ASWANG NA PASAWAYUpdated at Dec 6, 2020, 01:10
ASWANG NA PASAWAY
Written by: Red Sondia
SYNOPSIS
Siya si Tivorsha 'Ivorey' Mananggal, mula sa angkan ng mga tinitingalang aswang. Sa edad niyang tatlong doble na yata ng numero sa bingo ay nanatili pa rin siyang "never been kiss and never been touch".
Subalit, napipintong magbago ang kanyang kapalaran nang minsang magtagpo ang paningin nila ng lalaking unang kita pa lang niya rito ay napatulo na ang kaniyang laway. Hindi sa gutom, kundi sa mala- pandesal nitong abs.
Nakahanda na sana siyang iwanan ang pagiging single, ngunit mukhang mapurnada pa yata nang makialam ang kaniyang mga magulang. Would she obey her parents desire? O, susundin niya ang sigaw ng kanyang puso para sa kapakanan ng matris niyang malapit ng ma-expire?