanyang ama noon bilang katulong. Nagkadevelopan lamang sila ni Don Ahmad. Mababait ang mga grandparents niya sa kanya pero isang hampas lupa, gold digger at kung ano-ano pa ang tingin naman sa kanyang ina. Dapat uuwi na daw sana ang mama noon ngunit hindi pumayag ang Donya na ipanganak siya sa Pilipinas kaya nanatili siya sa poder nila hanggang maisilang siya. Gusto nang umuwi ni mama noon pero hindi niya ako maiwan-iwan kaya noong binigyan siya ng kondisyon ng aking lolo ay agad naman niyang sinunggaban. "You are not allowed to stay here anymore. You will just ruin my son's life." Don Ahmad "Please Don Ahmad, I want to be with my daughter. I want to see her growing." "Okey,if you really want to stay here. Stay! But you are not allowed to tell anyone that you are the mother. I will give you enough money. I will pay you. Take care of her as much as you want but you will just remain as her nanny. Understand!" sunod-sunod siyang napatango. Namalagi siya doon na kahit isa sa mga mahahalagang dokumento niya ay wala siyang hawak. Duon na umikot ang mundo niya kasama ko. Lumaki akong yaya ang tingin ko sa kanya. Hindi na din naman nag-asawa si papa dahil sabi niya mahal niya ang mama. Sadyang hindi lang daw sila pwedeng magsama dahil mahigpit ang lolo. 6 years old na ako noong namatay ang Lolo, sumunod din naman agad si lola sa kanya. Lahat ng yaman nila ay ipinamana kay papa. Simula noon naging busy na siya sa negosyo iniwan sa kanya ng magulang. After one year nang pagkawala ng grandparents ko nagdesisyon na din si mama at papa na magsama. Nagpakasal din naman ngunit nawalan din siya ng panahon sa amin dahil priority niya ang kanyang negosyo. Ibinuhos niya lahat ng attention niya duon para mapalago pa ito lalo. Mas kinilala nga naman siya sa larangan ng industriya pero isang araw nagbago nalang bigla si Papa. Parang nabuhay sa kanya ang katauhan ni lolo. Madalas na sila mag-away ni mama. "Gabiya(stupid) , don't you know how to iron my clothes?" narinig kong sigaw niya kay mama. Umabot pa sa puntong nakikita kong sinasaktan siya. May pasa, putok ang labi. Hindi ko man naiintindihan ang nangyayari noon pero alam ko nasasaktan si mama. Lagi nalang siyang umiiyak. Bihira na din umuwi si Papa sa mansyon kaya kaming dalawa nalang ang naiiwan kasama ang mga katulong. Pinalagyan din ng aking ama ng mga security guard ang bawat labasan ng bahay. Hibdi kami pwedeng lumabas na wala siyang pahintulot. Ganun lang umikot ang buhay namin. Daig pa ang preso.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

NINONG HECTOR (SPG)

read
124.9K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
31.3K
bc

YAYA SEÑORITA

read
12.6K
bc

BAD MOUTH-SSPG

read
20.6K
bc

His Obsession

read
104.9K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook